Wakas hanggang simula

310 5 0
                                    


Nagsimula ako sa wakas

Nag-umpisa ako sa kung paano ka nawasak nang paulit-ulit na alon

Nagsimula ako sa mga bagay na akala mo wala nang pag-asa

Nagumpisa ako sa mga panahong mahina ka

Sa kung paanong halos malunod ka sa pagbulusok ng mga damdaming hindi mabigyang halaga

Sa mga emosyon. Sa tuwa, sakit, inis, yamot, pait, galit at pagkamuhi

Sa mga pagkakataong tumalon ka at lumagapak pababa

Sa mga oras na kumapit ka pero bumigay ang pag-asa

Nagsimula ako sa wakas ng damdamin mong akala mo hindi na makakabawi pa

Nag-umpisa ako sa wakas ng pagkatao mong sirang-sira, hindi mapakinabangan

Dahil ilang beses mo nang itinapon sa kawalan

Sa kawalan ng magmamahal, kawalan ng ideyang magmamahal ka uli

Dahil ang wakas mo ang gagawin kong simula

Ang wakas mo ang gagawin kong unang letra ng mga bubuuin kong mga salita

Ang wakas mo ang ang gagamitin kong hagdan paakyat

Hahakbang ako paitaas para makita ko ang iyong mga mata

Bababa akong muli para pakinggan ang puso mong nakalimutan na yatang ngumiti

Sa wakas mo, naroon ako

Sa wakas mo, naghihintay ako

Naghihintay na bumuo ng simula

Ng simula na tatahakin ang gitna

Tatahakin ang sukdulan

Hanggang sa maabot ko ang rurok ng sumisidhing simula

Ng simulang kasama kita...

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon