Chapter 23: A day with Dad
Arriane.
Sobrang saya ko ngayon dahil kasama ko si Daddy. Isa 'to sa mga pinagdadasal ko, ang makasama ko ulit si Daddy at makapagbonding kaming dalawa.
Umalis na kami sa coffee shop na pinagkitahan namin ni Daddy, hindi naman kami makakapagusap ng maayos doon.
"Doon tayo sa restaurant na madalas namin kinakainan ng Mommy mo noon, sana lang hanggang ngayon ay resto pa din siya. Namiss ko na kumain doon." Sambit ni Daddy.
"Sige po."
15 minutes ang byahe, sandali lang iyon pero masaya kaming nagusap ni Daddy habang nagmamaneho siya.
"Andito na tayo." Biglang sabi ni Daddy at nagpark sa harap ng isang restaurant.
Bumaba ako sa sasakyan. Woah. Ang ganda ng labas ng restaurant na 'to, malamang maganda din ang loob nito. Kita ko dito sa labas ang mga makikinang s chandelier sa kisame. Hindi ko maipagkakaila na isipin kung gaano ka mahal ang mga putahe dito.
"Noong kumakain kami jan, hindi pa gamyan kabongga at kaganda. Simpleng simple lang." Sambit niya at ngumiti habang nakatingin sa restaurant.
"Mukha pong umasenso na, kaya inayos." Sambit ko.
"Tara na, pumasok na tayo." Sambit ni Daddy at naglakad papasok, sumunod naman ako sakanya.
Pagkapasok namin ay nakahanap na agad kami ng pwesto kaya hindi na namin naproblema 'yon dahil wala naman daw nakareserve doon. Umorder na din kami agad para habang kumakain kami ay naguusap kami.
"Kumusta na ang pag aaral mo, Arriane?" Tanong nito sa akin.
Ngumiti ako, sana maging proud sa akin si Daddy. "Ayos naman po, katulad pa din po ng dati ay with honors ako. Mas nagiging maayos nga po ngayon." Sambit ko at ngumiti.
"Really? I'm so proud of you, anak. Keep up the good work." Masayang sambit nito sa akin.
Ito ang gusto ko marinig mula sa magulang ko.
"Thank you, Dad."
"H'wag ka masyado ma adik sa pagaaral, gusto ko anak mag enjoy ka din sa kabataan mo. Okay? Marami ka pang dapat mapagdaanan at magawang masasayang bagay." Sambit niya.
"Opo dad."
"I'll support you always, kahit na hindi tayo nagkasama ng matagal." Sambit nito. Napangiti kaming dalawa.
Maya maya lang ay dumating na ang pagkain namin. Ang daming inorder ni Daddy, ang totoo ay carbonara lang ang pinabili ko para sa akin. Hind ko alam na ganito pala kadami ang inorder ni Daddy.
"Daddy, 'wag mo sanang masamain ang tanong ko sa inyo." Tanong ko sa kaniya.
"Kung ano man 'yan anak, i will answer it honestly." Sagot niya sa sinabi ko.
"Masaya po ba kayo ngayon sa pamilya niyo?" Tanong ko.
"Bakit mo naitanong?" Tanong din niya.
"Just answer my question Dad."
"Hayst, okay," sambit niya at bumuntong hininga. "Oo, masaya ako sa pamilya ko ngayon anak."
Sa sagot ni Daddy, parang tumigil ang mundo ko sandali. Hindi ko napigilang tumulo ang mga nangingilid na luha sa mata ko. Agad kong pinunasan 'yon, nasaktan lang ako. Parang nafeel ko na wala akong pamilya na nagmamahal sa akin. Ang sakit sakit. Pero kasalanan ko kung bakit nasasaktan ako, dahil nagtanong ako at sinagot lang ni Daddy iyon ng tama.
"Ah, masaya po akong marinig 'yon Daddy." Sambit ko, sobrang sakit pero dapat maging masaya ako para sa Daddy ko.
"Alam ko anak, masakit na marinig 'yon. Alam kong masakit kaya 'wag mong itago sa akin ang sakit na 'yan." Sambit niya.
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...