Kung alam ko lang...

57 1 0
                                    

Naalala ko pa rin kung paano tayo tumawa noon sa mga pinakamababaw na dahilan. Dahil nahulog si ano sa kanal. Kung paano nakaupo ng tae ng aso si ano. Dahil binigyan ng dropping form si ano.

Sabay-sabay din tayong nagalit at nalungkot sa pinakamalalim na paraan. Mga paraang akala natin iyon lang ang sagot sa mga katanungan. Sa mga tanong kung bakit natin iyon nagawa (Hindi natin alam na darating din tayo sa edad na halos hindi na natin hahanapan pa ng sagot ang mga bagay na hindi natin alam)

Simple lang ang lahat noon. Papasok sa umaga. Makikinig. Makikipagkuwentuhan. Magpapalitan ng mga salitang,

"Sana grumaduate na tayo."

"Shet, tagal mag-college."

"Gusto ko na magtrabaho."

"Kelan ba ako magma-matured?"

(Mga salitang, sa ngayon. Ngayong alam ko na ang sagot, ayoko nang ipagpatuloy pa)

Maghihintay ng uwian. Babalik sa hapon para muli na namang magtawanan. Mangangarap nang sabay-sabay. Mag-aasaran ng walang humpay. Walang hinahabol, walang gustong patunayan. Walang kailangang patunayan. Walang pakialam sa lahat ng bagay.

Sa mundo.

Sa lahat ng bumubuo rito.

Sa mga taong nagpapagalaw rito.

Wala tayong mga tanong noon tungkol sa buhay.

Sa buhay na mahirap palang pakibagayan.

Paulit-ulit na lang tinatanong ng lahat, "Kung paano nga ba bumalik sa nakaraan."

Kung alam ko lang sana ginawa ko na.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon