CHAPTER 10: Beautiful
Lei.
"Mr. Marco, sumakay kana sa school bus #0613. Hintayin mo sandali ang dalawang estudyante na makakasabay mo sa bus." Paghihintayin pa nila ako? Nabobored na ako, gusto ko na umuwi.
"K." Mahinang sagot ko at lumabas papunta sa school bus.
Badtrip, bakit ba kasi ang daming panget na laging nangba'badtrip sakin? Ayan tuloy, nabugbog ko sila. Dibale, lagi naman ganito e, hahaha! Ano pa bang bago sayo Lei? Tss.
Ang tagal naman dumating nang dalawang ugok na estudyanteng kasabay ko, hindi ba nila alam na pinaghihintay nila ang gwapong si Lei Marco? Kung sasakyan ko lang 'to, wala akong balak hintayin sila.
Mga 20 minutes ay dumating na sila. Bakit ganon mukha netong nerd? Manang? Basta yung babae. Mukhang binugbog ng sampung demonyo. Napabayaan ata netong boyfriend niya. Paki ko ba sa kanila.
Tumingin nalang ako ulit sa labas, nakakawalang gana talaga ngayon. Parang gusto ko nalang magyosi, kaso naalala ko nandito ako sa loob ng school bus. Dibale, magpupunta nalang ako ng bar mamaya, maraming chix don e. Hahaha. Yayayain ko mamaya sila Dale, malakas kapit nung mga 'yon sa chix kaya sila ang madalas kong kasama sa bar, mga hard pa na alak ang iniinom nila.
Lutang na lutang ako dito. Sinulyapan ko yung dalawang estudyanteng kasabay ko, nakasandal ang ulo ng babae sa balikat netong lalaki at ito namang lalaki tinititigan yung babae. Hindi ko masyadong makita yung babae dahil buhaghag ang buhok neto at may makapal na salamin, pero kapansin-pansin na namumula ang pisngi neto at may pasa sa mukha. Ah! Siya ata yung babae na binully ng ibang babae. Di na ako magtataka na binully siya, kabully bully naman itsura niya e. At isa pa, hindi ba siya marunong lumaban? Ano ba 'yan, kaawa awa na nga itsura niya e, kaawa awa pa siya kumilos? Tapos magbo'boyfriend siya ng 'di siya kayang ipagtanggol? Napakapabayang boyfriend naman ng boyfriend niya! Kung ako sakanya, hiwalayan niya na 'yong boyfriend niya at ako nalang ang boyfriend niya, para maipagtanggol ko siya palagi. Wait, ano?! Ano bang iniisip ko? Ba't ba ako nag-aalala ng sobra dito sa babaeng 'to? Bakit nangingialam ako? Ewan.
Iisipin ko nalang nga 'yong mga chix mamaya, HAHAHA.
Maya-maya lang, bumaba na 'yong dalawang studyante. Teka, magkapatid ba sila? Ba't sabay sila aalis? Magkapitbahay? Whaaat? Bahala nga sila, tss.
Nakahinto pa din 'tong bus kahit na nakababa na silang dalawa, may hinihintay nanaman ba? Tss! Ayoko sabi ng nag-aantay e, putek.
Maya maya lang, biglang bumalik 'yong studyanteng lalaki. Siguro siya 'yong hinintay ng bus.
After 15 minutes.
Bumaba na ako ng school bus dahil nandito na ako sa tapat ng bahay. Nakaka'walang gana talaga. Pumasok na ako ng bahay, nagtataka siguro sila kung bakit ako maaga nakauwi ngayon.
"Good Afternoon, Mr. Lei." Bati sa akin ni Yaya.
Yumuko lang ako sakanya.
Pumasok na ako sa kwarto ko, ang dilim dahil patay ang ilaw at sarado ang bintana. Sinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at binuksan ko ang lampara na nasa tabi ng higaan ko. Kumuha ako ng stick ng yosi at sinindihan ko.
Nang maubos ko ang isang stick, kinuha ko 'yong cellphone ko sa bag ko. Tinext ko sila Dale para mamayang gabi, at mabuti naman ay ang bibilis nila magreply. Basta talaga bar ang usapan, madadali silang kausap.
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...