CHAPTER 11: New friend
Arriane.
Aaaaargh! Umaga na pala, aish! Ang sakit pa din ng pisngi ko. Oo nga pala, pinagtulungan ako kahapon ng mga studyante. Di ko naman ugali ang lumaban dahil alam kong mali ang manakit ng kapwa.
Umupo muna ako sa kama ko habang nagiinat ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Arriane?" Pagtawag sakin nang kumakatok, si Mommy.
"Mommy, bukas po 'yan." Me.
Pumasok na si Mommy sa kwarto ko at lumapit sakin sa higaan, tumabi siya sa akin at tinatanong ako kung okay na ba ako.
"Wala bang masakit sayo? Bukod sa pisngi mo." Nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin. "Huwag ka muna pumasok, excuse ka muna ngayon. Pupunta kami sa school niyo ngayon, kaya magpahinga kana lang dito."
"Mommy, papasok po ako. Kailangan ko pong pumasok." Pilit ko kay Mommy at sinasabi na papasok ako, ayos lang naman ako.
"Huwag ka ng makulit Arriane, magpahinga kana jan. Kami na ang bahala." Mommy. "Sa susunod na may mang-api sayo, kung alam mo naman na ikaw ang tama at wala kang ginawang masama, lumaban ka. 'Wag ka papayag na sinasaktan ka ng ibang tao, kung kami nga hindi ka sinasaktan e. Tapos sila sasaktan ka lang? Hindi ako papayag ng ganon." Nag-aalalang sabi ni Mommy.
Alam ko naman 'yong point ni Mommy na ayaw niyang saktan ako ng ibang tao. Pero hindi ko naman kaya manakit ng ibang tao e, ni wala nga sa bukabularyo ko ang bumawi.
"Opo." Ayan na lamang ang nasabi ko sa mga sinabi ni Mommy.
"Okay sige. Aalis na ako, dadaan pa ako sa office mamaya." Kiniss ni Mommy ang noo ko at niyakap ako, "Iloveyou, baby ko kahit dalaga kana."
"Mommy naman," inis na sabi ko dahil kahit alam kong dalaga na ako ayoko na isipin ni Mommy na magbabago ako. "Iloveyou too Mommy."
Tumayo na siya at umalis na sa kwarto ko. Hayst, ayoko talagang umabsent pero kailangan kong sunduin ang utos ni Mommy na 'wag nalang pumasok. Sayang dahil hindi ko man lang makikita ang kaibigan ko ngayon, si Lucas. Magpapasalamat pa naman ako sa kaniya.
Maya maya lang bumangon na din ako at pumunta sa banyo para maghilamos. Hindi muna ako nagpalit ng damit kaya naka-pajama pa din ako ngayon. Kakain nalang muna ako ngayon.
Bumaba ako sa kusina, naabutan kong naghuhugas si Manang Yolly ng pinagkainan.
Nakita ako ni Manang Yolly at binati, "Good morning, Arriane." Nakangiting bati niya.
Ngumiti din ako sakanya at bumati, "Magandang umaga din po, hehe." Naamoy ko, ang bago! Amoy ulam. "Manang Yolly? Ano 'yon? Ang bango!"
"Ah, ayon ba? Kumain kana, caldereta ang ulam." Wow!
"Okay po!" Excited akong umupo sa upuan at ipinaghanda naman ako ni Manang Yolly ng kakainin ko.
"Tikman mo na." Nakangiting sabi niya at tinikman ko ang ulam.
"Wow!" Napawow talaga ako sa sarap. "Ah! Ang sarap naman. Mapapadami ata kain ko hehe."
"Magpakabusog ka lang, Arriane. Ipagkukuha pa kita ng kanin." Grabe, baka makaubos ako ng isang kaldero ng kanin dito e.
Pagkatapos ko kumain pumanik na ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit na isusuot ko at naligo na ako. Hindi ako nagpalda ngayon, nakablack na jogging pants ako at V neck na white t-shirt.
Hayst, ang boring naman. Kaya ayoko umaabsent e, mamimiss ko 'yong lessons. Magbabasa nalang nga ako ng libro.
LUCAS is calling you..
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...