Page 20.

16 0 0
                                        

"Hoy ungas! Akin na iyan!" Sigaw ni Kuya kay Kuya Drako nang akmang kakainin niya yung ubas na dala nila para kay Kuya.

Ito naman kasi si Kuya Drako, pasalubong nila kay kuya tapos siya ang kakain? Natawa ako sa ekspresyon ng mukha ni Kuya Drako. Nakanganga pa siya at akmang isusubo ang ubas na hawak.

"Nabagok lang yang ulo mo dude naging madamot ka na bigla! Loosen up!" Isinubo pa rin niya iyon at ngumisi kay kuya. Napailing na lamang ako.

Okay na si Kuya, madidischarge na siya mamayang hapon kaya naman nandito kami para sunduin siya. He told Papa na hindi niya pa kayang makipagusap kay Mama kaya kami na lang ang susundo kay Kuya.

Papa talked to me that night instead of Mama. Sinabi niya na ang sitwasyon ni Mama sa akin. Hera's right, Mama is having mid-life crisis kaya siya pabago bago ng isip at ugaling ipinapakita.

Papa kept it to himself dahil ayaw niyang masaktan kami at baka isipin namin na nababaliw si Mama. Hiningi niya ang pangunawa ko. At buong puso ko iyong ibibigay.

I told Kuya about it but the pain and anger are still consuming him. Hindi ko ipinilit na patawarin niya si Mama. Ayokong half baked forgiveness lang ang ibigay niya.

Tulad ng sinabi ni Henry, things will fall on their rightful places in time. So I have to be very patient about it. Though natatakot talaga akong baka bigla na lamang may gawin si Mama sa amin ni Henry.

"Gago! Di ako madamot! Kaya lang ang takaw mo dude! Pasalubong nga di ba? Sana di mo na lang binigay!" Nakasimangot na sabi ni Kuya na ikinatawa naming lahat.

"Iba talagang nagagawa ng pagkabagok. Bulok na nga iyang ulo mo lalo pang nabugok. Kailan ka ba namin pinasalubungan Hulyo? Para sa amin to no!" Sigaw ni Kuya Froilan at naghigh five sila ni Kuya Trevor.

"Mga gago!" Sabat ni Ate Athena. Isinalpak ni Ate ang hawak na ubas sa mga bibig nina Kuya Trev at Kuya Lan. "Ako ang gumastos niyan! Ako magsasabi kung para kanino yang mga iyan dude! Mga hayop! Ano Hulyo balian ko na ba ng ribs tong mga to para terno kayong apat?"

Ngumisi si Kuya July at nag-thumbs up kay Ate Athena. Napailing ako nang palagutukin ni Ate ang mga daliri niyang nakakuyom. Namutla yung tatlo kaya ang lakas ng hagalpak ng tawa ni Kuya.

"Asan ang yabang mga ulupong?! Si Athena lang pala ang katapat nyo!" Tumawa si Kuya at napasapo bigla sa may ilalim ng dibdib niya.

"Bilis ng karma pare!" Nagkatawanan na naman kaming lahat nang dumaing si Kuya. Matalim na tinitigan niya sina Kuya Drako at pinalayas.

Masaya akong makita na okay na si Kuya. Hindi na siya kasing depressed tulad nung nakaraan. Malaki ang pasasalamat ko kina Ate Athena dahil hindi nila iniiwan ang kuya ko.

Napapailing na inayos ko na lang ang gamit ni Kuya.

"Baby, ako na dyan." Bulong ni Henry sa akin. His expression remained stone cold but his actions showed that he cared. He'd been here with me all throughout. Hindi niya ako pinababayaang magisa.

I felt as if I was about to break down for the past few days and just like before my sunflower made me happy as much as he can.

"Alonzo." Malamig ang boses na tawag ni Kuya kay Henry. Tumingin naman si Henry sa kanya at tumayo ng tuwid habang nakapamulsa.

"Hindi porket hindi ako nagrereact eh pwede mo nang ibaby baby ang kapatid ko. Baka gusto mong balian ka ng ribs netong si Athena!" Nagulat si Ate sa sinabi niya kaya nakatanggap siya ng malutong na pambabatok mula dito.

"Aray naman Athena! Baka maextend ako dito! Ang sakit ah!" Sikmat ni Kuya.

"Gago ka kasi dude! Ipapain mo pa ako sa lalaki version ni Anna! Alam mo namang taong yelo yan!"

"Ah, ate? Baka lalaki version ni Elsa? Kasi si Elsa yung may powers ng yelo hindi si Anna." Sabat ko. Naguguluhan ang mukhang tinignan ako ni Ate Athena.

"Ganun ba? Sorry na." Kumamot sa batok niya si Ate at naghagalpakan na naman sila ng tawa. Di ko gets yung nakakatawa pero natawa na rin ako.




"Hindi! Ayoko Dylan! Hindi ako papayag! Dalhin mo si May sa Cebu!" Sigaw ni Mama. Napatigil ako sa tapat ng kwarto nina Mama.

Ako? Dadalhin sa Cebu? Bakit?

"You're being unreasonable Gretchen! Bakit mo ilalayo ang anak mo?! Don't make things even more complicated than it already is! Gusto mo bang lumayo rin ang loob ang pangalawa mong anak sayo?! It's enough that July's suffering! Can't you see the damage that you've done?!" Tumili ng malakas si Mama na tila ba nawawala sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ko. Ano na naman ito?!

"No! Ayoko kay Henry! Please Dylan! Do something! Ilayo mo si May! Ayoko!" Nagsisisigaw si Mama. Ano ba yan?! Nababaliw na ba talaga si Mama?

Bakit niya inaayawan si Henry?!

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwal si Mama. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"Ikaw?! Pasaway ka! Anong akala mo papayag akong maging nobyo mo ang lalaking iyon?! Hindi! Hindi ako papayag!" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya!

Mama! What's wrong with you! Fuck!

Nagulat ako ng hinila ni Mama ang buhok ako at pasabunot akong kinaladkad.

"Mama! Ouch! Wag po! Mama! Aray!" Pinipigilan ko ang kamay niya pero mahigpit ang kapit niya sa buhok ko. Masakit at tila ba pinupunit ang anit ko.

Mama! Bakit mo ako sinasaktan?!

Tumulo ang luha ko sa sakit sa dibdib ko at dahil na rin sa pisikal na sakit na ibinibigay niya sa akin.

"Gretchen! Oh God! Stop!" Hinabol kami ni Papa at sinubukan niyang pigilan si Mama pero tila galit na galit siyang bumaling sa akin. Tila walang naririnig at wala sa sarili!

"Malandi ka! Malandi! Ano magpapabuntis ka na lang doon? Akala mo naman papayag ako?! Wala akong pakialam! Hindi pwedeng kayo! Hindi ako papayag!" Nakita ko ang matarik na hagdan. Binundol ako ng kaba.

"Mama p-please stop! M-Mama! P-please." Iyak ko. Tila hindi niya ako narinig. Nalula ako sa hagdan namin. Malapit na si Papa pero nahuli siya dahil patulak akong inihulog ni Mama sa hagdan. Ramdam ko ang pagtama ng katawan ko sa baitang nun habang gumugulong ako pababa.

I tried to defy gravity and pull myself but I failed. Sa lakas ng impact ay naibato ako sa pader.

"May! Fuck! Gretchen! What have you done?! Fuck!" That's the last thing I knew before everything went black.

"May! May!"

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon