Chapter 27: Field Trip
Arriane.
It's already 5:26 am, our school service will leave at exactly 6:00 am. I'm still here at my room, standing at the window while looking at the stars in the sky.
"How i wish i'm one of them.." I wisphered.
I'm now ready for our field trip. I'm about to go to my school when i remember something. The Envelope.
I open my bag and look for it.
_____
Pumunta ka sa Garden ng school before our field trip.
- anonymous
_____
Aish, hindi ko pa din alam kung pupunta ba ako.
As usual, nagtaxi ako papunta sa school. Madilim parin dito sa labas.
Pagkababa ko, dumiretso na agad ako sa garden ng school namin. Inikot ko 'tong garden, at bigla kong nakita si Lei.
Siya?! Siya 'yong nagpapunta sa akin dito?
"Bakit ka nandito?" biglang tanong ko rito kaya napaharap siya bigla.
"Nagmumuni muni, bakit?" nagtatakang tanong nito.
"Ikaw 'yong nagpapunta sa akin dito?" tanong ko pa.
"Huh? Ano bang sinasabi mo d'yan?" nagtatakang tanong nito.
"Ah, w-wala." mukhang nagkakamali ako, imposibleng siya 'yon. "Sige, mauna na ako." tumalikod na ako.
Maglalakad na sana ako ngunit hinawakan niya 'yong kamay ko, "H'wag ka munang umalis, samahan mo na lang muna ako dito." maamong sambit nito.
Nanatili akong nakatayo at nanlalamig. Napansin niyang hawak niya pa din ang kamay ko, kaya agad niyang binitawan ito.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko dahil hindi ko mabasa ang isipan niya.
Hindi ito sumagot, nanatili lang itong nakatingin sa malayo.
Mga sampung minuto kaming magkasama ngunit hindi naman kami naguusap, hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Maya maya ay nagyaya na rin siyang pumunta na sa pilahan ng bus para sa field trip.
"Hindi mo ba kasabay si Lucas?" biglang tanong nito. Bakit niya naman kaya tinanong?
"Ah, hindi." sagot ko.
"Bakit?" nagtataka pa niyang tanong.
"Wala lang." sagot ko pa. "Asan si Harry?" tanong ko, bigla naman siyang napatingin sa akin.
"Bakit mo siyang hinahap?" medyo iritadong tanong niya, ano bang problema nito?
"Wala, baka kasi sabay kayo."
"Hindi, sila Dale ang kasabay niya ngayon." sambit pa niya.
Nakarating na kami ngayon at puno na agad ang mga bus, isang bus nalang ang may bakante. Saktong dalawa ang bakante nitong upuan na magkatabi, wala nanaman kaming choice kaya kami ang magiging partners sa lahat ng pupuntahan. Medyo nakakailang 'to, hays.
Umupo na kami, pumwesto ako sa tabi ng bintana. Parang nagsisisi na ata akong sumama pa ako dito.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa byahe namin, "Psst, gising na."
Nagising ako dahil sa pangangalabit ni Lei, nandito na pala kami sa zoo. Seryoso pala talagang zoo 'yong pupuntahan.
Bumaba na kami ng bus at pumasok na sa zoo. May mga hayop na agad na bumungad pagkapasok namin, kaya nagsuot na agad ako ng mask.
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...