chapter 8 - Share In A Bed

804 127 33
                                    


Chapter 8- Share in a bed

Ally's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sobrang init na nadarama ko. I was hugging a very huge pillow and I actually love it.
-_-

Lalong lalo na ang tamang init na nadarama ko mula rito.

Mas hinigpitan kopa ang pagyakap ko rito. Tulog padin ang diwa ko habang dinadama ko padin ang init na dala nito. Feel na feel ko eh ba't ba.

Hindi pako nakuntento at ipinatong kopa ang paa ko rito. Bahagya pang pinagpawisan ang mga palad ko kaya ibinaba kopa ito hanggang sa maramdaman ang..
-_-

matitigas mula rito.

Nagtataka man ay dinama kopa ito upang malaman kung ano ba talaga  ito. Ginalaw kopa itong muli ngunit sa muling paglapat ng palad ko dun ay nakarinig ako ng pagsinghap at ilang bulong na mura. o_o

And that made my mind shiver. Yung tulog na tulog ka pero para kang binuhusan ng malamig na tubig.

Pakiramdam ko'y tinakasan ako bigla ng kulay lalo ng maramdaman kong hinapit din ako nito palapit rito. Nag-unahan narin ang tibok ng puso ko dahil sa magkahalong kaba at kahihiyan.

Nag-init ang mukha ko lalo ng maramdaman ko ang mabibigat na paghinga sa noo ko. Oh God, this can't be...

Ang kaninang tulog kong diwa ay parang binuhusan ng malamig na tubig at gising na gising na ngayon.

Nanghihina man ay humugot ako ng lakas ng loob upang imulat ang mga mata ko ngunit....
O_O

pakiramdam ko'y pinagsisihan ko ang pagmulat ko nun. Say this is just a dream. Halos manlaki ang mata ko sa mga bagay na pumasok sa isip ko.

Yung...yung virgin eyes, body and soul ko.

"Walaaaaaaaa naaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!! " sigaw ko na lamang nang mapagtanto ang nasa harap ko.

"Aaaaaahhhhhhhhh!!! anong ginawa mo sakin!"sigaw ko sa lalaking walang damit na yakap yakap ako habang naiiyak nadin. Hindi, hindi ko kakayanin kung totoo man ang nasa isip ko. Hindi ko sya mapapatawad.

"Sssshhhh, wag ka ngang sumigaw...natutulog yung tao." mahinahong wika nito. Pilit akong kumakawala pero ayaw nya akong bitawan.

"Bitawan moko, manyak, pervert, walang galang, walang respetong demonyo!!! "  Halos pasigaw ko sa kanya dahil sa inis at pagkabigla. Binabalot parin ako ng kaba, nagwawala padin ang puso ko dahil sa galit at takot.

Pilit padin akong kumakawala subalit masyado syang malakas. Nanghina ako ng walang nangyari matapos kong magwala.

"Please, bitawan moko." Gumaralgal na ang boses ko sa pagkakataong ito.
Hindi ito maaari, hindi ko matatanggap to.

Pumatak na ang mga luha ko. Ngunit kasabay ng pagpatak nito ay ang paghapit nya sa katawan ko. Kinulong nya ako sa mga yakap nya.

Muli na namang nagwala ang puso ko. Bakit ngaba palagi akong pinapakaba ng lalaking ito. Hinang hina na naman ako, habang nakapikit.

"Stop crying." iba na naman ang tunog nya ngayon. Ang masungit na boses kanina ay napalitan na naman ng malambing na boses. I felt like I was being protected again. Hindi talaga maispelling ang ugali ng lalaking to. Pero ang mas nakakainis, nadadala ako nito mismo.

Mas nilapit nya pa ako sakanya kaya awtomatikong napadilat ako. Ngunit dapat konga bang pagsisihan to? Napakagat na lamang ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay wala na naman akong mahagilap na hangin. Teka ba't ba ganito ang nafefeel ko? ba't ganto ang kaba ko, sobra naman ata.

