CHAPTER 12: Arriane with The Bad Boys
Arriane.
Nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Mommy, papunta kami ng school at hinatid ako ni Mommy ngayon.
Nasa tapat na kami ng school kaya nagpaalam na ako kay Mommy.
"Bye, Mommy." Hinalikan ko ito sa pisngi at kinuha ko ang bag ko at ang iba pang libro na dala dala ko.
"Ingat, baby. Just call me if you need something. I love you." Ngumiti ito.
"Okay thanks, Mom. I love you more." Ngumiti ako dito at tuluyang bumaba sa sasakyan.
Pagbaba ko pa lamang ay agad ng naginit ang mga mata ng studyante na nakatitig sa akin. Pinagbubulungan ako ng mga ito na animo'y may krimen akong ginawa.
Dumiretso nalang ako ng lakad at nakasunod pa din ang mata nila sa akin, hindi ko na lamang sila pinansin. Ngunit nagtataka pa din ako kung bakit ganoon sila makatingin sa akin, ano bang ginawa ko sa kanila?
Nakarating ako ng room, nasa pintuan pa lamang ako ay ramdam ko na ang presensya ng mga kaklase kong nakatingin sa akin at pinaguusapan ako. Dumiretso ako sa upuan ko, bago pa man ako makaupo napansin ko na agad si Lucas. Nakangiti ito sa akin kaya naman binalikan ko ito ng ngiti.
"May p-problema ba?" Naiilang na tanong ko sakanya dahil tahimik lang ito na nakatingin sa akin.
"Wala naman, namiss lang kita bessy." Tumawa ito ng mahina.
"H-huh? Hahaha." Natawa naman ako dahil lume-level up na siya at bessy ang tawag sa akin. Woah lang ah, haha.
"Tawa ka jan bessy? Haha." Nawala 'yong mga mata niya dahil tumawa ito.
"Uy? May dumi ba sa mukha ko?" Bigla nalang akong natauhan sa sinabi niya.
"W-wala naman. Bakit?"
"Kanina ka pa nakatitig sa mukha ko e." Napakamot nalang siya ng ulo.
Hindi ko naman namalayan na nakatitig pala ako sa mukha niya. Nakakahiya.
"Ganon ba, sorry lutang lang." Nahihiyang sabi ko.
Hindi pa nakakapagsalita si Lucas, nagsitahimikan na agad ang buong klase dahil dumating na ang teacher namin. Lahat kami ay umayos ng upo.
Ilang oras lang ay natapos na agad ang pagtuturo ng teacher namin. Haaaayst! Tinuro din ni Lucas sa akin lahat ng pinag-aralan kahapon, tinuro niya sa akin noong may vacant time kami. Hindi naman ganon kahirap kaya ayos lang, pag-aaralan ko nalang ulit sa bahay dahil binigyan naman niya ako ng notes. Ayon nalang ang babasahin ko mamaya sa bahay, hindi naman ganon kahaba kaya ayos lang. Magssearch na din ako ng examples about sa pinag aralan na 'yon dahil absent ako kahapon, kailangan ko 'yon sabi ni Sir, yung teacher namin sa subject na 'yon. Iyon na daw ang assignment ko dahil di ako nakagawa ng activity niya kahapon dahil nga 'di ako pumasok. Kahit daw excuse ako kailangan may gawin pa din ako, kahit kailan talaga mahigpit si Sir. Hayst.
*kringgg!*
Nagbell na!
Break time na namin, nakahinga naman ako ng maluwag agad. Haha.
"Pupunta ka sa canteen diba?" Tanong ko kay Lucas na parang walang balak magpunta ng canteen.
"Hindi, kailangan kong tapusin 'tong pinapagawa ni Ms. Panganiban e. Hindi tuloy kita makakasabay kumain ngayon. Sorry." Pagpapaliwanag niya.
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...