Chapter 29: Preparation
Arriane.
"Tara, punta na tayo sa bahay. Nandoon na si Mommy iniintay tayo." Pagyayaya ni Keith.
"Oki, doki!" Sagot naman ni Ashley.
Pumunta na agad kami sa bahay nila Keith, same subdivision lang pala kami. Grabe, nagulat ako doon.
"Talaga? Dito ka rin pala, hindi kita masyado nakikita dito, e." Sambit niya. "Mukhang hindi ka kasi masyadong lumalabas." Dagdag pa nito.
"Oo, ganon nga. Hehe." Sagot ko.
Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa bahay nila Keith, may kalakihan rin ito.
Pumasok kami rito at agad naman bumungad ang mommy ni Keith. 'Teka, ba't parang pamilyar siya?' reaction ng mukha ko.
"Keith, this is my Mom. Mommy Jaycelle." Keith.
"She know me already." Nakangiting sambit ni Tita Jaycelle. "Long time no see, Arriane. How are you?" Tanong nito sa akin.
Ngumiti ako pabalik. "Ayos lang naman po."
"Wha- how?" Tanong ni Keith at Ashley.
"Long story, but it's because of your Kuya." Sagot ni Tita Jaycelle. Pero.. what?! Kapatid ni Keith 'yong masungit na si Jaemin?
"Oh.. my stupid brother." Pataray na sambit ni Keith.
"What did you say?" Tanong ng masungit na lalaking biglang sumulpot. "Can you please say it again?"
"Nothing, hehe." Sambit ni Keith at tumaray.
"Good afternoon, Arriane." Nagulat ako ng batiin niya ako; ni Jaemin. Hindi niya ba ako aangasan o susungitan man lang?
Hindi na ako sumagot, ngumiti na lamang ako rito.
"Let's go, i'm really excited!" Hyper na sambit ni Ashley.
Umalis na kami sa bahay nila, gumamit kami ng sasakyan nila Keith at Mommy niya ang nagmaneho nito. Mabilis na nakarating kami sa mall. Sa totoo lang ay wala akong ideya sa gagawin namin dito bukod sa bibili ng susuotin para bukas.
Naglakad-lakad kami, nakarating kami sa beauty section kung saan may mga salon at spa. H'wag mong sabihin na...
"Tara, nandito ang kumare ko. Magaling 'yon sa pag-aayos ng buhok." Sambit ni Tita Jaycelle at pumasok sa isang stall, agad na sumunod ang dalawa at hinila ako.
"Good afternoon, Ms. Young!" Bati ng isang babae. "Good afternoon, beautiful ladies." Bati nito sa amin.
"Hair spa, sa aming apat." Tita Jaycelle.
"Sure, Ms. Young. Just sit down here and wait for 5 minutes." Sagot nito, at kinausap ang babaeng nasa cashier.
Umupo naman kami.
"Don't worry, it's free. It's mommy's treat. Mahilig kasi siya sa ganito." Nakangiting bulong ni Keith. "Um-oo kana lang, okay? Hehe."
Ngumiti nalang ako.
"Hey, let's take a selfie!" Sambit ni Ashley. Nagpicture naman kami.
Ilang minuto lang ang lumipas, pinapwesto na kami. Hindi ko alam kung ano ba ang mga bagay na ito. Hindi ko alam kung ano ba ang mga ginawa sa buhok ko, basta nagshampoo at nagbasa ng tubig. Hindi ko na alam ang mga sumunod pa.
Mahigit isang oras ay natapos rin agad kami.
"Doon naman tayo, manicure and pedicure time!" Excited na sambit ni Tita Jaycelle. Natuwa naman ang dalawa.
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...