MN-25

2.4K 85 3
                                    

Chapter 25: Morning

Arriane.

Iminulat ko ang mata ko.

Tinignan ko ang paligid ko at madilim. Tanging lamp lang ng kwarto ko ang bukas.

Tumayo ako sa higaan ko at binuksan ang ilaw sa kwarto ko. Humarap ako sa salamin.

"Ay! Bakit nakaschool uniform pa rin ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Iniisip ko na baka nakatulog lang ako pagkauwi ko galing school pero hindi ko talaga maalala kung ano ba talaga ang nangyari.

Tumingin ako sa bintana na nasa loob ng kwarto ko. May nakita akong lalaki na nakatayo sa labas ng bahay namin at parang napadaan lang siya, nakatingin siya sa bintana ko. Pilit kong minumukhaan ang lalaki dahil wala akong suot na salamin at hindi ko alam kung saan ko nailagay 'yon. Kahit na hindi ako nakasalamin ay pamilyar sa akin ang lalaki na nakatayo doon.

Anong oras na ba? Napatingin ako sa wall clock na nandito sa kwarto ko.

Aish, 2:37 am palang pala. Aga pa!

Naisip ko na matulog pa pero nagpalit na muna ako ng damit ko. Matutulog pa sana ako ngunit bigla akong nakaramdam ng gutom, kaya bumaba nalang ako sa kusina namin.

Naghahanap ako ng pwedeng kainin, pero parang oat meal at gatas lang ang makakain ko ngayon. Aish! Makahanap na lang ng iba.

Tumingin ako sa mga cabinet at nakakita ako ng ramen, ayos. Ito nalang ang lulutuin ko.

Nagpakulo lang ako ng tubig at tsaka niluto ang ramen. Hmm, ang bango nito.

Dinala ko ang niluto kong ramen sa dining table namin. Ako lang magisa ngayon dito sa kusina dahil tulog pa sila. Sino ba namang katulad ko ang babangon ng ganitong oras para lang kumain?

Kumain nalang ako ng kumain at hindi pinansin ang sarili ko na medyo mugto ang mata. Ha? Teka bakit mugto?

Hindi ko nalang inisip ang mga iniisip kong problema at kumain nalang.

Mabuti nalang ay dala ko ang cellphone ko dito, dinampot ko ito mula sa gilid ko sa lamesa at pumunta sa playlist.

Hmm, ano bang maganda patugtugin?

Now playing - Tagpuan by Moira Dela Torre

Naalala ko nanaman tuloy 'yong music video ng Tagpuan. Relate ako ngayon doon dahil kay Daddy. Hayst.

Tinuloy ko ang pagkain ko habang nakikinig sa tugtog.

Dire-diretso ng tumugtog ang mga music sa playlist ng cellphone ko hanggang sa maubos ko na ang pagkain ko.

Nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko matapos ko uminom. Dinampot ko ang cellphone ko, pinatay ko na ang music ko. Nakita kong 3:15 am na.

Umakyat ako sa kwarto ko, wala akong ibang gagawin ngayon dahil napaka-aga pa. Hindi ko rin naman kayang pilitin ang sarili ko na matulog pa.

Naisip kong ayusin nalang ang kwarto ko, matagal tagal ko na ding hindi nililinis 'to.

Onti-unti kong nilinis ang kwarto ko, inumpisahan ko sa pagpupulot ng kalat kalat na libro at iba pang bagay.

4:00 am.

Natapos ako ng 4 am. Matapos kong mag-ayos ng kwarto ko ay nagpalit na ako ng t-shirt dahil pinagpawisan ako.

Humiga na ako sa kama ko at nagfacebook.

Kasalukuyan akong nagsscroll down ng makita ko ang isang post mula sa University namin.

"Hanguk University is having a field trip this coming weekend! Be ready students!"

Iyan ang caption ng litrato, ang nasa litrato naman ay ang oras at mga lugar na pupuntahan sa field trip.

Parang ayoko sumama sa field trip namin, pero may dagdag din ito sa grades kaya kailangan kong sumama.

Sumilip ako sa bintana ulit, naalala ko 'yong lalaki kanina pero wala na siya.

Bumaba na lang ako at naabutan ko si Yaya Yolly na naghahanda na ng kakainin para mamaya.

"Good morning po." Bati ko dito.

"Good morning din, ija. Aga mo ata ngayon?" Tanong nito at ngumiti.

"Maaga lang po ako nagising, hindi ko nga po maalala kung ano ang mga nangyari kahapon." Sambit ko at napakamot ng ulo.

"Hinatid ka dito ng kamag-aral mo, sobrang himbing ng tulog mo at mukha lang pagod. Iniisip ko pa nga na baka inatake ka ng sakit mo, pero imposible dahil bakas sa mukha mo ang labis na pagkapagod kaya hinayaan na lamang kita na matulog." Paliwanag nito habang naghihiwana na ng mga sangkap sa lulutuin.

Biglang pumasok sa utak ko ang mga nangyari kahapon, naalala ko na din sa wakas! Nakatulog ako dahil sa sobrang iyak.. at si Lei ang kasama ko?! Teka, bakit parang panaginip lang 'yon? Pero, imposible kasing makasama ko si Lei.

Isa lang ang bagay na masisigurado kong tama ang naalala ko. Tatanungin ko si Lei.

"Ah, tutulungan ko na po kayo magluto."

"Kaya mo ba Arriane? Baka may iba ka pang gagawin." Alalang tanong ni Yaya Yolly sa akin.

"Ayos lang po, kaya ka po ito." Sambit ko at ngumiti.

"Okay sige." Sagot nito at ipinaliwanag sa akin ang mga dapat kong gawin upang makatulong sa pagluluto niya.

6:10 am.

Natapos kami magluto, masaya naman ako na nakatulong ako sa pagluluto.

Maya maya ay bumaba na sila Mommy mula sa kwarto nila.

Ganoon din si Jared na nakauniform na.

"Good morning mom, tito." Sambit ko at bumeso kay Mommy.!

"Good morning." Bati nila sa akin.

"Niluto mo ito?" Tanong sa akin ni Jared.

"Ah, kami ni Yaya Yolly ang nagluto." Sagot ko.

Kumain na siya at hindi na sumagot pa.

"Arriane, kumain kana din. Ikaw din po Manang Yolly." Alok samin ni Tito.

"Mauna na kayo kumain Arriane, may aasikasuhin lang ako sa kusina. Tawagin niyo nalang ako kung sakalinf may kailangan kayo. Salamat." Sambit nito at pumunta na sa kusina.

Umupo na ako sa tabi ni Mommy at kumuha ng pagkain.

Tinikman ko ang niluto namin, masarap naman ito.

"Arriane, inaatake ka pa din ba ng sakit mo?" Tanong sa akin ni Tito.

"Hindi na po." Maikling sagot ko.

"Good to hear." Sambit ni Jared, lahat kami ay napatingin sa kaniya. "Why?"

"Bago yan ah." Mommy said, while staring at Jared.

"Nope." Sagot ni Jared. "Hey, manang pwede bang pumunta ka sa kwarto ko mamaya?" Tanong nito sa akin.

"Okay." Sagot ko.

Tumayo na si Jared at pumunta sa kwarto niya.

Kumain na ako ng kumain hanggang sa matapos ako dito.

"Akyat na po ako." Sambit ko. "Ingat po kayo." Dagdag ko pa at humalik sa kanila.

Habang umaakyat ako ng hagdan, napatingin ako sa bintana.

Naalala ko 'yong lalaki kanina na naka all black, i'ts very strange.

That stranger..

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now