Chapter 17: Mysterious but Precious
Lei.
"Pasok na po ako." Paalam ko kayla Mom. Naiinis ako sa kanila pero kinakalma ko ang sarili ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Lumabas na ako ng bahay at naglakad lakad hanggang sa nakasakay ako ng taxi papasok ng school. Madali lang akong nakarating ng school dahil sa taxi, pero madalas kapag ayokong magtaxi ay naglalakad lang talaga ako.
Bumababa palang ako ng taxi, nasa akin na agad ang mata ng mga babae. Nakakasawa na din maging ganito, wala kanang privacy sa buhay mo. Hayst.
Naglalakad ako sa hallway, halos lahat ng atensyon ng tao ay naagaw na siguro ng presensya ko. Araw araw naman ay ganito ang scenario dito tuwing dadaan ako.
Naglalakad ako ng bigla akong may nabangga, hindi ko siya napansin.
"Sorry." Sambit ko.
Sh*t ba't ako nagsorry sa babaeng 'to?
Pagtingin ko sa mukha niya, shit?! Siya ba 'yan? Halos lahat ng lalaking napapadaan ay napapatingin sa kaniya, ang ganda niya talaga kapag walang suot na makapal na salamin. At nag-ayos na din siya ng buhok, bagsak 'yong buhok niya kaya hindi ko siya nakilala.
Nakakamangha ang ganda niya..
Hindi ko alam ay nakatitig pa din ako sa kaniya habang naglalakad siya palayo. Natauhan lang ako sa mga bulungan ng estudyante.
"new student ba siya?"
"Chix pare."
"I should date her."
"Itsusera! Makadikit kay Lei."Hindi ko na pinansin ang bulungan pa ng mga tao, dumiretso na ako sa room. Naalala ko kaklase ko na pala siya dahil nalipat ako sa section nila. Nakakahiya naman.
Isang himala ata 'to, maaga akong pumasok. Wala pang teacher na dumadating e.
Palapit ako ng palapit sa upuan ko, nasa likod siya ng upuan ko at nagbabasa ng libro. Sh*t bakit pabilis ng pabilis tibok ng puso ko? Wth?
"Hi Lei!" Bati sakin ng babae, natauhan ako bigla.
Dinaanan ko lang ng tingin ang babaeng 'yon at naglakad na akong muli. Wala naman akong pake sa kaniya kung sino man siya.
Nakita ko si Lucas, nakatingin siya kay Arriane. Pinagpapantasyahan niya ba si Arriane? Ang kapal naman ng mukha niya.
Bago ako umupo ay nagkatinginan kami ng masama ni Lucas. Bwiset talaga siya.
Tinignan ko si Arriane, hindi ako makapaniwala na ganyan pala talaga siya kaganda. Oo, nagagandahan ako sa kaniya sa simula palang. Pero hindi siya ang tipo ko ng babae. 'Yong hinaharap niya nga at ang pwet niya ay hindi manlang nangalahati sa mga babaeng nalampasan ko na. Basta ayon na 'yon, hindi siya ang tipo ko sa babae.
Katulad ng normal na araw, lutang nanaman ako sa mga subject. Hindi ako nakikinig sa mga turo nila. Basta lagi nalang akong hindi nakikinig, wala din naman akong naiintindihan sa mga turo nila. Mas maiintindihan ko pa 'yong tinuturo nila kung babasahin at aaralin ko lang magisa, eh.
Uwian na, lumabas na ako ng room namin. Sakto paglabas ko nakita ko si Harry na naglalakad sa hallway. Nauna ko siyang nakita pero tinawag niya ako at lumapit siya sa akin.
"Nalipat ka nga pala jan noh." Asar niya. "Kaklase mo pala si Arriane, 'yong bestfriend ko." Dagdag pa niya.
Tumingin siya sa room namin. Hinahanap ata si Arriane.
"Pre? May bagong studyante ba dito bukod sa'yo? May chix don sa likod eh, oh!" Harry. Para siyang ugok.
Tumingin ako kung saan ang tinuturo niyang chix, si Arriane pala. Tama nga ako ng hinala. Hindi niya nakilala si Arriane na 'bestfriend' niya daw.
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Dla nastolatkówMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...