MN-26

2.4K 82 1
                                    

Chapter 26: The Envelope

Arriane.

"Arriane! Sasama ka ba sa field trip?" Hyper na tanong ni Lucas. Ang likot nanaman niya.

Tumango na lamang ako sa kaniya bilang sagot pero hindi pa din siya tumitigil.

"H'wag kana munang magbasa ng libro, wala naman tayong exam e! Kung may 'di ka magets jan ituturo ko nalang sayo!" Pamimilit nito.

Hindi ko siya pinansin ngunit ginugulo niya talaga ako kaya napagpasyahan kong itigil nalang muna nga ang pagbabasa ko. Nilagay ko sa bag ko ang libro ko.

"Bakit ka tumigil sa pagbabasa?" Nagtatakang tanong ni Lucas.

Baliw ata 'to, e. Kinukulit niya ako kanina na tumigil tas tatanungin niya ako, hays.

"Sabi mo, e." Sagot ko. "Sa sabado na 'yong field trip, 'di ba?' Tanong ko.

"Oo, pupunta daw sa zoo e tapos sa museum. Nakalimutan ko na 'yong isa." Sambit nito, napakamot pa ng ulo.

"Ah." Sagot ko. Napaisip ako.

Parang ang boring naman non, hindi nanaman kami bata para pumunta sa zoo, e.

"Bakit?" Tanong nito.

"Wala." Sagot ko.

Naisip kong pumunta sa banyo para maghugas ng kamay, kaya tumayo ako at naglakad papunta doon.

Pumasok ako ng banyo, hinugasan ko ang kamay ko. Pumasok ako sa dulong cubicle para umihi na rin.

"Aish! Dadating nanaman ang b*tches na 'yon at aagawin ang atensyon nila Lei!" Rinig kong inarte ng babaeng pumasok sa banyo.

"Dapat kasi nagstay na sila sa New York!" inis na sambit pa ng isa.

"Lalo na 'yong Athena na 'yon, e. Mababaliw lang sa kaniya si Lei."

Hindi ko maiwasang pakinggan sila sa pinaguusapan nila, nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ni Lei. Anong kinalaman ni Lei sa pinaguusapan nilang mga babae?

Hindi ko alam pero nagkaroon ako bigla ng interes sa pinaguusapan nila.

Hinintay kong makalabas ang mga babaeng 'yon bago ako tuluyang lumabas ng cubicle.

Pagkalabas ko ng cubicle ay agad akong bumalik sa classroom namin.

Nakita ko si Lei na nakaearphones at nakatingin sa labas, naalala ko tuloy 'yong mga pinaguusapan ng babae kanina at kung bakit pati pangalan ni Lei ay binaggit nila.

"Hoy!" Sigaw ni Lucas sa akin.

"Huh?" Tanong ko at inayos ang salamin ko.

"Tila ka wala sa sarili, e." Sagot nito.

Napatingin sa amin si Lei na nasa gilid namin. Umiwas rin naman ito agad.

Umupo na ako sa upuan ko at nagisip.

Sino ba ang mga b*tches na tinutukoy nila? Bakit parang ayaw nila na bumalik ang mga 'yon? Sino ba talaga sila? Bakit mababaliw si Lei kapag bumalik 'yong Athena?

Biglang dumating ang teacher namin, ngunit wala ako sa wisyo na makinig.

---

Uwian na namin, mabilis na naglaho ang mga estudyanteng excited na umuwi. Tanging si Lei, Lucas at ako nanaman ang natira sa room.

Maya maya ay pumasok bigla sa room si Harry, ang ingay nito at isinigaw ang pangalan ni Lei.

"Uy! Bes, Arriane!" Masayang sambit nito at inakbayan ako.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now