Nararamdaman ko ang paghinga nya at sa tingin ko ay hindi ko ata gusto ang posisyon namin ngayon. Magkadikit na yung noo at ilong namin. Hindi ako makagalaw sa takot na baka kung ano pa ang mangyari kapag gumalaw ako.

"Please, let's just stay like this." Sabi nya at pumikit na naman. Napalunok ako sa kaba.

'Gosh ambango ng hininga nya.'

o_o wait..

Erase erase erase.

Allison ano ba iniisip mo? I swear makawala lang ako dito gagantihan ko to. We stayed like that, dahil nadin sa natatakot akong gumalaw.

May naramdaman naman akong basa sa noo ko, may bimpo pala. Does it means nagkalagnat ako?

Pinakiramdaman ko ang katawan ko at napahinga nalang ng maluwag ng maramdaman kong may mga damit pa pala ako. Bahagya pakong nagpasalamat ng panandalian.

Nanatili lang syang nakapikit kaya sa tingin ko ay bumalik na ito sa pagkakatulog. Hindi ko mapigilang hindi sya mapagmasdan. Bakit ngaba pakiramdam ko nalang palagi ay parang may kamukha ito.

Napalalim ang pag-iisip ko habang nakatitig padin sa kanya, this person is really perfectly made as if creating a greek god. Siguro'y nung nagpaulan ng kaperpektuhan si God, ay nasalo nya lahat. Edi sya na tss.

Napakaamo ng mukha nya habang tulog. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang adonis na nasa harapan ko. Kung sana palagi tong ganto eh.

Mula sa mga kilay nitong may matingkad na kulay at magandang kurba. Sa ilong nitong may perpektong tangos. Sa mahahabang pilikmata nito. Sa mga mata nitong nakakalunod.

Pumasada pa ang mga mata ko sa labi nito. Bakit ngaba mapula ang kulay nito.

Bigla nalang syang nagsmirk at binuksan ang mga mata nya. Dahilan upang mataranta naman ako.

Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko. At nag-init pa ang mukha ko dahil sa hiya. Lalo nang magtama ang mga mata namin.

"Are you done checking out my feature?" sabi niya habang may pa smirk smirk pang nalalaman. Na animo'y nanalo ng kung ano. Binabawi kona, hindi na pala to perpekto, may ugali nga pala to.

Nangibabaw ang pagkapahiya sa kalamnan ko at nakaramdam pako ng awkwardness, dahil anlapit nya pagkatapos nakatitig pa ito sakin.

Tug tug tug.

Maheheart attack narin ata ako sa kaba? Humugot ako ng hinga kahit sobrang nahihirapan ako dahil sa closure namin.

"Pwedi mo na akong pakawalan alright." sabi ko nalang.

"Gising kana naman. " pagtataray ko nalang. Para matabunan ang pagkapahiya. Kung bakit ba naman kasi nagtulog tulogan patong demonyong eto tapos may pahapit pang nalalaman tss.

Tinitigan nya lang ako ng seryoso at binaba niya ang titig sa lips ko. Muli na namang naghuramentado ang puso ko sa kaba. Napalunok pa ako dahil sa ginagawa ng isang to. Teka bakit ba ang hilig manitig nito sa labi, nakakainis na ah, manyak ata to eh >_<.

He smile playfully. To be specific parang kalokohan ang pumasok sa isip nya.

Tug tug tug.

Wala naman akong sakit sa puso nito? Sinusumpa ko talaga tong ugok nato. Idinikit nya yung noo nya sa noo ko at...itinaas ang kamay sa pisngi ko. He's caressing it.

"Let me go, you devil." Sabi ko ng may pagbabanta na. Kahit na napipiyok pa ang boses ko dahil sa nagwawala kong puso. Kinakabahan lang ako alright. Ikaw ba naman halos   maduling sa closure nyo tas idagdag pa ang paninitig nito. Wala naman sigurong pinaplanong masama to ano? Tiningnan ko sya ng masama.

But then he's too close now that I can even smell his strawberry mint smell breath. Mas lalo pa syang lumapit. And then I felt my self to be dumb. Napapikit nalang ako sa di malamang dahilan.

To be continue...

Arrange married to a famous star #PHtimes2019 #dreamers Award 2018) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon