Chapter 29- Babysit

211 9 2
                                    

A/N Hi guys i'm just too busy on school and business hopefully matapos ko na eto, this will be published very soon, maraming Salamat po sa suporta.

Chapter 29- Babysit

Elijah's POV

"Dhe. "

"Dhe. "

"Dhe. "

Napahawak ako sa ulo ko, gulong gulo ang utak ko ngayon. Kasalukuyan akong nasa labas ng ospital ng Star International University.

Mabilis ang galaw kong nagpark at binaba mula sa kotse si Allison. Nakasunod sakin si Hunter pero hindi ko na eto pinansin pa. Pagkababa ay tinakbo kona agad sa loob si Allison.

Pagkapasok sa ER ay mabilis nilang inasikaso si Allison. Nanghina akong napaupo sa upuan ng tuluyan na nila etong dalhin sa isang kwarto. Hindi ako mapakali sa kinauupuan kaya napahawak ako sa noo habang nakatitig sa kwarto kung saan nakapuwesto si Ally.

Napatayo ako mula sa upuan nang makitang lumabas na sa room ni Ally ang doctor.

"How is she doc?" nag-aalalang bungad namin rito.

Tinanguan lang kami nito.

"As of this moment she is stable po." seryosong saad nito samin kaya nakahinga kami ng maluwag ni Hunter.

"But Mr. Demitre, hindi pa po kami makakapagbigay ng dialysis sa ulo nya. Base po kasi sa nakikita ko, maliban sa sugat nito sa ulo, parang may sugat na eto dati pa. It's as if, she had been into an accident before." Seryosong dagdag nito kaya nangunot ang noo ko.

Accident before?

" Don't worry, we will be running several test on her to make sure na bago sya makalabas ay maayos na ang lahat. " pagtatapos nito sa usapan.

Napilitan lang akong tumango as I mouthed "Thank you."

Pagkaalis ni doc ay nagkatitigan kami ni Hunter at tahimik na pumasok sa loob. Naupo kami sa magkasalungat na upuan sa room nito.

It's been a long time since nung makita ko ang ganitong mukha nito. Her angelic face is really different. Napakainosente nito at pinapakita nito na dapat itong inaalagaan.

Bagay na hindi ko nagagawa sa kanya. Bagay na hind ko pweding gawin sa kanya. I cannot make her feel that I care for her at paasahin sya.

Tama na yung sakit na nakukuha nya mula sa akin ngayon. Ayokong kapag dumating ang panahon ay mahirapan syang kalimutan ako.

Hangga't maaari ay gusto kong sya na mismo ang sumuko sa amin. One thing is kapag nakapaghiwalay kami ay gusto kong makapagpatuloy sya sa dati nyang buhay.

I am making sure na sa huli ay makakabalik sya sa dati nyang buhay at magiging normal na ang lahat.

Ginagawa ko ang lahat ng eto para sa amin, at lalong para sa kanya. Hindi ko alam pero kahit anong pilit kong itanggi, may parte sya sa puso ko na hindi ko sya dapat saktan. Na hindi ko sya dapat paiyakin. That she deserve to be treated well.

Kahit na anong pilit kong tanggalin ito sa sistema ko ay nandun padin. Pinilit ko syang iniwasan nitong mga nakaraang buwan. Hinayaan kong husgahan nila ako basta't maiwasan ko sya. Hindi narin ako umuwi pa ng bahay mula ng huling nakita ko syang masaktan.

Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan. Halos gusto kong sapakin ang sarili ko kada nakikita ko syang ganun kaya nilayo ko ang sarili ko. Hindi lang ang sarili ko kundi maging ang kung anong nararamdaman ko.

I shouldn't have feelings on her. I shouldn't dahil may pinapangarap ako at pinangakuan na papakasalan at makakasama habang buhay.

Sa kanya ko dapat iikot ang mundo ko, kay Alexandrea lang dapat.

But then, naging magulo ang mundo ko simula nang layuan ko sya. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit nahihirapan ang kalooban ko sa harapang pag iwas nito sakin.

May mga oras na maging sa pagkain nito ay sinusundan ko sya, may mga oras rin na nakakaramdam ako ng galit kada nakikita kong nakikipagtawanan ito sa iba gaya ni Hunter, at higit sa lahat may oras na naiinis ako kada nagtatama ang paningin namin pero mabilis nitong iniiwas ang tingin na parang pinandidirian ako.

Napailing ako sa mga naisip at napaangat ng tingin kay Allison. Nawala lang ang atensyon ko sa kanya ng marinig na nagsalita si Hunter.

"You'll life will be in damnation if something bad happen to Ally." malamig ang tingin na saad nito.

Umiling nalang ako rito at ibinalik ang tingin kay Allison, alam kong sa bandang 'to ay may mali ako at hindi deserve ng babaeng eto ang dinanas nya.

Somobra na yata ako.

Napapikit ako sa pag-aalala at muling natauhan ng marinig muli si Hunter.

"If you want to have divorce on her, I can help you Elijah." seryosong saad nito na ang paningin ay na kay Allison.

Napatitig ako rito na puno ng pagtataka at mabilis kong naramdaman ang isang hindi pamilyar na pakiramdam.

Damang dama ko na ininsulto ako, bagay na hindi naman tugma.

" We still can't. " naibulalas ko nalang na ang paningin ay na kay Hunter.

Pero bakit? Nagtatakang saad ko sa sarili.

"Your mom's coming, aalis na ako." saad muli ni Hunter.

"Pag isipan mo ang sinabi ko." pagtatapos nito sa usapan at lumabas na.

Naikuyom ko ang kamao sa hindi mawaring dahilan at napatitig muli kay Allison.

"Am I really starting to have feelings on you? " wala sa sariling sambit ko.

Lumabas na si Hunter ngunit nanatili lamang ang tingin ko kay Allison. Hindi ko alam kung gaano katagal ko syang tiningnan ngunit nagtaka ako ng makita itong mas lalong namutla.

Ilang sandali pa ay gumalaw galaw ang ulo nito na animong may masamang pinagdadaanan sa panaginip nito.

Nagtaka akong napatitig rito at nilapitan sya ng magwala ang ulo nito. Masyadong marahas ang paggalaw nito ng ulo habang nanginginig ang katawan at umiiyak.

Nataranta ako at pinilit ko syang gumising ngunit mas lalo lang lumakas ang pag iyak nito.

"Please---" malalakas na sigaw nito na mas lalong naging malikot.

"D--Dhe-" mahinang bulong nito na hindi ko masyadong narinig.

"Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!" malakas na sigaw nito at kasabay nun ay ang marahas na pagbangon nito.

Nagtataka akong napatitig dito as she also turn her gaze on mine. Kitang kita ko tuloy kung paanong nanlaki ang mata nito.

Napatulala narin eto sakin at dun ko lang napansin ang posisyon namin.

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arrange married to a famous star #PHtimes2019 #dreamers Award 2018) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon