Nagising ako sa kaluskos sa tabi ko. Nakita ko si Henry na tila ba maingat na lumalayo sa akin para makatayo mula sa kama.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang gising na ako.
"Goodmorning Chef!" Namula ang buong mukha niya habang nakatingin sa akin. He opened his mouth and tried to talk but no words came out. Ipinilig niya ang ulo na tila ba hindi makapaniwala sa nangyayari.
Bigla siyang tumayo at pumasok sa isang pinto na nasa loob din ng kwarto. Baka CR iyon. Nagtataka man ay tumayo na ako at lumabas. Maghihilamos na rin ako. Pagpasok ko sa banyo ay naghanap ako agad ng spare na toothbrush. Swerte! Meron!
Naghilamos ako at nagtoothbrush tapos ay lumabas na ako sa banyo. Saktong palabas na rin si Henry doon. Tila nahihintatakutan siya sa akin kaya papasok sana siya ulit pero tinakbo ko na ang distansya namin at pinigilan siya sa pagpasok.
Napatingin siya sa kamay kong nasa braso niya at tumingin rin sa mukha ko. Namumutla talaga siya.
"Henry? Ayos ka lang ba? Ang putla mo!" Nagaaalalang sabi ko sa kanya.
"Y-You're real?!" Sigaw niya. Fudge! Akala ba niya imagination lang ako? Kinuha ko ang dalawang palad niya at inihawak iyon sa pisngi ko.
"Nararamdaman mo ako di ba? Totoo ako Henry." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. It turned from surprised to stoic to angry.
"What are you doing here May?" Mababa ang boses at may pait sa tono. Sinaklob ng sakit at pait agad agad ang puso ko.
"Don't you want me here?" I asked while looking deep into his eyes.
"No I don't. How can you just show up like nothing happened?" Sikmat niya.
"Ikaw ang biglang bumagsak sa akin kagabi Henry! I didn't intend to see you here! Ayoko na sanang guluhin pa ang buhay mo kaya wala akong balak na magpakita. Pero hindi naman kita pwedeng pabayaan ng ganun lang!" Sumbat ko sa kanya. Masakit sa puso ang pagbabago ng pakitungo niya. Kagabi ay halos hindi na niya ako pakawalan at hindi siya matapos tapos sa pagsasabing mahal niya ako tapos ngayon?!
Ang gulo niya! Hindi ko maintindihan!
"Last night you practically begged for me to stay. Tapos ganyan ka haharap sa akin ngayon? Fuck!" Sigaw ko. Bakas ang gulat sa mga mata niya pero agad ding napalis iyon. Nabura ang emosyon at nagtangis ang bagang.
"Lasing lang ako. Kung di mo na masikmurang naririto ka sa harap ko, then by all means just go away." Mahina ang boses pero mariin niyang binitawan ang bawat salitang iyon.
Nagmistulang mga blade na sumugat sa akin ang mga salitang sinabi niya. Ang sakit. Ang sakit sakit na pinalalayas niya ako! Fuck! Naramdaman ko ang luhang tumakas sa mata ko kaya agad kong inalis iyon at tumakbo na ako palabas ng bahay niya.
Pano niya nagagawa iyon? Pano niya nakakayanang ipakita sa akin na tila wala na siyang pakialam? Nalilito ako! Kagabi ay napakasweet niya tapos biglang ganun?
Lasing nga lang ba talaga siya? Anong ibig sabihin ng mga kilos niya? Pumintig ang sentido ko. Masakit sa ulong intindihin si Henry. Tulad dati kayang kaya niya akong patumblingin sa kalituhan.
Ayoko nang magisip at umiyak. Sinubukan kong pigilan ang mga luha kahit na ayaw maampat ng mga iyon.
Tinawagan ko si Ara at nagpatulong sa kanyang magschedule ng flight para sa akin. Bakas ang hinagpis sa boses ko at nang tumanggi akong magkwento ay hinayaan na niya ako. Pero mabilis niyang naarrage ang flight details ko.
I texted Sep that I am going home now. 2 days ang biyahe at mauuna lang pala ang flight ko sa kanila ng isang araw. Malungkot at lito akong umuwi sa Pinas.
Nakasakay na ako sa eroplano nang mapagtanto ko ang katangahan ko. Fuck! Nandun na ako bakit di pa aki nakipagusap ng maayos? Bakit hindi pa ako nagpaliwanag? Masyado akong balat sibuyas pagdating kay Henry kaya siguro imbes na makipagpilitan ay tumakbo ako palayo.
Kasalanan namin ni Mama kung bakit nangyari sa amin ni Henry ito. Marapat lang na ako ang umayos.
Pero tulad dati, fudge! Katangahan pa rin ang pinairal ko.
Nang makarating na ako sa Pinas ay sinundo ako ni Hera at Cramer.
"Anong katangahan na naman ang ginawa mo May?" Agad na salubong ni Hera sa akin.
"Please kang awat muna. Di ko sinasadya ang kung ano mang nangyari sa California. Those are coninsidences. Pagod ako at may jetlag. Mamaya na ako magpapaliwanag pwede?" Mahinahong sagot ko kay Hera.
Di pa ako handa sa sermon. Pahingi munang tulog dahil halos di ako patulugin ng katangahan ko.
Bumuntong hininga na lamang siya at hinayaan na akong matulog.
Kahit hanggang makarating kami sa bahay ay hindi na nangulit si Hera. Pero hindi ibig sabihin nun na natahimik ako. Nakakainis dahil tila binubugbog ako ng sarili kong isipan.
Buhol buhol ang mga naiisip ko na halos hindi ko na maintindihan ang gusto kong mangyari.
Ano nga ba? Should I talk to him properly this time? Or should I just let things be and forget about him na lang?
If I have to honestly answer that question I still want to talk to him, touch him and be with him. Sa dami ng nangyari sa akin ramdam ko na yung presensya lang niya ulit sa buhay ko ang makakapagpa-okay ulit. Pero may mga bagay na hindi dapat ipilit kahit gustuhin.
Isa na dun ang pagibig. Kung hindi na niya ako gusto then, there's really nothing that I can do.
Baka sign na rin ito na hindi talaga siya ang para sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomanceSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...
![Chasing Love. [Fin]](https://img.wattpad.com/cover/117118724-64-k271799.jpg)