MN-13

2.8K 143 6
                                    

Chapter 13: Tambayan

Lucas.

Aish! Kanina pa tapos 'yong break time namin, hanggang ngayon wala pa din si Arriane. Hindi na nga ako pumasok ng subject namin ngayon e para lang hanapin siya. Ano na kaya nangyari don? Hayst!

Halos dalawang oras na akong paikot ikot dito sa university, ang laki netong university pero inikot ko pa din. Hindi pa din ako pumapasok sa mga subject namin ngayon. Naisip ko sumilip sa room, pero wala talaga. Bakante padin ang upuan niya at syempre pati ang upuan ko.

Nag aalala ako kay Arriane, asan na kaya 'yon?

Naisip ko pumunta sa tambayan, 'yong tambayan namin nila Dale.

Lumabas ako ng university at pumunta sa dati naming tambayan. Minsan tawag din namin dito ay secret place dahil nga kami lang ang pumupunta dito.

Habang naglalakad ako, naisip ko nanaman si Arriane. Aish! Asan na kaya 'yon? Nag aalala na ako ah. Ilang subject na ang hindi ko napasukan. Aish. Hindi rin naman siya sumasagot sa mga tawag ko.

Papasok na ako sa tambayan ng makita ko sila Lei kasama si— Arriane?! Teka?! Nabubulag lang ba ako? Bat nandito si Arriane?! Ano nangyayari?!

Pumasok agad ako sa loob ng tambayan at hinila ko Arriane. Lahat sila ay napatingin sa akin at nagulat.

"Oh? Lucas? Bat nandito ka? May klase ngayon ah, himala hindi ka pumasok." Masungit na sabi mo Dale.

Hindi ko pinansin si Dale, "Arriane? Bat ka nandito? Kanina mo pako pinag aalala! Bat dika pumasok sa mga subjects?!" Nagulat si Arriane sa mga sinabi ko.

"Kayo ba?" Sabi ni Lei.

"No." Sagot ni Arriane at umiiling.

"Tara na." Hinila ko si Arriane, pero hinila siya ni Harry.

"San mo dadalhin 'yong bestfriend ko?" Tanong ni Harry. "Wala kang karapatang isama siya kung saan saan."

"Una, may mas karapatan ako kaysa sa'yo kasi ako mas nauna niyang naging bestfriend. Pangalawa, ikaw nga 'tong kung saan saan dinadala kaibigan ko. Tsaka iuuwi ko siya sa bahay nila, hindi sa kung saan saan." Pagsagot ko kay Harry, halata kong nakaramdam ito ng inis sa mga katotohanang sinabi ko sakanya.

"Wala akong pake. Akin na ang bestfriend ko." Hinila pa neto lalo si Arriane.

"No, she's my bestfriend." Hinila ko ulit si Arriane.

"She's mine!" Hinila naman ni Harry ulit si Arriane.

"No! Iuuwi ko na siya." Hinila ko ulit si Arriane.

"Ang kulit mo! Dito lang siya!" Hinila neto ulit si Arriane.

"Uuwi na siya!" Paghila ko ulit.

"Stop it! Akin na nga si Arriane." Kinuha ni Dale si Arriane dahil pinag agawan namin siya ni Harry. "Ako na bahala sakanya. 'Wag niyo kami susundan ah!"

Wala na akong nagawa dahil ang sabi ni Dale ay iuuwi na niya ito.

———————

Arriane.

Ahhh! Ang sakit ng braso ko sa ginawa ni Harry at Lucas, nakakainis naman 'yong dalawang 'yon. Buti nalang kinuha ako ni Dale, kung hindi baka tanggal na mga braso ko ngayon. Ouch! Haha!

"Pagpasensyahan mo na 'yong dalawang 'yon, ganon talaga sila dati pa." Biglang pagsasalita ni Dale, pero wait? Ano sabi niya?

"Dati pa?" Naguguluhan kong tanong.

"Oh--oo."

"What do you mean?"

"Hindi ba nakwento sayo ni Lucas? Tropa din namin dati siya, pero umalis siya at mas piniling mag aral mabuti at magpakatino." What? Medyo nagulat ako sa sinabi ni Dale. Kaya pala ganon kung habol habulin ng babae si Lucas. "Chicboy talaga si Lucas pero tinigil niya dahil nga nagtrabaho sa ibang bansa nanay niya." Kaya pala.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now