MN-21

2.4K 83 3
                                    

Chapter 21: Tito Vince

Jaemin.

Bakit kaya pumasok sa kabilang subdivision si Tito Vince? Ang alam ko, wala naman siyang kilala dito.

Naisip kong sundan ang sasakyan ni Tito Vince.

Teka, si Arriane 'yon ah. At dito pala nakatira ang babaeng 'yon, teka, bakit sa tapat non huminto sasakyan ni Tito Vince? Ano ba 'yan, masyado na akong nacucurious. The last time i check, hindi naman ako stalker.

Papasok na ng bahay si Arriane, pero nakita ko na hinila ni Tito Vince ang braso niya. Magkakilala ba sila? Teka, anong ibig sabihin nito?

Bigla nalang sila nagyakapan, napadilat ako mabuti at kinusot ang mata ko kung tama ba ang nakikita ko o namamalikmata lang ako.

Nagulat ako don ah, kung ano anong tanong pumapasok sa utak ko. May isang tanong sa utak ko na medyo weird.

Sugar daddy kaya siya si Arriane? Imposible dahil hindi naman ganon ugali ni Tito Vince. Tsaka si Arriane magsusugar daddy? Eh, ang yaman naman niya e. Teka bakit ba ganito kadumi utak ko.

Bigla nalang ako natauhan, teka bat ba nagiiyakan ang dalawang 'yon? Ano bang meron sa kanila? Ngayon ko lang nakita na umiyak si Arriane, medyo nakakaawa siya. Pero sa ginagawa nila para silang magkakilala na magkakilala tapos matagal na hindi nagkita.

Sandali lang ay pumasok na si Arriane sa bahay niya at umandar na din ang sasakyan ni Tito Vince.

Hindi ko na sinundan pa si Tito Vince dahil baka isipin non na sinusundan ko talaga siya. Nakakaantok isipin ang bagay na 'yon.

Umuwi na ako, medyo naguguluhan padin ako sa mga nakita ng mata ko. Hindi naman ako bobo o tanga, pero alam kong seryosong usapan ang mga bagay na nakita ng mga mata ko.

"Ano ba 'yan, Jaemin? Kanina pa kita tinatawag e!" Sigaw ni Mommy sakin, eh sa hindi ko naman napansin agad na tinatawag niya ako.

"H-ha?"

"Sabi ko, may bisita ka!" Sigaw pa nito. Nakakabingi talaga siya.

"San?" Tanong ko.

"Baka nasa banyo anak, o kaya nasa budega." Sarkastikong sabi nito. "Nasa sala." Bawi nito.

Hindi na lamang ako sumagot, pumunta nalang ako sa sala at nakita ko naman si Dale na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Agad naman niya ibinaba ang magazine na binabasa at tinignan ako.

"Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.

"H'wag mo sabihing inaantok ka nanaman?" Taas kilay na tanong nito.

"It's none of your business, mister." Sagot ko.

"Kung kausapin mo ko, parang di mo ko kaibigan e." Iritadong sabi nito. "Saan kaba galing? Napakatagal mo!" Reklamo nito.

"Sa pinanggalingan." Sambit ko at ngumisi.

"Alam mo, hindi na umeepekto 'yong mga ganyang pang-iinis sa akin e." Pagmamayabang nito. Sa lahat talaga siya ang pinakawalang kwentang kausap.

"Manahimik kana jan," utos ko sa kaniya. "Samahan moko kayla Lei."

"Wala si Lei." Sagot niya.

"Ha? Bakit nanaman?" Tanong ko nang mapahinto ako sa paglalakad.

"Ewan, ilang araw na wala 'yon. Di ko din naman alam kung san lumulusot lusot ang mokong na 'yon." Dale.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Lei.

Ilang ring lang at sumagot din siya.

"Asan ka?" Panimula ko sa phone call.

[A-ah, nasa bahay. Papunta akong tambayan.]

Ayon lang ang sinabi niya at pinatay na agad ang call. Medyo nga nauutal siya, hindi ko naman alam kung bakit.

