MN-18

2.6K 92 0
                                    

Chapter 18: Lucky

Arriane.

"What.."

"Ang kapal naman ng mukha mo girl!"

"Did she just ignored him?!"

"I knew it! Malandi siya! Bitch!"

Nakakabinging parinig ng mga babae sa banyo, hindi ko alam kung ako ba talaga 'yong pinaparinggan nila pero halos sigawan na nila ako.

"Ano ba girls? Bakit ang iingay ng bunganga niyo?" Iritadong tanong ng isang pamilyar na boses. "Can you please shut up your mouth?" Dagdag pa nito, at lumabas sa pintuan ng cr.

"Ito kasi e!" Gulat ko nang bigla akong ituro ng isa sa mga babae.

Nanlaki naman ang mata ng Queen Bee ng makita kung sino ang itinuro ng babae—Ako.

"What the?!" Gulat na reaksyon nito na tinititigan ako mula ulo ko hanggang paa. "Who the hell are you?!"

Nagulat ako nang sigawan niya ako at titigan ng masama.

"Wait, ikaw si Ms. Nerdy ng hanguk ah." Natatawang sambit nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"What the, ngayon ko lang napansin ah!" OA na sambit ng isang babae.

"Shut up!" Sigaw ni Queen Bee. "Ayan ba ang ipinagmamayabang mo? Ang pekeng ganda mo?" Mayabang na tanong nito habang nakapamewang.

"Wala akong pinagmamayabang." Mahinang sagot ko.

"Naalala mo ba pa 'yong sinabi mo na dapat galangin kita kasi mas matanda ka?" Tanong niya at bahagyang ngumiti. "Magkasing edad na tayo ngayon, at sa tingin ko hindi na dapat kita galangin pa, right?" Dagdag pa niya at biglang sumama ang tingin sa akin.

Hindi nako nagdalawang isip na lumabas, ayoko na masali pang muli sa gulo. Ayokong madisappoint na sakin ang parents ko nang dahil sa nasasali ako sa kung anong gulo.

Pumunta na ako sa next subject ko. As usual nakita ko nanaman si Lucas na nagbabasa ng libro. Naiimpress talaga ko sakanya, lalo ko siya nagiging crush nyan e. Hays.

"Hi Arriane." Bati ni Lucas sakin.

Ngumiti ako sa kaniya.

Umupo ako sa upuan ko at napaharap sa blackboard, nakita ko si Lei na nakatingin sa amin, nakatingin siya kay Lucas at masama ang tingin. Anong ginagawa niya? Bakit ganyan siya kung makatingin.

Umiwas siya ng tingin ng makita niya na nakatingin ako sa kaniya.

"Arriane," pagtawag sa akin ni Lucas dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Pagkaharap ko ay ngumiti siya. "Pwede ko bang mahiram ang libro mo?"

"Sure." Sambit ko at inabot sa kaniya.

"Thanks." Lucas.

Ilang minuto ang lumipas at nagsimula na din ang klase. Katulad ng normal na araw ay nakafocus ako sa lecture, minsan nga feeling ko limang minuto lang ay tapos na agad ang klase.

"Arriane, here's your book. Thanks!" Lucas.

Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti.

Nagkaroon kami ng group project sa isang subject, at ako ang tinoka ng mga kagrupo kong babae na gumawa nito. Hindi ko nga alam kung may balak ba silang tulungan ako, pero mukhang wala dahil puro paganda ang ginagawa nila habang tinatanong ko sila tungkol sa proyekto namin.

"Kaya mo na yan Arriane." Sabi ng kagrupo kong babae habang naglalagay ng lipstick niyang sobrang glossy.

"Oo nga." Sabi naman ng isa pa na nagcu-curl ng maikli niyang buhok.

"Yah, tara na! May party pa tayo mamayang gabi with our boys." Excited na sabi naman ng isa ko pang kagrupo na sobrang kapal ng foundation sa pagmumukha at leeg.

"Hoy Arriane! Tapusin mo yan ah, trabaho mong tapusin yan." Pasigaw na sabi sa akin ng isa ko pang kagrupo.

"O-okay." Mahinang sagot ko.

Sabay sabay na silang lumabas ng room dahil uwian na. Imbis na unahin ang project, inuna pa talaga ang pagpunta sa party nila. Pwede naman siguro nilang ipagpaliban 'yon dahil grade din naman nila ang nakasalalay sa project namin, pero ano pa bang aasahan ko sa mga 'yon? Nganga.

"Mga babae talagang 'yon, puro ganda wala namang utak." Iritadong sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki. "Hi, Arriane." Bati nito at ngumiti ng ako ay mapaharap sa kaniya. Si Harry pala.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Pero mukhang napasama o mukhang di niya naintindihan.

"Masama ba?" Tanong niya at nakataas ang kilay habang nag-aantay ng sagot ko.

"Hindi." Matipid na sagot ko.

"Ah, sinusundo ko kasi si Lei." Sagot niya.

Tumango nalang ako.

Lumapit siya kay Lei at may pinagusapan sila, hindi ko naman alam kung ano 'yon at wala akong pake kung ano man 'yon.

Nakita ko na naglakad na sila, hindi ko alam pero parang napipilitan ako at hindi ko dapat 'to gawin.

"Harry!" Sigaw ko sa pangalan ni Harry.

Napatingin naman sakin si Harry at Lei. Ngumiti sa akin si Harry pagtingin nila sakin.

"Bakit?" Patanong niyang sigaw. Lumapit din siya kaagad sakin. "Bakit?" Tanong niya ulit ng nakangiti.

"Ah, tungkol sa sinabi mo.." Nag-aalinlangang sambit ko.

"Sinabi ko?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo, nung sinama moko noon dahil maaga tayo pumasok."

"Teka, ano bang sinabi ko noon?" Tanong niya pa na parang nililinaw ang nasa isip niya.

"Sabi mo Y--"

"Arriane!" Sigaw ng isang pamilyar na boses, si Lucas pala. Lumapit siya samin.

"A-ahm Harry sa susunod nalang." Sambit ko. Tinignan naman ni Harry si Lucas at parang may namumuong bagyo dahil sa presensya nila.

"Arriane, ba't kayo naguusap ni Harry?' Medyo inis na tanong ni Lucas.

"Ah, w-wala." Sagot ko.

"Iyong totoo?" tanong niya pa.

Dahil sa kakulitan ni Lucas ay kwinento ko nalang sakaniya, kahit kailan talaga ang lakas niya sakin e.

"H'wag mong seryosohin 'yong sinabi niya. H'wag ka magpakain sa kuryosidad mo." Payo niya.

"E-eh---"

"Arriane, makinig ka sa akin. Matagal ko nang kilala si Harry, kilalang kilala ko na 'yon lalo na't naging magkaibigan kami dati. Marami nang pinaiyak na babae 'yon, kahit kailan hindi naging seryoso 'yon." Lucas.

Tumango nalang ako.

"Kaya nga pinapalayo din kita sa kaniya at sa mga tropa niyang 'yon, ayokong may masamang mangyari sa'yo." Sambit niya ngunit nakayuko ako. "Ayokong masaktan ka."

Ayokong masaktan ka. Bakit? Bakit ayaw mo? Hindi naman siguro ikaw ang maapektuhan Lucas, e.

"Kaibigan kita kaya ayokong mangyari 'yon." Sambit niya at ngumiti sa akin.

"Salamat Lucas, ikaw ang kauna-unahang kaibigan ko dito." Sambit ko at ngumiti din.

"Salamat din kasi naiintindihan mo ako." Lucas. Ngumiti siya at tinignan ako.

"Tara, labas na tayo." Pag-aaya ko sa kanya.

"Teka, gusto mo ba kumain? Tara kain tayo don sa favorite kainan natin." Nakangiting sabi niya. "Libre ko ulit!"

"Libre mo? Talaga?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Oo, promise." Sabi niya at itinaas ang kanang kamay niya.

Tumawa kami at naglakad na papunta sa kainan.

Napakaswerte ko at naging kaibigan kita Lucas.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now