MN-15

2.6K 113 2
                                    

Chapter 15: Inis.

Lucas.

Makapasok na nga! Ay grabeee. Nag aalala pa din ako dahil ilang subject ang hindi ko napasukan kahapon, aish.

Pumasok nako at ngayon nandito nako sa loob ng university. Pero wait, bat parang walang students? Hmm, parang imposible. Araw araw pumapasok ako ng gantong oras pero maraming students dito sa area na 'to. Pero bat ngayon makabasag pinggan ang tahimik.

Teka, si Arriane 'yon ah. Nakikita ko siya mula sa malayo, halata kong nagtataka rin siya na onti ang studyante. Lalapit nako sakanya pero..

Si Harry 'yon ah? Teka, bat ganyan siya makalapit kay Arriane? Close ba sila?

Hindi nalang ako lumapit kay Arriane at nanatili nalang ako mula sa malayo, nagtago ako sa harang para siguradong hind nila ako mapansin.

Nakita ko na naglakad na ulit si Arriane, pero sinundan siya Harry. Bat ba niya sinusundan si Arriane?

Napansin ko na lumakad ulit si Arriane pero nanatili nalang si Harry sa kinatatayuan niya. May isinigaw si Harry pero hindi ko naintindihan kung ano ba ang sinabi niya, matapos non ay naglakad na siya paalis pero tinawag siya ulit ni Arriane at nagusap nanaman sila. Pagkatapos nilang magusap, umalis sila ng sabay. Hindi ko alam kung saan ba sila tutungo, pero nakakainis dahil hinihila niya si Arriane, ano bang akala niya? Na laruan si Arriane? Nakakairita siya.

Aish. Nakakainis. Bat ba kasi dikit ng dikit si Harry kay Arriane. Naiinis ako at nag aalala at the same time. Naiinis ako dahil ayokong magkasama sila palagi dahil kapahamakan lang ang dala ni Harry. Nag aalala naman ako dahil baka kung anong mangyari sa bestfriend ko, kay Arriane. Kilala ko na 'yan si Harry, laruan lang ang mga babae para sakanya. Wala siyang pake kahit makasakit siya ng babae. Magkatropa kami dati kaya alam ko ang tunay na ugali niya.

"Harry please, mahal na mahal kita. Wag moko iwan hindi ko kaya." Pagmamakaawa ng babae kay Harry, lumuhod ito sa harap niya at paulit ulit na nagmakaawa.

"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi?! Sinabi ng layuan moko e! Hindi kita mahal! Hindi kita gusto kaya layuan mo na ako!" Sigaw ni Harry at tinulak palayo yung babae. Wala nang nagawa pa ang babae iyon at tumakbo nalang palayo habang umiiyak.

"Bro, masyado naman atang harsh yung ginawa mo don?" Natatawang sabi ko sakanya.

"Tss, bagay lang sakanya yon." Naiinis na sabi niya. "Wag na nga lang natin pagusapan yon, nabadtrip e."

Biglang nagflashback sa utak ko 'yong mga pangyayaring may mga naghahabol na babae kay Harry na nasaksihan ko, kita ko sa mga mata nila na mahal nila si Harry at nasasaktan sila pero itong si Harry walang pake. Ganon kamanhid, hindi niya manlang iniisip ang pakiramdam ng ibang tao. Ayokong gawin niya kay Arriane 'yong mga ginawa niya sa ibang babae.

Lumabas nalang ako ng school at umuwi.

Binantayan ko lang sandali yung bahay, at tsaka lumabas ulit. Naisip kong puntahan yung dati namin tinatambayan, yung puro instruments na room sa isang building. Si Harry ang nagturo samin sa lugar na iyon. Gusto kong tumugtog dahil mahaba pa ang oras ko.

Nagtaxi ako papunta don, sa hindi kalayuan ay nakita ko si Harry, kasama niya si Arriane. Hanggang dito ba naman sinasama niya si Arriane? Naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi ba niya iniisip na pwedeng mapahamak si Arriane?

Naisip ko na wag nalang pumasok pa don, makikita lang nila ako at baka isipin pa ni Harry na sinundan ko sila don. Ayoko naman na mapasama nanaman kaming dalawang ni Harry lalo na kasama niya si Arriane.

Hindi ko naman talaga iniisip na baka mahulog ang loob ni Arriane kay Harry, pero posibleng mangyari yon.

"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ni Lei, teka bat siya nandito? "Sinusundan mo ba si Arriane?" Nagtatakang tanong niya pa.

"Kung susundan ko man si Arriane, para 'yon sa safety niya. Baka kasi mapahamak siya pagkasama niya si Harry." Sagot ko. "Pero hindi, hindi ko siya sinusundan. Nagkataon lang siguro."

"Gusto mo siya?" Malamig na tanong ni Lei. Natigilan ako.

"Hindi, bestfriend ko siya." Sagot ko.

Bigla naman parang nakahinga ng maayos si Lei. Kanina pa siya tanong ng tanong sakin kaya ako naman ang magtatanong sakanya.

"Ikaw, bat ka nandito?" Tanong ko.

Para siyang wala sa sarili habang nakatingin don sa building na pinasukan nila Arriane. "H-ha?"

"Sabi ko bat ka napunta dito?"

"Ah, wala lang. Napadaan lang ako. Di ko kasi alam na mamaya pa pala pasok." Sabi niya.

"Sige, una na ko." Sabi ko at umalis.

Nakita ko mula sa malayo na nandon pa din si Lei at bigla siyang tumawid papunta sa building. Ano kayang gagawin niya? Pupuntahan niya kaya sila Arriane?

Napaisip ako bigla sa tanong ni Lei kanina. Di ko naman talaga gusto si Arriane, magbestfriend lang talaga kami. Tama, magkaibigan lang kami.

Umuwi nalang ako sa bahay para kumain at maghanda ulit sa klase ko mamaya.

~~~

Lei.

Ang totoo, sinusundan talaga si Harry at Arriane. Ayoko lang malaman nila yon.

Pumasok ako sa building pagkaalis ni Lucas. Pumunta ako sa room ng piano.

Nakauwang ang pintuan ng room, nakita ko si Harry at Arriane. Kumanta si Harry ng kanta ni Taeyang at pagkatapos niya kumanta ay kinausap niya si Arriane.

"Hoy! Your jaw dropped na. Haha." Rinig kong sabi ni Harry kay Arriane.

"Woah." Sabi ni Arriane.

Naglakad siya papalapit kay Arriane. "Okay ba?" Tanong niya.

"Yeah, it was really nice." Natutuwang sagot ni Arriane.

"Hayaan moko na pumasok sa mundo mo." Sabi ni Harry at hindi naman agad naintindihan ni Arriane.

Napakatraydor ni Harry. Ang sabi niya sakin tutulungan niya akong mapalapit kay Arriane. Napakawalang kwentang kaibigan ni Harry. Akala ko totoo lahat ng sinabi niya sakin. Pero hindi pala. Alam ko na ngayon na may gusto siya kay Arriane.

Umalis agad ako sa lugar na yon at pumasok nalang agad ako sa school. Sa Canteen na ako kumain habang naghihintay.

Maya maya lang dumami na ng dumami ang studyante sa labas. Lumabas na din ako at saktong nakita ko si Arriane at Harry. Magkasama. Pero papasok na si Arriane.

Naglakad na din palayo si Harry at ng makita niya ako, nilapitan niya ako agad at nakangiti siya sakin.

"Hey." Bati niya pero wala pa ding emosyon ang mukha ko.

Tumango lang ako sakanya. Ayokong magkagulo kami, baka mamaya bigla ko nalang siya masapak.

Kaya ko pang magpigil ng galit ko ngayon sa'yo, pero hindi ko nalang alam sa susunod.

-♡-♡-♡-

(A/N): Guys magwa'one year na 'tong Ms. Nerdy pero hanggang ngayon hindi ko pa din siya tapos. HAHAHAHAHAHA. Hindi ko nga alam kung pano niyo pa nagagawang ituloy yung pagbabasa neto e. Halos isang beses lang ako nag uupdates sa isang buwan. Minsan nga dalawang buwan pa bago ako maguupdate. Huhuuu. Busy nanaman tayo sa pagaaral! Magaral tayo ng maigi.

Sa July 6 ang 1st anniv neto pero di pa din tapos. HAHAHAHAHAHAHA.

-KJiminie23

Ms. Nerdy Where stories live. Discover now