Siya iyong...

35 1 0
                                    


Ako lang ung 74.9 % na score mo sa exam. Iyong pasas sa embutido na tinatabi mo sa gilid ng pinggan dahil hindi mo maatim na nguyain kasabay ng kanin.

Ako iyong pinya sa pizza na binili mo. Dahil sobrang matamis, hindi papasa sa maalat mong panlasa. Minsan nga ako iyong pinakabaduy mong damit sa cabinet. (Iyong pinagsisihan mo kung bakit binili mo dahil hindi naman bagay sa 'yo)

Ako iyong pansit sa birthday party. Kahit maraming nagsasabing pampahaba ng buhay. Hindi mo ako pinapansin, dahil bukod sa hindi ka naniniwala, wala rin akong dating sa 'yo

Pero siya?

Siya ung 95% na score mo sa quiz. Iyong kahit saan puwede mong ipagmalaki. Iyong hindi mo ikakahiya. Ipapagsabi mo pa sa mga kaklase mo. Siya iyong keso sa embutido. Iyong tipong humahalo sa sarap ng kanin.

Iyong giniling sa pizza.

Iyong spaghetti tuwing birthday mo.

Iyong simpleng T-shirt pero palagi mong isinusuot.

Siya iyong tipong pipiliin mo para maisantabi ako.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon