MN-2 (first chapter for Lucas Spark)

6K 142 2
                                        

Chapter 2: This is life

Lucas.

First day of school tapos ang dami na agad nagpapakitang gilas. Lalo na yung Lei? Akala mo kung sinong gwapo kung habul habulin ng mga babae. Sa totoo lang tama nga siguro si Arriane e, mas gwapo talaga tignan yung mga lalaking may respeto at galang sa babae.

Si Arriane.

Oo nga pala, yun si Arriane nakakapagtaka. Parang tuwing nakikita niya ako, lagi siyang nahihiya. Ano kaya problema nun sakin? Tsaka lagi niya dala yung mga libro niya, di ba siya nahihirapan? Mukhang nerd na nerd siya. Ako di naman ako nerd pero nagaaral naman ako ng maayos, di ako nagpapabaya. Gusto ko kasi kapag nagcollage ako ay hindi ako mahihirapan makapasok sa university na pipiliin ko, mahirap na kapag gwapo lang at walang utak. Haha! Ayos na ako sa may utak lang.

Biglang nagring yung cellphone ko.

Mama calling...

Tumatawag pala si mama, kaya sinagot ko agad.

"Hello ma."

[Kumusta ang first day?]

"Okay naman po! Miss na kita ma, uwi kana ma."

[Pasensya na anak, kailangan ko magtrabaho sa malayo para makapagaral ka.]

"Ma naman! Naiintindihan ko naman po yun, namimiss ko lang kayo. Nagaaral ako mabuti ma."

[Ah. Hahaha. Ipagpatuloy mo yan anak, pero minsan magsaya ka rin. Ayoko na hindi mo maenjoy yung high school life mo nang dahil sa puro aral.]

"Opo ma. Tsaka paglaki ko po hindi na kayo magtatrabaho para samin ni Jean."

[Salamat anak, sana di ako mabigo sayo.]

"Hinding hindi ka po mabibigo ma. Mahal na mahal ka po namin."

"Mahal na mahal ko rin kayo anak. Sige babalik na ako sa trabaho, tapos na break time namin. Ingat kayo jan.]

"Kayo rin po."

CALL ENDED.

Gusto ko na makapagtapos nang pagaaral para makapagtrabaho na ako at makakasama na namin si Mama palagi. Miss na miss ko na mama namin. Ang hirap ng ganito.

"Kuya!"

"Oh? Bakit?"

"Di mo manlang ako pinakausap kay mama." Malungkot na sabi niya.

"Sorry naman, diko naman alam na dadating kana e. Tsaka tapos na break time nila e kaya bumalik na si mama."

"Oh, okay sige." Naintindihan naman pala niya. "Kuya tulungan mo pala ako sa assignment ko! Math yun kuya e, hehe." Kahit kailan hirap talaga siya sa math katulad ko noon, haha.

"Haha! Okay."

"Ijo, tumawag naba ang mama mo?" Pagtatanong sakin ni Tita Tina, yung katulong namin na binabayaran ni mama.

"Opo, kaso mabilis lang kaming nagkausap kasi sandali lang nun ay tapos na ang break time nila. Nakakabitin nga e, miss ko na si mama." Malungkot kong sabi.

"Ako rin, miss ko na rin si mama." Malungkot ring sabi ni Jean.

"Huwag na kayo malungkot, uuwi rin naman siya e kaso nga lang matagal tagal pa. Dapat magaral kayo ng mabuti para paglaki niyo kayo naman magtatrabaho para sa mama niyo."

"Opo." Sabay na pagsangayon namin ni Jean.

Dahil sa mga sinasabi nila na magaral ako ng mabuti, lalo akong nabubuhayan na magaral mabuti. Kaya pagkatapos namin magusap usap, nagbasa agad ako ng libro ng science. HAHAHA! Okay na yun, para kahit unang araw ng class namin e may maisasagot agad ako sa mga tanong ng teacher. Ang saya kaya kapag alam mo yung sagot sa mga tanong, chill chill ka lang yung hindi ka mahihirapan magisip kasi alam mo na agad yung sagot. Alam niyo feeling nun? Hahaha! Pagkatpos ko magbasa ay tinulungan ko na agad gumawa kapatid ko ng assignment niya, tsaka nilabhan ko na yung uniform namin kasi kailangan daw umuwi ni Tita Tina ngayon sakanila dahil may aayusin siya at ayoko naman na abalahin yun dahil sa uniform.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now