Dalawang Taon

91 3 2
                                    

Dalawang taon kong pinangarap na mangitian mo

Dalawampu't apat na buwan kong hiniling na sana tingnan mo ako

Dalawang taon kong pinagmasdan ang mga ngiti mo sa malayo

Dalawampu't apat na buwan akong nagkasya na lang na mapansin

Bawat umaga

Bawat araw

Bawat umaga

Bawat araw

Bawat gabi...sa panaginip ko

Sa panaginip ko na malaya ako

Malaya akong masabi ang nararamdaman ko

Malaya akong yakapin ka nang mahigpit

Malaya akong maramdaman ang init

Malaya akong isigaw ang pangalan mo

Sa panaginip ko, malaya ako

Pero paggising ko...

Malaya ako pero malayo ka

Malayong-malayo ako sa puso mo

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon