EPILOGUE
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Lei at naglapit ang mga mukha namin...
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang malapat ang labi niya sa labi ko. Napapikit nalang ako dahil sa naramdaman ko.
Ilang segundo ang lumipas ay binitawan na niya ang balikat ko at humiwalay na siya sa labi ko. T*ngina anong nangyayari? First kiss ko si Lei? Nananaginip lang ba ako? Imposible ata 'to, nako. Paano na 'to?!
Nanghihina akong nakatayo at parang wala sa wisyong tulala sa mukha niya.
"Arriane, I'm sorry," Hinawakan niya ang kamay ko bigla. "I don't know how to confess this fucking feelings for you.." Sambit pa nito.
Nananaginip lang ba ako?
"That's why I kissed you, I know its wrong but that kiss means that I like you for a long time. I really like you to the point I'm starting to fall for you." Dagdag pa nito.
Ako? Gusto niya? Teka, prank? Joke?
"Mahirap ba paniwalaan? Oo. I will court you, may pag-asa man o wala. I'll do my best to prove my feelings for you." Diretsong tingin nito sa mata ko.
"L-Lei, a-are you serious?"
"I'm falling for you, and obviously I'm fucking serious for courting you." Hinigpitan nito ang hawak sa kamay ko.
Hindi ko alam ngunit napakadaming tanong sa isip ko. Paano? Paano naman niya ako nagustuhan? Ni minsan nga di sumagi sa isipan kong magiging magkaibigan kami.. Anong dahilan? Wala naman bagay sakin na dapat magustuhan.
Kita ko sa mga mata niya na seryoso siya, pero mahirap magtiwala. I know how much it hurts when man brokes your heart, my Dad was the first man who broke my heart. I still cannot move on.
"I'll wait for you, hanggang sa pwede na. I'm willing to take a risk for you." Sambit nito at ngumiti.
Tumingin na kami ulit sa langit habang hawak namin ang kamay ng isa't isa. Oo, humawak na din ako sa kamay niya. Sobrang nakakatuwa na maramdaman 'yong ganito..
Sana hindi na lang matapos ang gabi na 'to..
YOU ARE READING
Ms. Nerdy
Teen FictionMs. Nerdy? Oo alam kong tahimik at lonely ang buhay ko pero kuntento na ako dito. Aral dito, aral doon. Libro, libro, libro. Laging tahimik, hindi napapansin ng iba, walang kaibigan, madalas na bubully. sa school, tambay sa library, ayaw pumunta sa...