Magkabilang Dulo

50 1 0
                                    

Ilalatag ko ang mga pangungusap para hindi mo na kailangan pang magtanong
Maghanap ng mga sagot kung paanong tayo nakarating sa ganitong tagpo
Kung paano tayo nakatayo sa dalawang magkabilang dulo
Magkalayo
Pero gustong tumakbo
Sa iba't ibang direksyon
(Gusto kong tumakbo papunta sa 'yo)
Sa kahit anong pagkakataon
Magkalayo
At hindi magtagpo

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon