Page 26.

18 0 0
                                    

Matagal kong tinitignan ang papel na hawak ko.

Nakasulat dito ang numero ni Henry. Alam ko, matapos ang napakahabang panahon ay kailangan namin parehas ng closure.

Hindi ako tuluyang magiging malay sa pait at sakit kung hindi ko haharapin ang isa sa mga malalaking multo ng kahapon ko. Isa pang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Tama lang ito, 7am na sa California kaya malamang ay gising na siya. Tinipa ko sa cellphone ang numero niya at itinapat iyon sa tenga ko.

It was ringing after a couple of rings a very familiar and deep voice came on the line. Kumabog ng matindi ang puso ko bilang pagkilala sa kaisa isang lalaking minahal ko.

"Hello?" Agad na naginit ang mga mata ko sa sobrang pangungulila sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya! Kaya ko na ba itong tuldukan?

"Hello? Carol, it's too early for your pranks. Just come here now." Nagulat ako sa sinabi niya. Carol? Sino si Carol? May iba na ba siya?

Naglandas ang mga luha sa pisngi ko. God! Am I too late? Hindi ko matanggap na huli na ako. Na huli na ang lahat sa amin.

"Carol? Hey!" Ibinaba ko na ang phone ko at pinindot ang end call button. Nanginginig ang mga labi ko habang umiiyak. God! Mahal na mahal ko pa rin siya pero ano ito? Ito na ba ang karma ko sa ilang taon kong pagtikis sa damdamin ko para sa kanya?

Pabagsak na dumapa ako sa kama. Siguro nga kailangan ko na lang siyang kalimutan.



"Anak, hindi ako kumokontra pero hindi pa rin ako ganoon kasangayon sa relasyon ni September at November. Mahal ko ang mga batang iyon pero paano si Grethel? Paniguradong problema na naman iyan." Napapalatak na sabi ni Mama sa akin habang naghahanda kami ng hapag.

Tumawag sa akin kanina si Sep at nagsabing uuwi na daw sila ni Novie sa susunod na linggo. Masaya akong ayos na sila pero tulad ni Mama, naroroon pa rin ang pangamba.

Naintindihan ko na si Mama ngayon. Hindi siya nababaliw nang gabing magkaaway away kami nina Sep. Natatakot lang din si Mama sa maaaring mangyari sa kanila kaya sinusubukan niyang pigilan si Sep.

Nagkamali kami pero kailangan na namin pareparehas na magmove on.

"Ma, di naman natin hawak ang mga puso nila. Kailangang tanggapin ni Tita ang nararamdaman nina Sep at Novie para sa isa't isa." Mahinahon kong sabi. My phone rang and I saw that Ara is calling me.

"Ma sagutin ko lang po ito ha?" Tumango siya at sinagot ko na ang tawag. "Hi Ara!"

"Oh gosh! May! I don't know if this is a good time but I need your help." Tila inilayo niya ang phone sa kanya pero dinig ko ang pagkainis sa boses niya nang magsalita. "Tell that fucker that I will destroy her! I only gave her a chance out of pity and she'll do this to me? Fuck her and her ancestors!" Galit na galit niyang sambit.

Ngayon ko lang narinig si Ara na ganito kagalit.

"Uy! Anong nangyayari sayo?" Nagaalala kong sambit.

"Sorry about that May. Kailangang kailangan ko ng tulong mo. One of my models fucked up and I need a replacement asap! Di kasi ito simpleng photoshoot lang. It has interview too. At wala na akong ibang maisip na magandag mukha na babagay sa shoot na ito kundi ikaw. Please May. Just this one." Her pleading voice seemed like she's about to cry.

Pero natatakot akong makilala. Ganun pa rin kasi ang stand ko sa mga tao, mapanghusga. Paano ako haharap? Pero photo shoot naman eh. Hindi ko kailangang huminga sa kaparehas nilang hangin.

"Tungkol saan ba ang interview?" Tanong ko.

"Thank God! Simple lang about sa sarili mo. Empowered women ang tema kaya pwedeng pwede ka. Payag ka na ba?"

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon