MN-6 (first chapter for Jaemin Young)

3.1K 103 2
                                    

CHAPTER 6: The Singer

Jaemin.

"Araw-araw ikaw ang gusto kong kasama,
Buhay ko'y kumpleto na
Tuwing nandirito ka." Malamig na boses na pinagtitilian ng mga babae.

"Sa tabi ko oh aking giliw
'Di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap
ay katotohanan na." Bawat liriko nang kanta ay lalong lumalakas ang tili ng mga babae sa gym ng aming school.

"Ikaw ang tanging inspirasyon,
Basta't nandito ka,
Ako'y liligaya." At sumayaw ako kasama ang mga back up dancers pati sila Dale.

At sabay sabay naming kinanta ang chorus,

"Dahil sa'yo, ako'y matapang.
Dahil sa'yo, ako'y lalaban.
Para sa'yo ang pagmamahal na walang katapusan." Sobrang lakas ng tili ng mga babae sa gym.

"Dahil sa'yo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat.
Para sa'yo ang pagmamahal na,
Higit pa sa sapat.
Ikaw ang tanging inspirasyon,
At basta't nandito ka,
Ako'y liligaya." Pagkatapos ng chorus ay ako na ulit ang kumanta ng solo.

"Minu-minuto naghihintay ng tawag mo.
Marining lang boses mo, masaya't kuntento na ako." At si Lei naman agad ang kumanta, kahit kailan talaga ang laki ng boses niya. Hindi ko maiwasang matawa haha, pero kahit ganun ang boses niya lumakas nanaman ang tilian ng mga babae.

"Wala nang iba pang hahanapin
Basta't ikaw ang aking kapiling.
Lahat magagawa,
dahil kasama ka." Yes naman, Lei. HAHAHA.

"Ikaw ang tanging inspirasyon,
Sa araw-araw na haharapin.
Gagawin ko ang lahat,
Para lang sayo sinta.
Basta't nandito ka, ako'y liligaya." Sa parteng ito ay si Dale ang kumanta.

"Dahil sa'yo, ako'y matapang.
Dahil sa'yo, ako'y lalaban.
Para sa'yo ang pagmamahal na walang katapusan.
Dahil sa'yo merong pangarap pagmamahal ko sayo'y tapat.
Para sa'yo ang pagmamahal na higit pa sa sapat.
Ikaw ang tanging inspirasyon at basta't nandito ka, ako'y liligaya."
Pagkatapos ng chorus ay si Harry naman ang solong kumanta na halos di na marinig ang boses niya dahil sa tili ng mga babae.

"Pinagdarasal ko na sobra na sana'y tanggapin mo aking inaalay,
Na pasasalamat, sa pagliliwanag
Nang buhay ko na 'to na dati-rati'y di gan'to na kay ligaya."

"Oh, tanggapin ang regalo," pagkanta ko sa parteng ito.

"Mga rosas at tsoko." Pagkanta naman ni Dale.

"Liliwanag lang ang buhay mo
'Pag nilabas ko na ang puso ko." Pagbirit naman ni Harry.

SABAY SABAY NAMIN KINANTA ANG CHORUS HANGGANG SA MATAPOS ANG KANTA.

Matapos ang ilang oras at ang program ng school...

"Grabe 'yong tilian kanina." Pagbabasag ng katahimikan ni Harry.

"Oo nga, nadagdagan nanaman ata ang mgachix na'tin." Masiglang sagot nitong si Dale, kahit kailan talaga manyakis 'to.

"Manyakis ka talaga, Dale." Ikinatawa naman ng dalawa ang sinabi ko at nagpoker face naman si Dale.

"Para namang hindi ka manyak?" Nakangising sagot nito. "Wait, ilan na nga ba mga nakaka-one night stand mo? Si Grace, Lucy, Diane, Stacey--"

"Si Shane!" Masiglang sagot nang tatlong mokong.

"Ayun yung anak ng gobernador diba?"

"Oo yung sexy na mistisa."

"Iba talaga kapag si Jaemin ang pumalag." Pailing iling na sabi ni Dale habang pumapalakpak.

"Tigilan niyo 'ko. Sabihin niyo nalang e talo kayo kasi nga napaka gwapo ko at ako ang pinakamagaling kumanta sa 'tin." Payabang kong sabi.

"Huh? May naririnig ba kayo?" Patingin tingin sa langit na sabi ni Lei.

"Babagyo ata, ang lakas ng hangin e." Patingin tingin naman sakin si Harry na sumisipol na ngayon.

"Hindi maganda atmosphere dito." Sabi naman ni Dale.

Gago talaga 'tong mga to.

"Alam kong gwapo ako, kaso kung di ako magpaparaya, sayang gwapo ko? Kaya sige, mas gwapo na kayo sakin." Sarkastiko kong sabi.

"Ano daw?"

"May lagnat ata tong si Jaemin."

"CR lang ako."

Pumunta si Dale sa CR at kaming tatlo nalang ang natira dito.

"Jaemin," bulong sa akin ni Harry. "Aminin mo nga, masarap ba si Sha--"

"Tumahimik ka ngang gago ka. Siraulo kang manyakis ka rin e. Sige na mauna na ako, sabihin niyo na lang kay Dale na may pupuntahan lang muna ako, text ko nalang kayo." Sabi ko.

"Ayy, i smell.. nevermind. Mukhang pupuntahan niya si S--"

"F*ck you, Lei!" Sabay binatukan sila.

"Sige na lumayas kana, para mabawasan ng polusyon dito." Sabi ni Harry.

"Gago. Sige na."

Paalis na ako ng bigla akong harangin ng principal namin.

"Mr. Young," nagbow ako para magbigay galang at labag sa loob ko 'yon. "I like your performance, maganda ang boses mo."

Tumango lang ako.

"Pwede bang kumanta ka tuwing flag ceremony at tuwing may programs?" Tanong niya.

"No." Matabang kong sagot.

"Why?" Nagtatakang tanong niya.

"Baka masira ang maganda kong boses sa araw araw kong pagkanta." Sarkastikong sagot ko. "Got to go." Pagpapaalam ko at dumiretso agad nang lakad ng di manlang hinihintay ang sagot ng principal, sorry but i don't have time for bullshits. =)

Naglakad lang ako papunta sa pinakamalapit na convinient store, pinagpawisan ako pero ayos lang, gwapo pa rin.

Bumili ako ng sigarilyo at sinindhan ito.

Ang sarap talaga magrelax.

Umuwi na ako agad dahil napapagod na ako, AYOS LANG GWAPO PA DIN.

Pagkauwi ko dumiretso ako sa kwarto ko, humiga agad ako sa malambot kong kama.

Grabe, naalala ko nanaman kung gaano kalakas yung tilian sa gym ng school namin kanina habang nagpperform kami. Wala eh, gwapo kami, este ako lang pala.

Maaga nanaman akong pagtitilian bukas.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now