MN-30

2.7K 94 3
                                    

Chapter 30: The Night

Arriane.

Sana hindi ako pumalpak ngayong gabi, sana kayanin ko 'to, sana 'di ako mapahiya, sana matapos rin 'to agad.. Pwede bang pass nalang? Aish, huli na ang lahat. This is The Night.

Talagang kumuha pa si Mommy ng Make-up Artist para sa akin kahit na hindi naman kailangan, pwede namang maglagay lang ng kahit anong meron dito. Aish.

Nagsuot ako ng polo para kapag maghuhubad ako ng damit ay hindi daw magugulo ang ayos ng mukha ko.

Pinaupo ako sa upuan at tsaka inayusan, ano ba 'tong ilalagay sa mukha ko? Basta ang alam ko lang make up 'tong mga 'to. H'wag lang sana kapalan dahil madali akong pagpawisan.

"Ang ganda naman ng kilay mo. Nagpathread ka?" Tanong ng make-up artist.

"Opo." Sagot ko.

Tinuloy naman ng make up artist ang ginagawa niya sa mukha ko, ang tagal kong nakapikit at parang nakatulog ata ako. Hays.

"Tignan mo sa salamin kung ayos ba." Utos nito sa akin kaya naman napamulat ako at tumingin sa salamin-

What the hell is happening? Nananalamin ba ako or ibang tao ang nasa harapan ko ngayon?

"A-Ang galing niyo po. Ayos na po. Salamat po." Nauutal kong sambit habang nakatitig pa din sa sarili ko.

Ako ba talaga 'to? Bakit ganito..

Matapos no'n ay inayos na nito ang buhok ko, sumunod ay nagpalit na ako ng damit.

"Woah, ang ganda naman ng anak ko!" Sigaw ni Mommy habang pumapalakpak. "Ito na 'yong isusuot mong heels."

Sinuot ko na ang mga kailangan kong isuot, pati na din ang mga accesories.

Aish! Parang napaka dami kong abubot sa katawan ko at hindi ako mapakali. Ano ba naman ito.

Biglang may sasakyan na bumusina, sundo ko ba 'yon? Teka, bakit ako umaasa? Wala naman akong partner o kung sinong susundo sakin, e.

"Oh- Halika na Arriane bumaba kana." Sambit ni Mommy at agad naman akong pinababa kasama siya.

Pagbaba ko ay nakita ko si Manang Yolly na pinapapasok si Dale sa loob ng bahay- teka bakit siya nandito?

"Good evening," Bati nito sa amin. "Hey, you look so good tonight." Sambit nito ng tumingin sa akin.

He's wearing a black suit, he looks like a worldwide handsome. Sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa mapangakit na mata at napakagwapong datingan nito? Grabe.

"Thank you." Sambit ko at ngumiti.

Tumabi ito sa akin at ibinuka ang braso niya na parang pinapahawak ako roon. "Let's go."

Humawak naman ako sa braso nito.

"Teka! Picture muna." Pagpigil sa amin ni Mommy. Kinuhaan agad kami nito ng litrato. "Ingat kayo ha." sambit nito.

Nakita kong nagkindatan si Mommy at Dale, hindi ko alam bakit ganon at parang close sila. Ano naman kayang binabalak nila? Hmm.

Binaliwala ko na lang ang mga bagay na napapansin ko, mas itinutok ko ang atensyon ko sa mga bagay na pwedeng mangyari. Hays. Sobrang kinakabahan ako at parang 'di na ko mapakali dito.

Umalis na kami ng bahay at sumakay kami ni Dale sa dala niyang sasakyan, may driver kami ngayon.

Isang minuto lang ang lumipas at nakarating na din kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang prom, napaka dami na din'g estudyante ang narito.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now