MN-22

2.4K 91 1
                                    

Chapter 22: Presentation

Lei.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng makita ko na pumunta ang Tito nila Dale sa tapat ng bahay nila Arriane, lahat nang nasaksihan ko ay nagpagulo ng utak ko.

Ngayong araw na ang presentation ng groups namin. Kailangan namin magreport about sa binigay samin na ginawan namin ng power point.

"Okay class, alam ko naman na alam niyong ngayon ang araw upang ipresenta niyo ang ibinigay kong grouo activity niyo." Sambit ng teacher namin.

"Uhm, sorry Lei pero mahina ang boses ko kapag dating sa ganito." Bulong sa akin ni Arriane na katabi ko ngayon kasama ang mga kagroup namin.

Napag-usapan na namin na kami ang magrereport para sa grupo namin dahil kami naman ang nagkaintindihan dito.

Gusto kong hawakan ang kamay ni Arriane at sabihin sa kaniya na ayos lang 'yon, gusto ko palakasin ang loob niya at sabihing hindi niya kailangan humingi ng tawad. Ngunit wala akong karapatan na gawin 'yon, isa pa alam kong magkaklase lang ang tingin namin sa isa't isa.

"Okay lang, malakas naman boses ko kaya madadala na rin siguro 'yon." Iyon na lamang ang tanging nasagot ko.

Tumango lamang siya sa akin at nakinig na sa pinapaliwanag ng teacher namin. Minsan napapatingin ako sa kaniya, pero hindi niya 'yon napapansin.

Natapos na magreport ang dalawang grupo, kami na ang magrereport.

"Good morning everyone. I'm Lei and i'm going to present our group presentation together with Ms. Arriane." Paninimula ko at humarap ako sa kaniya na nakaharap din sa akin.

Ilang minuto lang at natapos din kami sa pagrereport, salamat at natapos ito ng maayos. Lahat ay nakinig sa amin.

"Thank you, Mr. Marco and Ms. Lee. Good job." Sambit ng teacher namin.

Tumango lamang kami sa kaniya.

"Nice." Sambit ko at ngumiti.

Ngumiti lang din siya sa akin at umupo.

Nakinig lang ang lahat sa report ng ibang group, samantalang ako ay lumilipad ang utak sa malayong lugar. Naiisip ko nanaman kasi ang mga nakita ko nung isang linggo, simula nung araw na 'yon ay napapadalas na ang pagdaan daan ko sa bahay nila Arriane, sinusundan ko siya pauwi para may makalap pa ako. Ngunit kahit isang beses ay hindi na muling naulit ang nakita namin ni Jaemin.

Napapaisip nalang ako minsan, bakit ko ba kasi ginagawa 'to? Ilang linggo na rin akong hindi nagpupunta sa mga bar, nagtataka na rin sila Dale sa akin. Pero sila mom, masama pa din ang tingin sa akin. Wala naman magbabago doon.

Natapos ang klase namin, niisang subject ay hindi ako nagditch ngunit lumilipad naman ang utak ko. Gumagawa lang ako ng mga activity at quiz pero hindi ako nakikinig. Swerte naman ako at pumapasa padin ang scores ko.

Nagsilabasan na ang mga studyante sa room namin, ngunit may iilan pa din na hindi pa lumalabas, isa na don si Arriane at Lucas na sa likod ko nakaupo. Ewan ko lang kung anong ginagawa nila.

"Lei!" Rinig kong sigaw ni Harry. Nakangiti itong pumasok sa room namin. "Hi, bes Arriane." Bati pa nito kay Arriane.

Hindi ko nakita ang reaksyon ni Arriane pero hindi siya nagsalita.

"Lei, punta tayo sa tambayan. Gusto ko mag-inom ngayon, may sasabihin din ako sainyo." Sambit nito, ngiting ngiti nga itong mokong na 'to e. Ano kayang meron sa isang 'to?

"Sige, tara na." Sambit ko. Lumabas na kami, sinulyapan ko si Arriane na nakikipagusap kay Lucas.

"Tara, inaabangan na tayo nila Dale sa baba. Kanina kapa namin hinihintay e! Alam naman kasi namin na nagdiditch ka din kada last subject." Sambit nito.

Naglakad kami papuntang parking lot at nandon nga ang dalawa na naabutan namin na nagyoyosi.

"Yosi muna kayo," sambit ni Jaemin at inabot naman ni Harry ang binibigay ni Jaemin na stick ng sigarilyo. "Ikaw Lei? Ayaw mo magyosi?"

