MN-8

3.2K 95 0
                                    

CHAPTER 8: Disappointed

Arriane.

"Arriane!" Napaharap ako sa likod ko at napatigil sa pag lalakad.

"Oh?" Nilapitan naman ako ni Lucas na tinatawag pala ako kanina pa.

"Pupunta ka bang cafeteria?" Tanong niya.

"Oo."

"Sabay na ako sayo." Tumango nalang ako.

Habang naglalakad kami, biglang siyang nagsalita, "Tahimik mo naman." Pansin nito.

Ngumiti lang ako sakanya.

Papasok na kami ng canteen, biglang, "Wait! Ang tahimik mo e, gusto mo bang ilibre kita?" Hinarangan niya ako.

"W-wag na.." Naiilang na sagot ko.

"Sige na, okay lang naman sakin. Gusto ko lang naman makita kang masaya, gusto ko nagssalita ka." Sagot nito.

Ano ba pinagsasabi niya? Bakit biglang ang bilis ng tibok nitong puso ko...

"Ah, eh.. Sige." Hanggang sa pagsagot ko ay naiilang ako at hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.

"Okay!" Sigaw nito at...

Hinila niya ang kamay ko papunta sa loob ng canteen, ang higpit ng pagkakahawak niya at... feeling ko iyon ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Sobrang daming tao dito sa canteen, sabi ng doctor ko hindi ako pwede sa mataong lugar. Kahit anong gawing piglas ko sa pagkakahawak niya sakin, hindi ako makabitaw. Pasikip na ng pasikip ang hininga ko, pero hindi ko ito ipinapahalata sa kanya.

"Anong gusto mo? Pili kana!" nakangiting alok nito sakin.

"O-oh okay lang.. ako.."

Napahawak ako sa dibdib ko, parang hindi ko na kakayanin.

"Arriane okay ka lang?!" Tanong niya sakin ng mapahigpit ako ng hawak sa kamay niya.

"H-hindi ako makahinga.." Mahinang sagot ko, bigla niya akong binuhat, nagulat ako sa ginawa niya pero onti onti nalang ako nawalan ng malay at ang alam ko lang ay buhat niya ako at tumatakbo siya..

-------

Lucas.

"Arriane! Gumising ka!" Habang tumatakbo ako at buhat ko si Arriane, ginigising ko siya dahil natatakot ako.

halos pagtinginan na kami ng mga taong nadadaanan namin, pero hindi ko sila pinapansin.

Nakadating kami sa school clinic nang buhat ko siya at walang malay. Pinagpapawisan ako sa pagod at kaba. Sana'y walang mangyaring masama sa kaibigan ko.

Nang-ihiga si Arriane, chineck ng mga nurse ng clinic ang katawan niya at pinaupo naman ako ng isang nurse at tinanong ako.

"Anong nangyari sakanya?" Tanong ng nurse.

"Sumikip po ata ang dibdib niya at hinimatay siya." Sagot ko.

"May sakit ba siya sa puso o ano?"

"Hindi ko po alam." Hindi ko naman talaga alam.

"Magkaklase lang ba kayo?"

"Opo." Sobrang kinakabahan na ako.

"baka naman may asthma siya?"

"Hindi ko po alam, pero tahimik po kasi yan si Arriane at madalas magisa." banggit ko sa nurse.

"Saan ba kayo nanggaling kanina?" Tanong pa nito.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now