"Ano daw?" Tanong ni Dale.

"Tara sa tambayan." Aya ko.

"Ano ba 'yan! Tinatanong kita kung ano sabi, tas isasagot mo sa akin 'tara sa tambayan.' Anong klase kaba?" Reklamo nito.

Kahit kailan talaga nakakarindi rin 'tong si Dale. Ang sarap lagyan ng tape ang bunganga. Pasalamat nalang siya, nakakatiis pa ako. Minsan nababatukan ko na siya.

Dahil wala akong sariling sasakyan, nakisakay lang ulit ako kay Dale.

"Dito na tayo." Dale.

"Obvuse ba?" Sarkastikong tanong ko at bumaba ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay pa at pumasok na din ako sa loob ng tambayan namin.

Biglang may kumaluskos, napatingin ako sa gilid sa likod ko at muntik ko na masuntok ang taong kumaluskos.

"Ano ka ba naman, Lei." Kalmadong sabi ko at nakahawak sa dibdib ko.

Tumawa si Lei. Napansin ko na nakahoodie siyang itim, eh ang init init.

"Pre, ang init init ganyan suot mo." Sambit ni Dale.

"Wala lang." Sagot nito. Ngumiti lang ito at umupo sa upuan. "Inom kayo." Dagdag pa nito.

Binigyan niya kami ng tigdalawang flavored beer.

"Anong meron? Tambay lang? Dapat sa bar nalang e." Reklamo ni Dale, nagkamot pa siya ng ulo. Onti nalang at mababatukan ko na ang isang 'to.

"Hindi, may paguusapan tayo." Sabay naming sabi ni Lei at nagkatinginan kami.

"Bakit pala di pumunta si Harry?" Tanong ni Lei.

"Hindi mo ba pinapunta?" Tanong ni Harry sa akin.

"Hindi." Maikling sagot ko.

"Jaemin," pagtawag ni Lei sa akin. "Kanina, nakita ko si Tito Vince na pumunta kayla Arriane."

"Ah, g-ganon ba? Nakita ko din, sinundan ko kasi ang sasakyan ni Tito Vince." Sagot ko.

"Bakit kaya? Ang weird lang dahil nagyakapan sila na parang mag-ama." Sambit pa ni Lei.

"Teka, malay niyo magkamag-anak sila? Oh diba, edi maganda at maayos! Eh di may pinsan kaming matalino." Proud na singit naman ni Dale.

Agad kong binatukan si Dale, kahit kailan talaga siya. "Manahimik ka jan!"

"Wala kabang napapansin sa Tito Vince mo simula nung umuwi siya dito galing sa ibang bansa?" Tanong ni Lei.

"Wala naman, matagal na kaming hindi nagkakasama ni Tito Vince." Sagot ko.

"Ang weird talaga, sobrang nacucurious ako." Sambit pa ni Lei at nagisip isip.

"Curiousity can kill you." Singit nanaman ni Dale. Pero may point siya don.

Naisip ko na siguro obserbahan ko din ang mga kilos at galaw ni Tito Vince, madali kong magagawa 'yon sa ngayon dahil sa bahay sila tumutuloy ngayon ng asawa niya. Mas madali ko magagawa ang pagoobserba ko nito at isa pa next week pa sila aalis sa bahay para sa condo tumira sandali.

"Titignan ko nalang ang mga kinikilos ni Tito Vince." Sambit ko.

"Malaking tulong 'yon para matuklasan kung ano ba talaga meron sa kanilang dalawa ni Arriane." Sambit ni Lei at tumango tango.

"Magpresenta kaya ako na ihatid si Arriane sa bahay niya?" Tanong ni Dale.

"Hindi pwede, baka mapaaway siya sa school." Sambit ni Lei.

Nagpout naman si Dale.

"Oo, delikado." Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Lei.

Nagkwentuhan kami at nagplano pa, hindi na namin napapunta si Harry. Buti nalang at hindi kami tinatamaan sa beer kaya di kami nahilo o nalasing.

Matutuklasan din namin 'yan.

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now