Daw-Raw

80 2 0
                                    

Sa iilang beses mo raw makakaramdam ng pagmamahal. Iisa lang daw doon ang talagang totoo. Iisa lang daw iyong tipong gagawin mo ang posible kahit imposible. Iyong tipong lalangoy ka kahit puwede namang maglakad. Iyong kahit alam mong puwede namang bumaba, aakyatin pa rin. Dederetso ka pa rin.

Dahil ang taong iyon ang tahanan mo. Na kahit saan ka man pumunta, uuwi at uuwi ka pa rin sa kanya,

Uuwi at uuwi ka pa rin sa taong iyon.

Iyong tipong totoo. Walang pag-aalinlangan. Walang bakit. Walang paano.

Iyong ipapakita mo lahat ng kakulangan mo. Lahat ng kapintasan mo. Lalo na sa mga pagkakataong mahina ka. Lalo na sa mga oras na sira ka. Sira ang ilang bahagi. Dahil alam mo, siya lang ang puwedeng umayos at magbalik ng mga sira mong parte para gumana ka uli.

Kasi raw sa libo-libong tao sa mundo, may isa raw na katumbas mo.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon