Pinasabik Ng Tadhana

124 2 0
                                    

Hindi ko kahit kailan pinagsisihan na pinapasok kita sa pinto ng pagkatao ko.

Na pinasilip kita sa bintana ng mundo ko.

Pinagkasya ko ang mga oras na mayroon tayo

Kinuha ang ilang bahagi ng amoy mo.

Ang kaunting parte ng mga sinabi mo

Tinatak ko na sa dibdib ko

Dahil alam kong aalis at aalis ka

At kailangan ko ng isang bagay na magpapa-alalang dumating ka

Isang bagay na magpapa-alala sa 'yo

Dahil aalis at aalis ka

Lalayo ka, hahakbang palabas

Isasara mo ang pinto at iiwan mo ako

Kaya kailangan kong kabisaduhin ang lahat

Tandaan ang bawat pahinang sinulatan mo

Dahil aalis ka

Iiwan mo ako

Dahil pinasabik lang tayo ng tadhana

Pinasilip lang tayo ng pagkakataon na baka puwede nating maabot ang dulo

Ng magkasama

Pero mas mabuti kung iba ang kasama

Dahil umalis ka na

Iniwan mo na ako

At kailangan ko ng isang patunay na minsan kang kumatok sa pinto ko

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon