MN-7

3.2K 137 6
                                    

CHAPTER 7: Good Day?

Arriane.

Waaaaah! Isang buwan palang nang makalipas ang pasukan, tinatamad na agad ako pumasok? Hutek, yung adviser kasi namin ang higpit. Dalawang linggo daw ako maglilinis ng room, AT AKO LANG MAGISA?! Nakakainis ah. Gusto ko na magbakasyon! Sembreak! Gru--
Joke, hehe.

Kakaisip ko sa mga projects ko, AT SA DALAWANG LINGGONG PAGLILINIS NG ROOM, bigla nalang--

"Aray!" Whut d'-- bigla nalang may nangotong sakin, ang sakit-- si Jared pala yung nangotong.

"Ano ba?! Kanina pa kita kinakausap, lutang kaba? Sabog? How stupid." Sunod sunod niyang sabi.

"Eh ano ba yung tanong mo?" Mahinhin kong tanong.

"Sinong mas se---"

"Omyf-- ohmygod?! Ano ba?! Itago mo nga yan!" Tinakpan ko kaagad ang mata ko at hinampas siya, kahit kailan talaga!

"Hahaha!" Tawa pa niya.

Tumakbo nalang ako papunta sa kwarto ko, bwiset siya!

Kadiri! Argh! Kabata bata niya tas nagbabasa siya ng Por--- Magazine?! Wala nga akong alam dun sa Po-- na yun e! Humanda talaga siya kay Mommy! Hays! Kainis! Ako pa tatanungin niya ng ganun?! Argh!

After 2 hours..

Waaaaaaaaaaaaaaaah! Nakatulog pala ako, hehe. Pero-- ano?! 9:30 PM na?! Lah! Hindi ko sila naabutan magdinner, huhu pano na 'yan? Kakain ako magisa? Halaaaaaa. Sabagay sanay na ako magisa. Waaait, ang drama ko.

Sinuot ko ang salimin ko at bumaba sa kusina, tama ako, tapos na sila kumain.

"Oh? Bakit ngayon ka lang bumaba Arriane?" Tanong sakin ni Tito.

"Nakatulog po kasi ako, may ulam pa ba?" Tanong ko.

"Nako, Arriane naubos na ang ulam." Sagot ni Mommy na ikinababa ng balikat ko.

"Ayan kase, ang drama." Singit pa nitong siraulong si Jared. Aba't, may kasalanan pa 'to sa 'kin e. Haha, may pang blockmail rin ako sa kanya.

"Hi Jared." Ngumiti ako kay Jared.

"Manang, yes?" Tinaasan niya naman ako ng kilay na parang hindi niya naalala o naisip yung nangyari kanina na pwede kong ipang blockmail sakanya, okay 'yon para mashock siya dahil bigla niyang maaalala, HAHA.

"Kamusta naman ang pagbabasa ng Magazine?" I ask in a sarcastic toned.

"Okay lang. It was so nice," sagot niya. "Dad, kailan mo ako bibilhan ulit ng Magazines?" Tanong niya. Wtf?!

"I'll buy you tomorrow, volume 5,8 and 9." Sagot ng daddy niya.

Just like WTF?! Nabibingi na ba ako? Sa gulat ko, parang nahulog na ata panga ko, parang ako ata yung NASHOCK.

Tumingin sakin si Jared nang nakaevil smile, para bang nangaasar.

"Punta lang po ako sa kusina." Paalam ko kay Mommy.

"Walang ng pagkain at ubos na rin ang mga stocks."

Parang nag-eecho sa utak ko 'yong sinabi ni Mom, iiyak na ata ako.

"M-mom, pwede po bang bumili ako sa Mini Mart?" Tanong ko, mom pumayag ka please.

"Tawagin mo si Manong Driver, magpadrive ka."

Agad akong tumanggi, "Mommy, 'wag na po. Kaya ko po magdrive magisa."

"Arriane." Pagtanggi ni Mommy.

"Okay lang talaga mommy, ayoko na magabala pa." Sagot ko.

"Okay, sige, uwi agad huh." Yey!

"Thanks, mom. Iloveyou!" At niyakap ko si Mommy.

"Okay, samahan moko sa kwarto at ibibigay ko sayo ang susi ng kotse." Sabi ni mommy at agad akong sumunod papunta sa kwarto.

