MN-16

2.7K 98 0
                                    

Chapter 16: Unexpected

Arianne.

"Ouch!" Sigaw ko ng makabangga ako. Tumayo agad ako.

"Ikaw?" Tanong namin ng lalaki sa isa't isa, inis na tanong.

"Ikaw nanaman?" Inis na tanong ni Jaemin sa akin.

"Sorry." Sabi ko.

"Any way, it's okay." Biglang sagot niya ng nakangiti. Ang bilis naman niya magpalit ng mood.

"H-huh? Okay." Ang weird niya kasi. Lumakad nalang ako bigla.

"Wait!" Sigaw niya.

"Huh?" Me.

"Ah, wala wala. Classmate kita ngayong time kasi wala daw 'yong teacher sa isang subject at sainyo ko magruroom. Pakisabi nalang na matutulog muna ako." Sabi niya at biglang umalis. Para siyang kinakabahan sa sinasabi niya.

Ang weird ni Jaemin.

Weird naman talaga siya, sino ba namang normal na estudyante ang magpapasabi ng ganon sa teacher niya, 'di ba?

Pumasok na ako sa room namin, at syempre nakita ko nanaman si Lucas. Busy siya sa pagbabasa ng libro ngunit huminto siya sa pagbabasa upang batiin ako.

"Hi bespren!" Bati niya. Kahit kailan talaga ay laging mataas ang energy niya.

"Oh, may quiz ba tayo mamaya?" Tanong ko sakanya at tumingin sa binabasa niya.

"Wala." Sagot niya. "Depende nalang kung magpapabiglang quiz si Maam Sungit!" Sambit niya at tumawa. Baliw talaga siya e.

"Hmm. Haha. Sige basa muna ako ng kung anong meron ako dito." Sambit ko at tumango lang siya.

Kumuha ako ng libro sa bag ko, buti nalang at may dala akong libro dito na malilibang ako. Ayoko naman kasi na puro aral ako, gusto ko ay may natutunan din akong iba sa labas ng paaralan. Nakakatamad din kasing maging estudyante.

Nagbasa lang ako ng libro, hanggang sa dumating ang subject teacher namin.

"Good morning everyone. I'm here to introduce your new cla--"

"No need, Ma'am. Kilala nanaman siguro nila ako." Sambit niya, dahilan upang maputol ang sinasabi ni Ma'am.

Grabe, ang angas naman niya. Para siyang walang galang sa mga teachers dito. Ano pa bang aasahan ng mga tao kay Lei Marco, hindi ba?

Umupo siya sa may bakante, malapit sa pwesto namin ni Lucas dahil dulo ito.

Dinaanan lang niya kami ng tingin na parang walang pake sa mundo. Ayos lang dahil wala din kaming pake sa kaniya. Bahala siya jan.

Natapos ang klase katulad ng mga normal na araw, tama normal na araw naman talaga ngayon.

"Aayusin mo nanaman bag mo?" Tanong ni Lucas.

"Ah, oo. Bakit?" Tanong ko habang inaayos ang bag ko.

"Eh paano kasi, araw araw mo nalang ata inaayos 'yan pero hindi naman nagbabago dahil ang dami mo pa ding dala dala." Sambit niya at napakamot ng ulo.

"Kailangan naman lahat 'to." Sagot ko.

"Pwede mo naman iwan sa locker mo 'yong iba para hindi ka mahirapan e." Sambit niya na animo'y siya ang nahihirapan sa mga bitbit ko.

"Ayos lang naman sakin 'to, sanay na ako." Sambit ko.

"Okay, sige. Tara sabay na tayo lumabas." Tumango nalang ako sa sinabi niya.

Patawid na kami ngayon papunta sa kabilang kalsada.

Nahulog ang mga papel na hawak ni Lucas, kasalukuyang pinupulot namin 'to ngunit may padating na sasakyan.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now