Chapter 7- Honeymoon 2

231 19 0
                                    

Chapter 7- Honeymoon 2

Hindi ko naman sya pinansin, ewan pero biglang nakaramdam ako ng inis sa lalaking kaharap ko ngayon. Napabuntong hinga nalang ako sa pagkafrustrate.

"Ang bilis mo naman yatang lumapit sa lalaki, kakakasal palang natin ah, pano kung may makaalam na kasal nako huh? ayokong magkaissue dahil lang sa magiging katangahan mo at dagdag kapa sa dalahin ko tss." Galit na singhal nito sakin, na ikinagulat ko naman. Napakadilim na aura ang nakikita ko rito ngayon.

Gayunpaman pakiramdam ko ay natuyuan ang buong kalamnan ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko at napatitig nalang ako sa kanya. Titig na may kahalong nag-aambang luha. Naghalo na naman tuloy ang mga emosyon ko.

'Ang daling magbitiw ng salita nito, hindi nya man lang ba naisip ang salitang nakakapanakit? wala na ngang modo, matabas pa ang dila, eh addict ata to eh'

'But then ano nga ba ang kasalanan ko at paulit-ulit nalang akong dinaratnan ng mga ganitong tao? '

Naalala korin bigla ang unang taong iniwanan na nga ako, may kalakip pang masasakit na salita. Napapikit nalang ako sa ala-alang yun at naramdaman kona ang pag init ng mga mata ko. Ang ala-alang kailanman ay ayaw ko nang balikan, ay unti-unting nanunumbalik dahil sa lalaking to. Ang katangi tanging ala-alang pinanghahawakan ko at araw-araw nasa panaginip ko. If only I could clearly remember that, I would search for that person. At heto, matinding sakit ang pinapasan ko dahil halos magkapareho sila ng sinabi sa panaginip ko.

Naimulat ko ang mga mata ko at nakita ko naman ang paglambot ng ekspresyon nito mula sa madidilim na titig nya kanina.

Hindi ko mapigilan ang halo halong emosyon na sumalakay sakin. Lalo't dumagdag ang maselang ala-ala nayun. Nahalo pa ang masasamang salita ng lalaking to. kahit papaano ay lumaki akong may dignidad at ni minsan hindi ako natawag na ganyan. Dumaan man ako sa panlalait at may part talaga ako na walang pakealam sa paligid but then ewan at pakiramdam ko masakit sa tenga na sa lalaking ito pa nanggaling.

Hindi ko maitatangging pakiramdam ko'y isang malakas na sampal ang sinabi nya sakin. Naramdaman ko ang paglapit nito kung kaya't mabilis akong tumayo at tumakbo palabas. My tears keep storming kahit na anong gawin kong pagpigil.

"San ka pupunta?" huling sigaw na narinig ko bago makasakay ng elevator.

Bago magsara ang elevator, nakita kopa ang anino nitong humabol sa elevator.

'tss bakit kelangan pa kitang maalala, bakit di ka nalang tuluyang mabura sa ala-ala ko. '

Naikuyom kong muli ang mga palad ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagkabasag ng puso ko dahil sa samu't saring emosyon at sa mga ala-alang nanunumbalik sakin. At dumagdag pa ang ala-ala ni David. Ang kababata kong kaisa-isang minahal ko. His the one who give me new memories and new life but now, his lost... I lost him and it totally breaks me into pieces.

Bumaba na ang elevator sa first floor at derekta ko itong pinindot pataas sa last floor. Nilabas ako nito sa rooftop. Madilim na ang parteng ito dahil gabi narin.

I felt weak and here they goes again, the feeling that I do really pity my self. Wala sa sariling tumakbo ako palapit sa pinakadulo at pinakawalan ko nanga ang gustong isigaw ng puso ko.

"Bakiiiitt? Bakiiitt nangyayari to?"
Sigaw ko at pinakawalan na nga ng tuluyan ang mga luhang kanina kopa pinipigilan.

"Bakit sa lahat ng tao ako pa?
Bakit...bakiiiiiitttttt?" Sigaw kong muli habang pakiramdam ko'y dinudurog ang puso ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko.

Arrange married to a famous star #PHtimes2019 #dreamers Award 2018) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon