Chapter 14: Confused
Arriane.
Panibagong araw nanaman. Haha. Aaaish, nakakamiss pumunta sa Daegu. Nakakamiss si Daddy, sobrang miss ko na si Daddy. Ano kaya kung pumunta ako ng Daegu? Haha.
Aigoo! Malapit na pala akong malate! Aish! Kailangan ko na magmadali.
Nagmamadali akong kumuha ng uniform ko sa cabinet at tsaka naligo agad sa banyo. Aish! 7:30 am na pala, malelate ako neto e. Aigoooo.
Pagkatapos ko maligo ay nagblower nalang ako ng buhok at gumamit ng hair brush, kahit di na masyadong maayos ang pagkakasuklay ko basta maayos na akong tignan.
Nagtoothbrush ako agad at tsaka sinuot ako salamin ko na nakapatong sa lamesita na nasa loob ng kwarto ko. Kinuha ko agad ang bag ko at ang mga libro ko para dalhin ito sa baba. Pagkababa ko naman agad akong umupo sa lamesa kung saan kumakain na sila. Aish, nakakahiya. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain.
"Goodmorning." Nagbow ako sa kanila bago ako maupo.
Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin.
"Arriane? Nag ayos kaba? Bat parang nagmamadali ka?" Nagtatakang tanong ni Mommy.
"Mukha siyang pinagsakluban ng araw at lupa." ani Jared at nagsmirk.
"Aish, malelate na po kasi ako Mommy." Sabi ko kay Mommy.
"What? Maaga pala ang pasok niyo ngayon? Hindi mo naman sinabi.
WHAT?
Napatingin ako sa wallclock na nasa pader. What the--?!
"Hahaha. Narealize mo ba na duling ka? 6:35 palang kaya." Pang aasar ni Jared sa akin. Pero oo nga, 6:30 pa. Ang tanga tanga ko naman. Huhu.
"Tigilan mo nga ang pangbibwiset mo kay Arriane, Jared. Pumasok kana kung tapos kana kumain." Tito.
"Tss. Manang!" Sigaw neto bago tuluyan na umalis sa hapag kainan. Kahit kailan talaga pinapahiya niya ako.
"Okay lang 'yan, Arriane. Mag ayos ka nalang mamaya ah? Buhol buhol pa 'yang buhok mo baby, sana matuto kanang mag ayos ng sarili mo." Sabi ni Mommy sakin. Aish, nakakahiya.
"Gusto mo bang paayusan ka namin sa parlor? Ipaderma? Okay lang sa amin 'yon Arriane kung gusto mo, 'wag kang mahiyang magsabi ah." Tito.
"Hmm, salamat po sa alok pero hindi naman na po kailangan. Magsusuklay nalang po ako mamaya pagbalik ko sa kwarto ko." Sabi ko at itinuloy na ang kinakain ko.
"Mauna na kami baby, ingat ka mamaya pagpasok sa school mo. Hindi kita maihahatid, sorry. Iloveyou baby." Mommy. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo bago sila tuluyang umalis para pumasok sa trabaho.
"Aaaish, yaya bat ganon? Di ko manlang napansin na maaga pa pala, akala ko talaga late nako." me.
"Ganon talaga, may mga bagay na talagang hindi natin napapansin." Yaya Yolly.
"Edi sana hindi ako nagmukhang tanga kanina. Huhu."
"Puyat kaba?" Tanong niya sa akin.
"Opo." Napabuntong hininga ako. "Kasi naman, hindi po ako mapakali e."
"Oh bakit naman hindi ka mapakali kagabi? May masakit ba sa'yo?" Nag aalalang tanong niya.
"Ay wala po, okay lang po ako. Magbabasa po muna ako ng libro." Sabi ko.
Wala akong balak sabihin sa kahit kanino man 'yong napansin kong misteryosong lalake kagabi. Hindi ko naman alam kung kasamaan ba ang madudulot niya o kabutihan. Wala din naman akong ideya kung sino siya at bakit parang may minamanmanan siya dito.
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...