"Ah, ayoko. Tinatamad ako." Sagot ko.

"Ano 'yan? Nagpapakagood boy kana ba Lei?" Tanong ni Dale na nagyoyosi din.

"Wag mo subukan pre, baka traydurin mo din kami." Sambit ni Harry.

"Bakit? Hindi naman kayo trinaydor ni Lucas ah? Ginagawa niya 'yon para hindi mahirapan ang nanay niya." Sumbat ko na ikinatahimik nila.

Binasag ni Harry ang katahimikan gamit ang tawa niya. "Wag mo sabihing kinakampihan mo na ang hampas lupang 'yon?" Sambit pa nito.

"Wala akong kinakampihan, talagang ngayon ko lang siya naiintindihan. Galit din ako sakanya dahil iniwan niya tayo." Sagot ko.

"Hindi na natin kailangan ang isang 'yon." Sambit ni Jaemin at inapakan ang yosi niya matapos itong itapon sa lapag, ganon din sila Dale.

"Tara na." Yaya ni Dale at pumasok sa driver's seat.

Pumwesto ako sa tabi ni Dale. Nagkkwentuhan sila pero tahimik lang ako. Hanggang sa makarating kami sa tambayan ay tahimik lang ako.

Nilabas ni Harry ang dala niyang alak at mga beer at tsaka kami pumasok sa tambayan namin.

"Ano ba 'yong sasabihin mo, Harry? At talagang may pa-alak kapa." Natatawang sabi ni Dale.

"Oo nga, ano ba 'yon?" Tanong ko.

"Sabihin mo na." Mahinang sabi ni Jaemin.

"Ganito kasi 'yan," umpisa nito. Gusto ko tuloy matawa. "Napagtanto ko kasi na iba na talaga 'yong nararamdaman ko tuwing kasama ko siya. Seryoso na ako dito, mahal ko na siya at gusto ko na maging sakin siya sa madaling panahon." Paliwanag niya.

"Seryoso kaba?" Tanong ni Dale.

"Sino naman 'yan?" Tanong naman ni Jaemin.

"Siguro na akong mahal ko siya, mahal ko si Arriane." Harry.

T*ngina.

Tumigil ang mundo ng marinig ko ang sinabi niyang pangalan. Gusto ko siyang sapakin. Bakit sa lahat ng tao ikaw pa talaga, Harry? Haha.

"Haha," tawa ko. "Ang bilis mo naman pre." sambit ko pa.

Pinipilit ko na 'wag gamitin ang pamatay na tingin ko sa kaniya, mahal ko kaibigan ko at ayokong bumuo ng gulo.

Tumawa siya ng marahan. "Hindi pre, puso ko 'yong tumitibok ng mabilis kapag kasama ko siya." Dagdag pa niya.

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na suntukin siya, ayokong masaktan si Arriane. Kilala ko ang kaibigan ko at anytime masasaktan niya si Arriane, hindi ko mapapatawad si Harry. Ako na nga mismo ang lumalayo kay Arriane para malayo siya sa gulo, tapos siya naman itong naglalapit.

Hinahatian kita sa lahat, Harry. Pero hindi ko kayang makihati ngayon.

"Ang korni mo Harry!" Pang-aasar ni Dale at Jaemin sa kaniya. Hindi ko magawang asarin siya ngayon dahil naiinis talaga ako.

Mabuti nalang at kaya kong pigilan ang sarili ko. Ayokong mainis.

"Ang tahimik mo, Lei." Dale.

"May iniisip lang ako." Sambit ko.

Masaya silang nagtatawanan, hindi naman nila ako napapansin kaya naisip ko na lumabas.

Lumabas ako at pumunta muna sa coffee shop na pinakamalapit dito.

Nagulat ako ng makita ko si Tito Vince at si Arriane sa loob ng coffee shop. Nauusap sila, masayang naguusap. May mga dala pang libro si Arriane at nakauniform pa siya.

Naisip ko na huwag magpakita sa kanilang dalawa kaya pumunta agad ako sa lugar na hindi nila ako makikita habang naguusap sila.

Hindi na muna ako umorder ng iinumin ko, pinanood ko muna sila magusap.

Maya maya ay tumayo silang dalawa, sabay silang lumabas ng coffee shop. Nagulat din ako ng makita ko si Arriane na sumakay din sa kotse ni Tito Vince.

Ano ba talagang meron sa kanila?

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now