Bata, Bata

96 2 0
                                    

Bata, bata bakit ka umibig nang maaga?

Bakit ka ngumiti kahit hindi mo pa alam ang mga letra?

Bakit ka nagbitaw ng mga salitang kahit hindi mo pa alam bumuo ng talata?

Bata, bata paano ka umibig nang maaga?

Paano mo nagawang palitan ang lapis ng mga goma?

Paano mo naihiwalay ang pangarap sa akala?

Bata, bata ano ang pakiramdam nang umibig nang maaga?

Ano ang epekto ng unang halik at yakap sa kama?

Ano ang ibig sabihin ng dugo at mga luha?

Bata, bata sino ang iyong inibig nang maaga?

Sino ang nagnakaw ng maynika at pinalitan ng maskara?

Sino ang naghubad ng lahat ng kainosentihan sa iyong mga mata?

Bata, bata, nasaan ka na nga ba?

Nasaan na ang mga pangakong paulit-ulit mong ibinubulong sa bawat kanta?

Bata, bata, Nasaan na ka nga ba?

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon