Chapter 28: Prom?
Lei.
"Lei, i have something to tell you." Athena. She looks happy, ano bang sasabihin nito?
"What?" i ask.
"When i was on New York, there are so many things that i realized. Then--"
"Please, straight to the point." Pagputol ko sa sinasabi niya.
Naging seryoso bigla ang mukha nito.
"I just realized that i love you, and i shouldn't hurt you. I need you." Sambit pa niya. Mukhang naiiyak pa siya habang nakangiti.
"Finish?" Tanong ko.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito, mukha na siyang naguguluhan at 'di maipinta ang mukha ngayon. It looks like she's expecting something from me. But, past is past. I already moved on.
"W-what?"
"What do you want?"
"I-i thought you still love me." Uh-oh, sabi ko na nga ba.
"I love you, as my friend." Sambit ko at umalis na.
Why do girls have to do this? Men should be the one who will confess.
Right.. should i confess my feelings for her?
--
Nasa room ako ng biglang may nagsalita sa speakers ng school, natahimik naman ang buong klase para makinig sa announcement.
"Listen up students of Hanguk University, we have JS Prom this coming saturday. Student must wear formal attire, we will post some updates on our school page. That's all for today's announcement, thank you and have a pleasant day students!" matapos nito ay muli ng nagingay ang mga studyante habang pinaguusapan ang tungkol sa JS Prom.
Sigurado akong maraming pupunta roon para magsaya, hindi ko palalagpasin 'yon. Napangisi ako ng dahil rito.
Napaisip ako, aattend kaya siya ng prom? Mukhang hindi.. kailangan ko gawan ng paraan 'to. Gusto kong ma-enjoy rin niya ang high school life, hindi naman magandang magpakalunod lang siya sa pag-aaral.
Nakaisip agad ako ng paraan, tama.
Ilang oras ang lumipas, dumating ang oras ng uwian. Nakita ko agad sila Harry, lumapit agad ako sa kanila.
Kwinento ko sa kanila ang plano ko, nag-agree naman sila at handang tumulong sa mga plano ko.
--
Arriane.
"Paper works, projects.. aaah! Kaya ko 'to." Bulong ko sa sarili ko at hinihilot ang ulo ko habang naglalakad.
"Hi!" Gulat ko ng biglang sumulpot ang dalawang mala anghel na mukha ng dalawang babae.
"Ashley," Sambit ng babae na nakangiti at inaabot sa akin ang kamay niya.
"Keith," Ganoon rin ang ginawa ng isa.
"Ako muna." Aniya ni Ashley.
Kinamayan ko sila pareho, ngumiti ako sa kanila. "Arriane. May kailangan kayo?"
"Hmm, we just want to be your friends." Sambit ni Ashley habang nahihiyang nakangiti.
"A-ah sigurad-"
"Don't you dare na tumanggi! Yah! From now on, we are your friends, and soon to be your bestfriend. Okay!?" Masiglang putol ni Keith sa sasabihin ko.
"Yes, that's right!" Pag-sangayon ni Ashley dito.
Sobrang weird.. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto nila ako maging kaibigan, aish.
"Saan niyo gusto kumain? My treat!" Masigla pang sambit ni Keith.
"Ahm.. ikaw Arriane? Wala akong maisip, e." Tanong ni Ashley.
"Ah, kahit saan niyo gusto." Sagot ko.
"Ganito nalang, sa convience store na lang. Food trip tayo!" Nakangiting sambit ni Keith, sabay hinila nila ako papunta sa malapit na convenience store sa school.
Umupo na kami at bumili naman si Keith ng mga pagkain.
"Arriane, pupunta ka ba sa JS Prom?" Biglang tanong sa akin ni Ashley.
Ngumiti ako sakanya at umiling. Nagpout naman siya at yumuko, nanlaki ang mata ko at naawa.
"Sayang naman, akala ko pupunta ka." Tumingin siya sa akin at nagpuppy eyes, argh! Nakaawa and ang cute at the same time.
"Hindi, e. Sorry." Sagot ko.
"Please, umattend ka sa saturday please?" Pamimilit pa nito, argh nakakaawa at ang cute talaga.
What should i do? Habang tumatagal naaawa ako sa kaniya.
"Fine, aattend ako." Sagot ko.
"Wah! Talaga?!" Gulat na tanong nito. Mula sa malungkot at nakakaawa niyang mukha ay bigla naman 'tong sumigla. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Thank you! Don't worry, we'll help you to prepare."
Bigla akong natauhan, pumayag ba talaga ako? Ganoon ba ako kabilis na pumayag kanina? A-attend talaga ako? Bakit ba ako pumayag agad?
Bigla naman dumating si Keith na may dala dalang pagkain para sa amin.
"Keith, aattend si Arriane ng JS! Yes!"
"Woah, that's good! Magprepare na tayo bukas! And wait, there's someone who can help us." Masiglang masigla na sambit ni Keith, pati ako ay napapangiti sa kasiglahan nilang dalawa.
"I'm so excited! Ah!" Nakangiti pang sambit ni Ashley. "Ikaw din Arriane, 'di ba?" Nakangiti pa niyang tanong.
"Yes." Nakangiti ko pang sagot. Totoo ba 'to?
"Aish, kumain na tayo." Sambit ni Keith habang ngumunguya ng pagkain.
Sabay-sabay kaming kumain, puno ng kulitan ang convenience store dahil sa ka-hyperan ng dalawang magkaibigan na 'yon. Kakakilala ko lang sa kanila pero parang magkakaclose na agad kami dahil sa nakakahawa nilang sigla. Grabe, parang habang pinapanood ko sila tumawa ay napapatawa rin ako. Kaya habang pauwi ay nakangiti ako at inaalala silang dalawa.
Mabilis lang ang oras at byahe, nakauwi rin ako agad.
Naabutan ko si Manang Yolly na nagwawalis sa sala.
"Kumusta ang eskwela? Mukhang masaya ka ngayon, ija." Tanong nito at napansin niya ata na nakangiti ako.
"Ayos naman po, at may nakilala po akong mga kaibigan." Sagot ko at nagmano.
"Mabuti." Sagot nito at ngumiti. "Kumain kana lang doon sa sala, may ulam roon." Sambit nito.
"Opo, salamat po. Aakyat po muna ako." Sagot ko at umakyat na sa kwarto ko.
Nilapag ko ang bag ko at umupo sa higaan ko para buksan ang cellphone ko. Ilang oraw na rin ata akong offline simula ng may hindi ako natapos agad na school work, mabuti't napasa ko na rin 'yon.
Sabog ang notifications ko sa facebook, pero napansin ko agad ang friend request ni Ashley at Keith. Agad kong inaccept 'yon, at tsaka biglang nagmessage si Keith.
'Hi! I'll see you tomorrow. :')' Message nito.
'Okay, thanks sa treat. I'll see you too.' Reply ko.
Nagscroll pa ako sandali, puro announcement lang ang nasa feed ko kaya itinigil ko na. Pinatay ko na ang phone ko at nagbihis na.
Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko.
Pupunta ba talaga ako? Hmm, i should ready myself.

YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...