Pagkatapos kong kunin ang susi at kumuha ng pera, pumunta na agad ako sa garahe para kuhain ang sasakyang gagamitin ko. Ang lamig sa labas, kaya buti nalang nagjacket ako, pero as usual nakapalda kaya malamig pa rin masyado.

Nagmaneho na ako papunta nang mini mart. Pagkadating ko ay nagpark agad ako sa tapat ng nito at pumasok agad ako sa mini mart.

Kumuha ako ng mga kailangan talaga na stock sa bahay, yung mga mahahalaga dahil si manang naman ang bibili bukas sa supermarket ng mga ibang kailangan.

After kong kumuha nang snacks ko ay binayaran ko na agad lahat ng binili ko sa counter.

Lumabas ako ng mini mart at medyo madilim na rin. Habang naglalakad ako papunta sa sasakyan ay feeling ko may nakasunod sa akin. Huminto ako sa paglalakad kahit medyo malayo pa ang sasakyan. Hindi ako humarap sa likod ko dahil ramdam ko na tumigil rin ito sa paglalakad, kinakabahan ako.

Biglang lumapit sa likod ko ang taong sumusunod sakin at naramdaman kong may malamamig at matalas na bakal ang dumikit sa kanang bahagi ng leeg ko at may humawak na kamay sa kaliwang balikat ko.

"Hold up 'to, kung ayaw mong masaktan, ibigay mo sakin lahat ng pera mo, cellphone mo pati susi nang sasakyan mo." Sa puntong ito ay nalaman ko na lalaki ang sumusunod sakin. Sobrang kinakabahan ako sa pwede niyang gawin sakin.

Naranig kong biglang may nagkasa ng bala. "Bitawan mo siya." Sino ba siya?

"Sino ka ba ah? Alisin mo nga ang pagkakatutok ng baril mo sa ulo ko!" Pagrereklamo ng hold uper dahil sa ulo niya tinapat ng lalaking diko kilala ang baril nito.

"Sino ako? Bakit gusto mo ba akong makilala? Tumakbo kana at bitawan mo yang babaeng hawak mo bago pa umabot ng lima pagbibilang ko.." masigang sagot nito.

"Ibigay mo na sakin ang cellphone at pera mo!" Bulong sa akin ng holduper na parang nagmamadali ito.

"Isa." Malamig na pagbibilang nang lalaking hindi ko kilala.

"Huy ano ba?! Sinabi nang ibigay mo na sakin e!" Pagpipimilit ng holduper sakin. "Bingi at pipe kaba? Ano?" Pagrereklamo nito dahil sa hindi ko pagsasalita.

"Dalawa."

"Akin na sabi e! Mapipilitan talaga akong sakta--"

"Huwag mo subukan, dahil TAPOS NA AKONG MAGBILANG."

Kumaripas ng takbo ang hold uper na parang nangingig ang mga tuhod dahil sa kaniyang takot.

Humarap na ako sa likod ko nang makita ko ang lalaking tumulong sakin...

WTF. Hindi ako nagkakamali. Ang aura niya'y napaka lakas at ng tignan ko siya sa mata ay tila ba huminto ang mundo at napaka bilis ng tibok nang puso ko na hindi malaman ang dahilan nito.

"Thank you for savin--"

"I don't need your 'thank you' word." Malamig na sabi nito at naglakad, hindi pa ito nakakalayo ay huminto ito sa paglalakad. "I know you know me. If i we're you, it's better to shut up your mouth for your safety. Lalo na sa school." Nagsalita ito nang hindi humaharap sa akin, matapos niyang magsalita ay naglakad na ulit siya palayo.

'Okay' nalang ang masasabi ko kahit na pabulong lamang ito. Nakakapagtaka ang sinabi niya, ano bang tingin niya sa akin? Mukha ba akong madaldal kaya ganu'n ang sinabi niya?

Naiwan akong nakatayo lang dito na parang hangin at hindi makaalis sa pwesto dahil sa gulat. Hindi ako nagkakamali, siya si....

Lei Marco.

------------------------------------------------------

A/N: Hi, readers :') sorry kung masyadong matagal mag update ang author niyo, busy kasi sa school e. Don't worry, babawi naman si author.

Sana nagustuhan niyo itong story na ginagawa ko. Paramdam naman kayo sa comment readersss♡ gusto ko makilala mga nagbabasa nito e. :')

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATES! (*0*)

Thankyou readers~~

Any suggestions? Add&Follow my social media accounts♡
FB: Angela Keith Santos
Instagram: @kssiopao27

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now