Basag Na Piraso

91 1 0
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang dinampot ang mga basag na piraso ng iyong pagkatao. Kung ilang pagkakataon ko na bang tinangkang buuin lahat ng pagkukulang at kahinaan mo. Ilang beses ko nang pilit na pinagdikit-dikit ang nabasag mong mga letra. Ang mga kulang na pangungusap. Ang mga hindi tapos na talata. Ang mga binurang kuwento. Lahat ng basag na bahagi mo. Binuo ko. Binuo kita. Pinulot ko ang mga basag na bahagi mo. Hanggang sa hindi ko namalayan, nagdurugo na pala ang mga daliri ko.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon