Hindi bibitaw

52 3 0
                                    

Hindi bibitaw ang puso ko sa 'yo

Dahil walang kamay ang mga iyon para kumawala, para magwala

Walang mga paa para tumakbo palayo

Walang mga mata

Bulag sa sakit, lumpo sa mga pasakit

Handang yakapin maski lahat ng kasinungalingan

Payag na magsakripisyo kahit nag-aalangan

Dahil kumakapit pa rin sa sa salitang, "Mahal kita"

Sa "Kaya ko pa."

Mahal kita dahil mahal kita

Kaya ko pa dahil mahal kita

Hindi na kailangan pang magpaliwanag ng mga letra

Hindi na ako magtatanong ng mga "Kung paano..."

Kung paano nagsimula

Kung paano kumakapit

Kung bakit gusto pa ring lumapit

Hindi nanunukat ng "Kung gaano..."

Kung gaano kalalim, kung gaano kababaw

Kung gaano kalalim at kababaw ang mga damdamin na

Kahit ipikit ang mga mata, kahit kumuyom ang mga kamay

Kahit maubos ang mga letra

Naninindigan pa rin sa mga katagang, "Mahal kita"

Mahal na mahal kita.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon