MN-9

3.3K 111 11
                                    

CHAPTER 9: Bestfriends

Arriane.

"Waaaaaah" pagmamaktol na parang bata ni Lucas.

"Okay lang naman talaga ako, pasensya na kung 'di ko nasabi na may sakit ako." Sabi ko.

"Eh! Kahit na, sorry pa din kasi dapat inaalagan kita dahil bestfriend kita eh! Tsaka kung 'di kita hinila papasok ng canteen, 'di ka sana aatakihin." Malungkot na sabi nito. Para talagang bata 'tong si Lucas.

"Ano ka ba naman? 'wag mo nang isipin 'yon, dahil okay na." Nakangiting sabi ko sakanya.

Simula talaga noong nakilala ko si Lucas, feeling ko may Kuya ako na nagaalala sakin palagi. Sobrang mapagalaga tapos gusto niya masaya lang, kahit na nahihirapan na.

"Ahm, Arriane?" Patanong na pagkakasabi niya sa pangalan ko.

"Why?" Maikling pagsagot ko.

"Gusto ka nga pala makita ng kapatid ko, gusto ka makilala ni Jean." Nagulat ako sa sinabi niya.

Gusto? Ako? Makilala? Nang kapatid niya? Huh? Bakit? May nagawa ba 'kong masama?

"Arriane!" Pagtawag niya sakin ulit.

"H-huh? Eh? Bakit?"

"Kanina pa 'ko nagsasalita dito, ano nangyari sa 'yo jan?" Aniya.

"Ah, eh, ibig kong sabihin. Bakit gusto ako makilala ng kapatid mo?" Pagtatanong ko ng mahinahon sakanya, para 'di niya mahalata na nabigla at nagtataka ako kung bakit gusto ako makilala ng kapatid niya.

Ngumiti siya, "Naikwento kasi kita sakanya." Lucas?!

"Huh?!" Kumalma ako, ano bang nangyayari sakin? "Ah, hehe ganon ba? Sige. Gusto ko din makilala yung kapatid mo, 'yong si ---" nakalimutan ko 'yong pangalan at bigla ko nalang naalala.

"Jean." Sabay na sabi naming dalawa, hahaha. Sabay pa talaga kami.

"Gaya gaya ka?" Sabay ulit na tanong namin sa isa't isa.

Tumawa nalang kami sa kalokohan namin. Feeling ko ang saya saya ko.

Nagring na yung bell ng school namin na umaalarma na magsisimula na ang first period ng mga nagkakaklase sa baitang namin. Kaya naman lahat ng estudyanteng nagkakagulo ay parang bula na nawala sa corridors at lahat ng nagkkwentuhan at may iba pang ginagawa ay makikitang mong tahimik na nakaupo nalang sa kani kanilang upuan sa loob ng kanilang rooms. At isa na kami don ni Lucas na tahimik na nakaupo at magsesenyasan na parang mga bata.

Pumasok na ang teacher namin sa first period, at syempre bago magsimula ang lesson niya naggreet kami ng sabay sabay na nagpapakita ng galang. "Good Morning Ms. Panganiban." At nagsimula na ang first period namin.

Maayos na natapos ang first and second period namin, at syempre naghihintay nalang kami na magbell na para makapag break time na kaming lahat.

Habang naghihintay kaming lahat na magbell, nagbasa nalang muna ako ng libro.

Habang nagbabasa ako ng libro, bigla nalang ako nakaramdam ng pagkainis dahil sa mga babaeng nakaupo sa bandang harapan. Napaka ingay nila, kaya napatingin ako sa kanila ng kalmado para 'di nila mapansin na tinignan ko sila. Nang makita ko sila, tinitignan pala nila si Lucas, na katabi ko. Napaisip ako bakit nila tinitignan si Lucas at tila sila kilig na kilig. Humarap ako sa katabi kong si Lucas.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Sobrang bilis na parang aatakihin ako. Grabe.

Pagharap ko kay Lucas, talagang sobrang nagulat ako. Hindi ko alam pero feeling ko namumula ako.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now