Chapter 5- The Wedding

247 19 0
                                    

Chapter 5- The Wedding

Third person's POV

Now playing: Destiny

What if I never knew
What if I never found you,
I never have this feelin in my heart...

Naghihintay na si Elijah sa altar. At hindi nya mapigilang humiling na sana hindi nangyayari to. His freedom will end soon. Bagay na kinaiirita nya. Ni minsan ay hindi nya naisip na hahantong sya sa ganitong paraan ng kasal. He worked hard all by his self kahit naba galing eto sa pinakamayamang pamilya Internationally. He did everything he can so he can decide for himself but now, he felt like all his dreams were gone. Lalong-lalo ang kalayaang hintayin ang taong mahal nya. He did plan for many things including her girl, but now everything got ruined because of this sudden wedding na ni minsan ay hindi sumagi sa isip nya.

Bumukas na ang pintuan and Allison step her right feet. She's wearing the Princess bridal gown na kanina lang ay tinitingala nya, at iniisip na isuot sa kasal nila ng mahal nya. Ni hindi man lang sumagi sa isip nito na posibleng masuot nga nya ito subalit ibang tao naman ang paglalaanan.

Masakit padin sakanya ang mga pangyayari ngunit pinili nyang ngumiti sa harap ng maraming bisita. The time went slow and everyone got marveled with her beauty. She has this very simple make up and humble elegant wedding gown yet she managed to be like a goddess. She has this perfect pair of  glamour eyebrow and it perfectly fit to her vainglorious nose. Her pair of eyes shows both authority and softness. Abyss of it was her elegant thin lips. Maging si Elijah ay hindi maikakailang napahanga sa papakasalan nito, para itong isang prinsesang kinakailangang ingatan, alagaan at sambahin.

Maliban dun ay hindi nya maitatanggi sa sarili ang kakaibang pakiramdam na naidulot sa kanya ng dalaga. Sa pagtatama ng mga mata nila, halos mapamura nalang sya ng makitang mamula-pula pa ito na parang kagagaling lang sa pag-iyak.

Now he can't even understand what he feels. Everybody seems so amazed with her innocent goddess beauty.

I want it someone like you.
Someone that I can hold on to.
But now your always there for me.

Naglakad na ito papuntang altar. Masakit man, pinilit nyang ngumiti at mag-mukhang masaya sa maraming tao.

Hindi nya lang kayang tumingin sa mga manonood dahil alam nyang marahil ay nandun ang taong mahal nya. Ang kababata nyang minahal nya, dahil malapit ang mga pamilya nila.

Bago ito ilipat ng ama sa lalaking papakasalan na hindi parin nya magawang titigan ay may ibinulong muna ito.

Mahinahon namang hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga na parang isang prinsesa, subalit hindi nya naiwasang hindi mapatitig sa kwentas nito. Hindi sya maaaring magkamali na iisa lang ang taong may suot sa loob ng pilipinas ng kwentas nayun.

Tinitigan nya ang dalaga at hindi nya naitago ang pagkagulat. Hindi sya maaaring magkamali. Ang babaeng eto ay ang kasama nya lang kanina sa Moa. Natulala sya rito at pakiramdam nya ay halos hindi nya kayang bitawan eto ng titig. Naramdaman ni Ally ang mga titig na iyon kung kaya't napatitig narin sya dito, pakiramdam niya tuloy ay hindi bago sa paningin nya ang lalaki. Para bang nakita na niya ito sa kung saan. Hindi nya lang maalala.

Hindi nya din maintindihan kung bakit patuloy syang nalulunod sa malalalim nitong mga mata. Gustuhin man nyang iiwas ang mata ay parang napakahirap nitong gawin.

Gayunpaman ay sinikap niyang iiwas ang mga mata rito. Ganon din naman ang binata ngunit paminsa'y hindi nya maiwasang tapunan ng tingin ang babae. Pakiramdam nya'y ayaw nyang nakikita ang mamula-pulang mata nito.

Arrange married to a famous star #PHtimes2019 #dreamers Award 2018) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon