MN-20

2.4K 100 3
                                    

Chapter 20: Stuck between my Mom and Dad

Arriane.

"Arriane, anak," rinig kong tawag sa akin ni Manang Yolly sa mahimbing kong tulog. "May bisita ka." Dagdag pa nito.

Agad akong napabangon sa hinihigaan ko nang marinig ko ang sinabi ni Manang Yolly na may bisita ako. Baka si Dad 'yon. Kaya agad akong nagsuot ng tsinelas at tumakbo pababa.

Hindi ko pa nakakalahati ang hagdan ay nakita ko na kung sino ang bisita na tinutukoy ni Manang Yolly. Nagkamali ako ng iniisip at hindi si Dad 'yon.

Pero, bakit siya nandito?

"L-lei?"

Bumaba ako at lumapit sa kaniya.

"Bakit ka nandito? May kailangan kaba?" Tanong ko kay Lei.

"Nilipat kasi ako sa group niyo, nabanggit sa akin ni Harry na ikaw ang naka-assign sa lahat sa group project, sa presentation ng group." Sambit nito.

Paano siya nalipat?

"Oo, pero ayos lang 'yon."

"Kung iniisip mo na pabaya ako na kagrupo katulad ng ibang member, mali ang iniisip mo." Sambit niya pa.

"Did you mean, you're here to help me?" I ask.

"Exactly." Pagsang-ayon niya, tumango siya at ngumiti sa akin. Ayan ang ngiti niya na napaka-inosente, na minsan ko lang makita.

"Manang Yolly, gagawa po kami ng group presentation. Doon nalang kami sa kwarto gagawa." Sabi ko kay Manang Yolly.

"Okay sige," tumango si Manang Yolly at ngumiti sa amin."Ipaghahanda ko nalang kayo ng pwede niyong kainin." Dagdag pa niya.

"Pakidagdag na rin po itong dala ko." Habol ni Lei at binigay kay Manang Yolly.

"Okay sige." At tsaka na lumakad papuntang kitchen si Manang Yolly.

Niyaya ko na umakyat si Lei sa kwarto ko. Mabuti nalang ay bagong linis ang kwarto ko, ayoko naman na mapahiya ako. Palagi nalang ako napapahiya.

Nilabas ko ang laptop ko, binuksan ko din ang computer ko para hindi kami magkagulo sa isang gadget, if ever.

"Arriane, ako nalang ang magreresearch. Ikaw nalang gumawa ng power point." Utos ni Lei, sumunod nalang ako.

"Sige." Tanging sagot ko.

Habang gumagawa kami sa kaniya kaniya naming gawain, minsan ay 'di ko maiwasang tumingin kay Lei. Mukha kasi siyang seryosong seryoso sa ginagawa niya.

"May problema ba?" Bigla niyang tanong.

Nilipat ko agad ang mga mata ko sa ginagawa ko. Umiling ako at tumingin ulit sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin at agad na ibinalik rin ang mga mata niya sa ginagawa niya.

Dumating si Manang Yolly dala dala ang mga pagkain. Ilang oras ang lumipas at natapos din kami sa ginagawa namin. Tahimik lang kami at masyadong seryoso ang usapan namin. Hindi ko nga alam kung ano talagang meron kay Lei. Hindi ko kasi alam na may ganon pa pala, basagulero sa school pero marunong padin tumulong sa classmate niya. Pero minsan napapansin ko na lutang siya sa klase at hindi nakikinig.

Hinatid ko siya sa gate.

"Mauna na ako Arriane." Sambit niya.

"Ingat." Matipid kong sambit.

Umalis na siya at nakasakay naman siya kaagad ng taxi. Pumasok nako agad sa kwarto ko.

Nakita ko nanaman ang calling card ni Daddy, naisip ko nanaman na tawagan ang number na nakalagay doon.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now