Chapter 25- Chasing Death

113 7 1
                                    

Dedicated to jvhappy and skustaclee-aiana❤️

Chapter 25- Chasing Death

Allison's POV

When I said that im going to have meet up with death or so called grim ripper, I mean it. Napangiti pa ko ng bahagya nang makitang hindi eto nakasunod sakin. Mabilis kong pinaharurot ang motor ko paalis sa lugar na yun.

I felt so messed up. I felt so stressed and so tired of all this shits. Pakiramdam ko ay gusto kong lumayo nang lumayo sa lugar nayun.

Ramdam ko yung pakiramdam na dinanas ko nuon kay David when he cheated on me. Kung may pinagkaiba man, yun yung nilapastangan ako at sinaktan physically ng demonyong yun.

Naramdaman kong muli ang pagpatak ng mga luha ko. I also felt that kind of pain in heart na nagpapahirap sakin huminga. Para akong hirap na hirap huminga at para akong sinasaksak ng paulit ulit. Sobrang nanininikip ang dibdib ko at ang mahinang iyak ay napunta sa hagulgol.

Ang mga bagay na matagal ko nang kinimkim ay kusang lumabas. Lahat ng hinanakit ko sa kung bakit eto kailangang mangyari sa sariling ama ko.

Bakit kailangang makasal ako sa isang taong kagaya nun, bakit sa lahat ng tao ako pa? Im so lost. I totally am. But the mere fact na wala akong magawa, it totally kills me now.

Mas diniinan kopa ang hawak sa manibela ng motor at mas lalo pa etong pinatakbo ng mabilis. Pakiramdam ko ay hindi ako makuntento sa bilis ng takbo ng motor ko.

Alam kong delikado ang ginagawa ko para sa isang normal na motorista but to my part? This had been not only my hobby but my stress reliever as well.

Pakiramdam ko kahit inaaway ako ng mundo ay parang nakakalimutan ko ang lahat kada nararamdaman ko ang walang kasing lamig na simoy ng hangin sa balat ko.

I felt so relaxed and free whenever I do this. Unti unti ay hinayaan ko ang sarili kong ibuhos ang lahat ng nararamdaman sa pagpapatakbo ng motor ko.

Hindi man ako makuntento sa kaya pa nitong ibigay na bilis ay pinanatili ko na lamang eto sa pinakamabilis na kakayahan nitong ibigay sakin.

Naririnig ko ang malulutong na mga mura at maging mga pagsigaw sakin ng mga tao ngunit nanatili lamang ang pares ng mata ko sa daraanan. Hindi ako nagpaapekto sa mga eto, nasa iisang bagay lang ang buong atensyon ko at yun ay sa daan lamang.

I felt like I'm a ruler of fastidious regime and no one can ever vanquish me.

Wala akong pinansin sa paligid ko. Naramdaman ko narin ang pagrelax ng sarili ko. Ang paunti unting pagkawala ko sa sakit na nararamdaman, sa puntong eto ay nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan. Kahit naba alam kong panandalian lamang eto, nais ko paring kalimutan muna ang lahat ng problema sa pagpapatakbo nito.

Naging normal na ang takbo ng pintig ng puso ko at naramdaman ko narin ang napakasakit na paghapdi ng mata ko dahil sa puyat at kakaiyak sa gagong iyon.

Just when im about to forget him...

"Stop your goddamn motor now Allison!" baritono at galit na galit na utos nito sa tabi ko.

I should be shock with the fact na sinundan ako nito like what a drama! Hell to the devil. Im not in so mood na makita ang mukha nito ngayon.

Imbes na itigil ang pagpapatakbo ng motor ay biglaan ko etong mas pinaharurot pa.

Damn you, get off my eyes.

Delikado man ang daan ay pinili ko paring dumaan sa pinakamasikip na daanan, duon sa may napakaraming kotse. Sa ganun ay masiguro kong hindi na ako nito masusundan.

Masyadong mabilis ang pagpapatakbo ko ng motor ko at mabilis ko etong niliko sa isang turn over. Hindi ko tinigilan ang mabilis na pagpapatakbo ng motor ko. Naramdaman ko ang matinding tensyon sa ginawa kong pag ikot sa turn over. Sa sobrang bilis ng motor ay tumagilid eto sa turn over, naramdaman ko ang pagbagsak ng buhok ko sa kalsada dahil sa sobrang pagtagilid nito. Halos nakahiga na ako at balanse ko nalang ang sasagip sakin sa kaestupidahang napasok ko.

Kakatwang nabalanse ko parin eto at nagawa kong itayo eto ng maayos, nagrambulan ang tibok ng puso ko sa matinding kaba dahil sa nangyari.

Pakiramdam ko ay gusto kong magpasalamat sa diyos at magdasal mamaya para pasalamatan eto.

Nang may makita akong espasyo na pwedi kong pagpahingahan ay mabilis kong iginilid eto ron at tsaka tumigil dun.

Doon ako tinamaan ng matinding kaba sa ginawa. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko dahil sa nangyari kanina.

Sanay na sanay ako sa ganung gawain pero yung kanina, walang wala ako sa tamang pag iisip at kung hindi ko iyon nabalanse ng maayos ay malamang na may kinalagyan nako ngayon.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha at doon ko naramdaman ang sobrang kapaguran sa lahat ng ginawa. Maging antok ay tinamaan rin ako, ramdam kodin ang sobrang bigat ng pakiramdam dahil sa sobrang pag iyak.

Napailing ako at tinanggal ang kamay sa mukha ko. Saktong pagbaba ko nito  ay ang pares ng matang sumisimbolo ng karagatan ang bumungad sakin.

Nanghihina akong napaatras upang makalayo rito. Sobrang nagulat pa ako ng makitang hindi lang eto mag isa.

May mga kasama etong mga mens in black. I even saw seven black car on their back, excluding the demons car.

Naguguluhan akong napatitig kay Elijah at nakita ko ang kaparehas na matang nakita ko kanina sa bahay.

Sa isang iglap ay binalot na naman ako ng takot sa maaaring gawin nito sakin. Napaatras ako at nagsimulang manginig.

Pakiramdam ko ay may masama na naman etong gagawin o kaya ay sasaktan na naman ako nito sa hindi maayos na paraan.

Hindi paman ako nakakatatlong hakbang ay mabilis etong nakalapit sakin at hinapit ako sa bewang.

"And where do you think your going!" madilim ang anyong tanong nito sa akin.

"B-bi-bitawan m-mo ko." nanginginig na sagot ko rito pero nagulat na lamang ako sa sunod na ginawa nito sakin.

Mabilis ang galaw nitong pinasan ako sa balikat nito at bahagya pang pinalo ako sa may puwetan ko.

"Not again woman!" puno ng otoridad na saad nito. Nanginig ako sa takot sa narinig at nagpumilit na kumawala sa  pagkakabuhat nito sakin.

Naramdaman ko ang pagbukas nito ng pintuan at sapilitan akong sinakay dun. Natigilan ako sa pagkukumawala rito ng maramdaman ang pag umpog ng ulo ko sa sasakyan.

In an instant naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko, ang pangunahihina at sakit ng ulo ko na syang nagpawala ng natitirang lakas ko.

I see him so worried of me as he started panicking.

And everything went black...

To be continued...

Arrange married to a famous star #PHtimes2019 #dreamers Award 2018) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon