MN-24

2.3K 123 5
                                    

Chapter 24: She deserves Love

Lei.

Hinila ko ang mga kamay niya para pigilan siyang umalis nalang basta basta.

"Sandali," sambit ko. "Ayokong umuwi ka na malungkot." Dagdag ko pa.

Tumayo ako at nanatili naman siyang nakatayo.

"Wag kang umayaw. Gusto ko na kumain tayo ng french fries at ice cream." Sambit ko.

"Ayoko, uuwi na ak--"

Hindi ko siya pinatapos at umangal agad ako.

"Ayoko na umuwi kang malungkot, gusto kong umuwi ka na may ngiti. Ayaw mo naman siguro na makita ka ng mga kasama mo sa bahay na mugto ang mata at malungkot, hindi ba?" Tanong ko rito.

Hindi na ito umangal pa, tumango lamang ito.

Pumara na ako ng taxi. Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago ako sumakay.

Sinama ko siya sa palagi kong pinupuntahan na may maraming ice cream, katabi ng shop na 'yon ay potato corner. Pinapwesto ko muna siya at umorder ako ng ice cream, pagkatapos namin makuha ang order ay bumili na ako ng french fries.

"Kapag malungkot ka ba, sumasaya ka dahil dito?" Tanong nito sa akin habang tinititigan ang pagkain sa harap namin.

"Oo." Sagot ko.

Kumuha ako ng french fries, sinubo ko 'yon sakanya dahilan para magulat siya.

"Kumain kana, sige na." Sambit ko.

"Pero buso---"

Hindi ko na siya pinagsalita, sinubuan ko siya ulit ng fries. Sinubuan ko na din siya ng ice cream, mabuti't hindi siya umangal.

Sinusubuan ko siya ng bigla niya natamaan ang kamay ko, tumalsik ang ice cream sa mukha ko. Kaya naman nagkaroon ako ng ice cream sa ilong.

Nagkatinginan kami. Bigla siya natawa, kumuha siya ng tissue at pinunasan ang ilong ko.

"Haha!" Tawa niya.

Ngayon, nakikita ko na sumasaya siya kahit papaano. Nababawasan din ang lungkot ko.

"Sorry." Bigla niyang sabi matapos na tumawa. "Pasensya kana."

"Okay lang. Mas okay na ngumiti ka." Sambit ko at kumuha ng fries tsaka ito sinawsaw sa ice cream. "Wag mo nalang ipagsabi kahit kanino, kahit sa mga kaibigan ko na nagkasama tayo ngayon." Dagdag ko.

"B-bakit?" Nautal niyang tanong.

"Hindi ba obvuse? Baka mapahamak ka nanaman, marami pa namang babae sa school ang halatang naiinggit sayo.

"Ah, okay."

I should act that i hate her, but i can't do it now. Masyado siyang mahina ngayon para masaktan pa.

"Kumain kana." Sambit ko at ngumiti sakanya.

Maya maya, bigla nanaman siya umiyak sa hindi ko alam na dahilan. Ano bang nangyayari sa kanya?

Humahagulgol pa ito habang kumakain ang french fries. Mabuti nalang at nilagay ko sa bag niya ang salamin niya.

"Hayst," buntong hininga ko. "Arriane, ilabas mo na lahat 'yan. Makikinig naman ako, e. Mapagkakatiwalaan moko."

Umiling lamang ito.

"Ganito, kung hindi moko mapagkakatiwalaan, umiyak ka ng umiyak." Sambit ko.

Humagulgol lang ito hanggang sa hindi na kumain ng ice cream at fries. Hindi ko na alam kung paano ko siya papatahanin.

"Oh." Tsaka ko inabot sa kaniya ang panyo ko. Tinitigan niya lang ako kaya pinunas ko na agad iyon sa mga luha niya.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now