MN-4 (first chapter for Harry Delevigne)

4K 122 1
                                    

Chapter 4: Chicboy

Harry.

"Harry! Be mine!"
"I love you, Harry of my life!"
"Ang gwapo mo Harry!"
"Harry! Harry!"

Haha, nakakatuwa. Ang dami daming babae na habol ng habol sakin, hays 'lam niyo naman iba talaga kapag gwapo ka. 'Wag na umangal sige hahalikan kita, oo ikaw na nagbabasa.

"Hi Harry..." Sino siya? Dirediretso lang ako sa paglalakad, eh sino ba siya para pansinin ko? "Huy! Ang snob mo po Kuya Harry." Hinawakan niya yung braso ko na ikinais ko naman.

"What?!" Sigaw ko, kainis naman kase.

"S-sorry..."

Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso ng paglalakad sa corridor.

Late na pala ako, nakakatawa.

"Mr. Delevigne, is that you?" Tanong ng adviser kong halos labas cleavage sa suot.

"Why?" Taas kilay kong sabi.

"Why are you late?" Tanong niya.

"None of your business." Sabi ko at pumasok sa room ng walang pahintulot.

"Okay, lets just back to our lesson." At itinuloy niya na ang discussion hanggang magrecess, wala akong naintindihan sa mga tinuturo niya kaya bumabagsak ako.

*kringggg! kringggg!*

"Ayun recess na!"
"Recess! Whooo!"
"Makikita ko nanaman si Lei omyyyg."
Blah.blah.blah.

Recess lang naman e, akala mo kung makareact uwian. Mga hunghang!

Di ako pumunta ng canteen, masyado akong gwapo para makipagsiksikan dun. Mahahaggard pa gwapo kong mukha. Pupunta nalang ako ng seven eleven, katapat lang naman ng school namin e. Pwede naman akong lumabas ng school, sa parking lot HAHAHA.

Pumunta ako sa Parking Lot dahil nandoon yung kotse ko, kahit na nasa tapat lang ng school yung seven eleven, hindi ako makakalabas ng makikita ako. Pinaandar ko yung kotse at tsaka pumunta sa seven eleven, walang ibang bumibili maliban sakin. May isang babae na nakaupo dun sa dulong pwesto ng mga upuan na pwedeng kainan, akala ko ako lang customer pero hindi. Hindi ko makita mukhang nung babae dahil nakatalikod siya, pero nakauniform rin siya na pang school namin, teka paano kaya siya nakalabas? Baka may kotse rin siya? Teka nga, wala naman akong pake.

Bumili nalang ako ng gulp at siopao at tsaka kumain, umupo ako sa may upuan para makakain ako ng maayos. Sa hindi ko alam na dahilan, napaharap ako don sa babaeng nasa dulo, nagulat ako kasi nakatingin siya sakin,

SIYA YUNG BABAENG NANGULIT SAKIN KANINA BAGO AKO MALATE.

Teka? Bakit siya nakatingin sakin? At bakit naaalala ko pa yung mukha niya eh wala naman akong pake sakanya? Ang pagkakaalam ko yung mga mukhang nakatatak sa utak ko ay yung mga taong may halaga at kaibigan ko lang. Sino ba siya? Ano ba naman yun, mukha na akong tanga, uubusin ko na nga itong kinakain ko nang makabalik na ako.

Patapos na akong kumain nang mapansin ko na naglakad na paalis yung babaeng customer, hindi ko nalang siya pinansin at naubos ko na yung pagkain ko. Tumayo na ako at lumabas.

Pagkalabas ko, nakita ko na sa ibang daan pumunta yung babaeng estudyante rin ng school namin. Nasa tapat lang naman nitong seven eleven yung school pero sa ibang way siya papunta, teka magdditch ba siya nang class? Ayaw niya akong tularan! Mabait! Ay wait nga, ano ba 'tong naiisip ko?

Ang ikli ikli ng palda nung babaeng 'yon, ngayon ko lang napansin habang naglalakad siya palayo, baka mamaya marape pa siya ng mga tarantado eh. Mas mabuti pang sundan ko nalang siya, late na rin ako ng 10 minutes e, mapapagalitan lang ako kung papasok pa ako.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now