MN-19

2.5K 87 0
                                    

Chapter 19: Dad

Arriane.

"Ang sarap!" Sambit ni Lucas habang kumakain.

Natawa naman ako dahil para siyang bata na sarap na sarap sa kinakain niya. Ang cute niyang titigan na ganyan.

"Ija, ingatan mo itong si Lucas. Napakabait ng batang iyan." Bulong sa akin ng matandang babae na nagseserve ng pagkain.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko rito.

"Halata naman sa inyo na mahal ninyo ang isa't isa. Kung wala man kayong relasyon, baka sa tamang panahon pa iyan." Sambit nito. Kinilig naman ako.

"Salamat po." Mahinang sambit ko dito.

"Basta, huwag ninyong mamadaliin ang bagay ija. Lahat ng iyan ay may tamang oras at panahon." Sambit pa nito. Umalis na ito ng tawagin ito para magserve ng muli.

"Anong pinag-usapan niyo?" Nakangiting sabi ni Lucas. Muntik nako atakihin ng makita ko ang mukha niya pagharap ko.

"Wala. Nangamusta lang." Nakangiting sambit ko. Ngiti?

"Teka, close kayo?" Nagtatakang tanong ni Lucas.

"Hindi. Bawal ba 'yon?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi naman. Nacurious lang." Sagot neto at uminom ng softdrinks.

Tumingin nalang ako sa paligid ko at kumain ng kumain. Ang sarap talaga ng pagkain dito.

"Tapos kana kumain? Tara na." Lucas.

"H-hindi pa. Ang init e, hindi ko makain." Sambit ko.

"Akin na nga," Kinuha niya ang kutsara na hawak ko at sumandok ng kaunti sa mangkok na kinakainan ko. Hinipan niya ito. "Ah..." At tsaka ako pinanganga.

Seryoso? Bakit niya ginawa 'to?

"Lucas hindi n---"

Hindi niya ako pinatapos. "Sige na, isubo mo na." Sambit nito at ngumanga ulit para ngumanga din ako.

Nakakahiya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Aish.

Ngumanga nalang ako para kumain. Wala nakong magagawa.

Sumandok pang muli ito at hinipan. "Ahh..."

Para siyang tatay na nagpapakain sa anak niya. Nakakahiya dahil maraming tao ang nakatingin sa aming dalawa. Sa wakas naman ay natapos din kami.

"Masarap 'di ba?" Nakangiting sabi nito.

Nakakatawa, pero inaamin ko na kinikilig ako sa ginawa niyang 'yon. Ay basta, kinilig ako ng kusa at kahit anong pigil ko ay kinikilig ako. Feeling ko nga namumula mga pisngi ko tuwing naiisip ko 'yong ginawa niya kanina para lang makakain ako e. Simpleng bagay lang 'yon para sa iba pero para sa akin malaking bagay 'yon.

"Balik kayo dito, ijo!" Sabi ng mga tauhan doon bago kami lumabas. Tumango kami at ngumiti.

"Ihahatid na kita sainyo, Arriane." Sambit ni Lucas.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi niyaya kita, kaya dapat ihatid kita kapalit ng pagsama mo sa akin." Pagpapaliwanag nito.

Dapat nga ako pa ang gumawa ng kapalit para sa pagpapakain niya sa akin ng libre.

"Ayos lang. Dumiretso kana lang sainyo." Me.

"Hays, 'wag kana lang makulit." Sambit niya. Pinisil niya ang pisnge ko at ngumiti.

Naglakad pa din kami pauwi.

"Mauna na ako Arriane. Salamat sa pagsama." Sambit niya at ngumiti.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Huwag ka ngang magpasalamat. Ako dapat magpasalamat sa'yo." Mahinang sambit ko. "Pasok na ako. Ingat ka. Salamat." At tsaka ko binitawan ang kamay niya.

Pinauna ko na siya bago ako pumasok sa bahay, tinititigan ko ang likod niya habang naglalakad palayo sa akin. Papasok na sana ako ng bahay ngunit biglang may humawak ng braso ko.

"Arriane." Sambit nito.

"D-dad.." Maluha luha kong tawag sa kaniya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko si Daddy. Unti onti tumulo ang mga luha ko. Sobrang namiss ko si Daddy, gustong gusto ko siyang yakapin ng ganito lalo na kapag wala ng nakakaintindi sa akin. Gustong gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng Daddy ko, ang pagintindi niya sa akin sa lahat ng bagay.

"I miss you, Dad.." Sambit ko at pinunasan ang mga luha ko matapos ko siyang yakapin.

"I miss you more, anak." Sambit nito, medyo naluluha din siya.

"Daddy, bakit ngayon ka lang bumalik? Sobrang namiss kita." Sambit ko.

"S-sorry, ngayon lang kita napuntahan. Pagpasensyahan mo na ang Daddy, babawi ako sa iyo anak. Pangako." Sambit niya. Niyakap niya ako ulit.

"Daddy, 'yong totoo nagtatampo ako sa'yo. Wala ka noong mga panahon na kailangan kita, 'yong kailangan ko ng pagmamahal mo, lalo na nung wala nang sino ang nakakaintindi sa akin. Nung mga oras na 'yon dad alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa akin, pero wala ka." Sambit ko at umiyak.

"Ganon ba, patawarin mo ang Daddy anak. Sana mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko. Hayaan mo ako anak, hayaan mo ako na punan ang lahat ng pagkukulang ko sa iyo." Ani Daddy at pinunasan ang tuloy tuloy na pagpatak ng luha ko. "Anak, hindi kita nakilala. Ang ganda ganda mo anak." Sambit pa nito at ngumiti.

"Salamat, Dad." At pinunasan ko ang luha ko. "Gusto mo bang pumasok muna, Dad?" Alok ko sa kaniya.

"Hindi na anak, magkita nalang tayo. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka o kung gusto mo na magkita tayo. Ito oh." Sambit niya at inabot ang calling card niya.

"Daddy, mag-ingat ka palagi ah. I love you, Daddy." Sambit ko at ngumiti.

"I love you too, anak. Pumasok kana sa loob." Sambit nito, ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. "Mauna na ako, anak. Pumasok kana sa loob."

"Okay po, ingat ka po." Sambit ko.

Pumasok na ako sa loob ng gate, kumaway muna ako kay Dad bago ako tuluyang pumasok sa bahay. Pagpasok ko ng pintuan ng bahay agad namang bumungad sa akin si Manang Yolly.

"Arriane, bakit ngayon ka lang?" Tanong nito.

"Nagkayayaan lang po kumain sandali sa labas, kasama ko po kanina si Lucas." Sambit ko.

"Ganoon ba, napatagal ka atang pumasok dito sa loob. Sana pinapasok mo muna 'yong bisita mo, ija." Sambit pa nito.

Napaisip ako kaagad, hindi ko muna siguro dapat sabihin na pumunta si Daddy. Siguro dapat si Mommy ang unang makaalam nang bagay na 'yon.

"Hindi na po kailangan dahil umuwi na rin siya kaagad." Sambit ko at ngumiti. "Mauna na po ako sa taas." Dagdag ko pa. Tumango nalang si Manang Yolly.

Sorry po kung nagsinungaling ako sayo.

Nilapag ko ang bag ko sa gilid ng kama ko, at umupo ako sa kama ko habang tinititigan ang calling card na binigay sa akin ni Daddy. Agad kong naisipan na tawagan ang number ni Daddy, ngunit naisip ko na baka nagmamaneho pa 'yon kaya hindi ko na itinuloy ang naisip ko.

Humiga ako sandali ngunit hindi ko alam ay nakatulog na pala ako.

Ang huling nasa isip ko bago pa man ako makatulog ay si Dad.

I love you, Daddy.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now