Kalokohan

95 2 0
                                    

Sino ba kasing nagsabi na ang salitang-ugat ng 'tayo' ay

Ikaw

At

Ako?

Kalokohan

Dahil kung may salitang puwedeng ikabit sa 'tayo' iyon ay:

Ayo- ayoko na, sinabi mo noong minsan magkayakap tayo sa dilim habang umuulan. Ayaw mong pumunta sa liwanag na kasama ako. Noong mga panahong akala ko tayo na bigla kang nagbitaw ng 'ayoko na'. Bigla kang bumitaw.

         - ayos na tayo sa ganito, ganito na lang tayo, na hindi tunog nakokontento, kundi tunog ng mga salitang natatakot sumubok. Natatakot humakbang. Natatakot tumakbo

Kalokohan

Walang 'ikaw' at 'ako' sa salitang 'tayo'

Walang

Ikaw

At

Ako

Sa mundo

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon