"May! Sige na maglaro muna tayo." Tinignan ko si Haliya na niyayaya akong maglaro. Kasama niya sina Tonton at ang mga kaibigan niya mula sa ibang school.
Napayuko ako at hindi alam ang sasabihin. Hindi ko alam paano makitungo sa iba. Wala akong ibang kaibigan kundi si Haliya. Hindi ako gusto ng mga kaeskwela ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin sila nagagalit dahil sa hindi pagkakagusto ng mga kaklase naming lalaki sa kanila. Hindi ko ginustong sa akin nila ibigay ang atensyon.
Lagi kong tinitignan ang mukha ko sa salamin at hindi naman iba sa karaniwan ang mukha ko. Or so I thought.
"Sige na May! Isa lang naman eh! Tapos uuwi na tayo. Agawan base daw yung laro ngayon!" Umangat ang tingin ko sa masaya at excited niyang mukha.
Napatingin ako dun sa isang kasama nina Tonton na nakatingin din sa akin. May kakapalan ang buhok niya pero hindi mahaba. Ang mga mata niya ay tila itim na langit, malaki at medyo bilugan ang mga iyon na napapalibutan ng malalantik na pilik mata. Matangos ang ilong at may manipis pero kitang kita ang pagkapula nun.
He gave me a wide smile. May kislap ng saya sa mga mata niya. He looked so cute.
Dugdug.Dugdug.Dugdug
Naginit ang magkabilang pisngi ko kasabay ng tila pagtambol ng dibdib ko.
"Si-Sige." Pagpayag ko. Hinati nila sa dalawa ang grupo. Sa kabilang grupo napunta si Haliya. Nalungkot at bahagya akong natakot. Paano ako maglalaro? Hindi ko sila kilala. Hindi ko alam paano ko sila kakausapin. Gusto ko ng umatras nang lumapit sa akin iyong lalaki kanina. Lalo pa akong yumuko.
"Magkakampi pala tayo May! Galingan natin!" Napaangat ako ng tingin sa kanya. May kislap ng saya sa mga mata niya. Gusto kong laging makita iyon. Gusto ko, lagi lang siyang masaya.
"Ah. O-Oo!" Sagot ko. Namamawis na yung palad ko sa kaba.
"Ilustre! Game na! Pili na kayo ng base!" Sigaw ni Tonton.
Lumapit kami sa isang poste. Everyone's guards are up now. Kita ang determinasyong manalo sa batang mga mukha. Pero salungat nila, alam kong ako naman ay nababalutan ng kaba. Ayokong maging pabigat sa mga kakampi ko.
Isa sa amin ang naiwan para magbantay ng base. Kami nina Ilustre ay makikipaghabulan na. Isa sa mga kalaro namin ang pinuntirya ako at hinabol ako ng hinabol. Nanlalaki ang mga mata ko na tumakbo.
Hingal lamang ang maririnig sa akin habang tumatakbo kami.
"Matataya na din kita May!" Humahalakhak niyang sambit. Hindi! I can't let my team down! Di ako pwedeng mataya! Lalo kong binilisan ang pagtakbo ngunit tila lalo siyang bumilis.
Maaabot na niya ako nang may biglang humila sa akin at dinala ako sa likod niya. Mabilis lang iyon ngunit naamoy ko siya. Gusto ko ang amoy niya. Tila ba ako dinala sa gitna ng napakaraming bulaklak.
Sunflower..
"Takbo na May! Ako na magpapataya." Sigaw ni Ilustre at nataya na nga siya. Hinila siya nung humahabol sa akin kanina. Pero hindi ko maatim na niligtas niya ako.
No.. I will save you too Ilustre.
Natulos lang ako sa kinatatayuan ko. Nang makita ko siyang nakahawak na sa base ng kalaban. He looked at me with those smiling eyes. He mouthed 'May'. I felt a tug in my heart. I will save you Ilustre.
My sunflower.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na nagmamadaling tumatakbo papunta sa direksyon niya.
Mabilis akong nakarating doon nang hindi napapansin. Inilahad niya ang kamay sa akin. I grabbed it and gave him the most genuine smile I have ever made in my life.
I never felt this warm inside to be able to smile happily. I looked ahead while holding his hand.Dugdug.Dugdug.Dugdug
Pero sa huli ay parehas pa rin kaming nakuha ng kabilang team. Natalo kami pero magaan ang puso ko sa nangyari. Hindi pa ako naging ganito kasaya sa paglalaro. Sa loob ng matagal na panahon pakiramdam ko ay wala akong lugar para sa ibang tao. But his smiling eyes broke that feeling inside.
"Bye May!" Sigaw ni Haliya habang kumakaway sa akin.
"Bye!" I sighed happily at humarap sa kabilang direksyon. Nagulat ako nang salubungin ako ng masaya niyang mga mata. He smiled widely.
"Babye May!" He said. Masarap na pisil sa puso ang naramdaman ko.
Dugdug.Dugdug.Dugdug
"Ba-Babye!" I answered back. Stuttering. His next move made my heart race even faster. Bumaba ang mukha niya sa akin at mabilis na nilapatan ako ng halik sa pisngi.
"Ingat ka May! See you!" Sigaw niya sabay takbo palayo sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero hindi ako nagalit. Infact, it made me feel light and very happy.
Napahawak ako sa pisnging hinalikan niya.
Sunflower just made me so happy.
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomanceSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...