Sa 'yo

85 1 0
                                    

Sa nakakapagod na pakikipagsiksikan araw-araw sa LRT, MRT, bus o jeep.
Sa walang katapusang paglalakad sa mga daang kailangang tahakin
Sa bawat pawis, gutom, luha at dugo
Sa kalawakan ng pagdududa, sa karagatan ng kalungkutan
Sa paulit-ulit na pakikipagtalik sa mga “paano kung” at “bakit kaya”
Sa hinaba-haba ng daang hindi mo alam kung nasaan ang katapusan
Naghihintay ka sa gitna
Sa gitna ng mga letra. Sa kalahati ng bawat pahina.
Hinihintay mo ako para sabihing, “Mahal, uuwi na tayo.”
Uuwi na ako sa iyo.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon