"Ms. Rivera, nahanap na po namin si Ms. November Ambrielle Rivera. Kasalukuyan po siyang nasa California ngayon at kasalukuyang nagtatrabaho sa restaurant ng isang chef na nagngangalang Henry Alonzo." Ibinigay sa akin ng Private Invesigator ang isang envelope na naglalaman ng report tungkol sa kinaroroonan ni Novie.
Hungkag na tawa ang pinakawalan ko. Akalain mo nga naman o. Hindi lang si November ang nahanap ko? Nahanap ko rin si Henry.
Mapait ang nalalasahan ko sa bibig habang tinitignan ang report. May kasama iyong mga litrato kung saan nagluluto at nagseserve ng pagkain si Novie.
"Baby Doll.." Namiss ko na siya. Hindi pa ako dumadalaw sa kanila mula nang umayos ang estado ni September. Isang taon na rin si August ang anak nina Tita Grethel at Tito Chris.
"Mas mabuting wag muna nating sabihan si Sep. Let's wait for him to recover fully then let's give him the address. Baka mapano na naman si Sep. Alam mo namang patay na patay iyang kapatid mo kay Novie. Baka magalsa balutan kaagad iyan." Nakangising sabi ni Hera. Kasama din namin ngayon si Cramer ang kaibigan ni November na naging malapit na rin sa amin ni Hera. Tumulong siya sa paghahanap kay November.
"Tama. Alright guys! Let's call it a day. Antok na rin ako." Humihikab na sambit ko. Napailing na lamang si Hera.
"Iwas pa boy! Nakita mo lang si Henry sa litrato inantok ka na?" Nanunuksong sabi niya. Matalim ko lang siyang tinignan.
"Hera, pagod na ako. I am tired of chasing love my whole life. And whenever I find love, nagkakatrahedya sa pamilya. I am not destined for love. I better just look at you people while you guys fall in love."
Mas maigi na siguro ang ganun. Ayokong magrisk kasi baka isang truck na sakit na naman ang bumuhos sa akin sa susunod na magmahal ako.
"Wala ba talagang pag-asa si Hapon sayo? Sabi mo bumalik siya mula Japan. He's making a move right?" Inayos ni Hera ang suot na salamin.
"He's not Henry. If I will love. I only want it to be Ilustre or Henry. If not him wag na lang. If it will cause pain and suffering towards people around me. Then I am okay with being loveless all my life. Hayaan mo na Hera." Kinuha ko na lang ang bag at tumayo na para iwan sila.
"May.. What if he comes back and he tried to get you again? What if all these time eh nandyan lang pala si Henry at nakaantabay sayo mula sa malayo? Paano kung hindi naman talaga siya nawala? Well, not physically but emotionally?" Napatingin ako sa nakatingalang si Hera. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"Well, hindi rin naman nawala yung nararamdaman ko after all these years. Magiging masaya ako kung totoo yang sinasabi mo. Pero kung hindi. Ayos lang din." Ngumiti na lang ako sa kanya at tumalikod na.
Ayaw ko man pero hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Hera. Oo nga, what if all these time ay nandiyan lang siya? How would I take it? I was so broken years ago, kaya ko bang mahalin siya ng buo kung ako nga'y basag at hindi mabuo buo? Would we be happy? Or my brokeness will break us apart too?
Will I be able to heal if he's with me? Napatunayan ko sa lahat ng nangyari sa akin na hindi ako ganun kalakas. Humuhugot lang ako sa mga importanteng tao sa akin. I was so weak that my last resort for everything is dying.
I thought if I die, I won't feel pain anymore. Hindi masaya pero atleast hindi nasasaktan. Ganun ako kahina. Ganun ako kawalang kumpyansa. Pano ako haharap sa mukha ng pagibig kung hindi ko kayang manindigan?
I am not heart strong. Ni hindi ko mapagbigyan ang sarili kong magpatawad at maging masaya. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at nagpatinaod sa paglubog. Because sinking low without fighting is less painful.
![](https://img.wattpad.com/cover/117118724-288-k271799.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomanceSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...